DISCLAIMER!
This story isn't perfect, i'm not good in english so pasensya na po sa mga grammar na mali.
There are parts and words in this story that are not suitable for young readers.
This story is the first generation of Sucker's series. if you want to read my other story just visit my profile.
[Kiven Sucker and Fate Ann Santos-Sucker]
❤ENJOY READING❤
Kiven Sucker.
Alam kung kilala niyo na ako, isa ako sa mga naging kaibagan ni zendaya maddi mendes de loughry. Diba ang haba? Tulad lang yan ng ano ko...... Ng alam niyo na yun?
Pasensiya..
Oo, ano bang nasa isip ko? Ito talagang si kumpareng konsensiya angal agad. Relax kalang dyan ok, tahimik lang..
At mamaya ay hahanap tayo ng mga chicks na kakainin natin boung araw. Haha! Alam kung nabanggit na sa inyo ni zen na isa akong playboy.
Yes, at diko kinakahiya yun. Dahil doon ako masaya. Gusto ko lang gantihan yung mga babaeng, kasi sa tuwing nakikita ko si mommy na umiiyak ay halos binabagsakan ako ng langit sa sakit.
Iniwan kasi kami ni daddy at sumama sa kabit niya. Kaya subrang sakit sa amin ang ginawa niya kaya lang naman ako nagkakaganito dahil galit ako sa babae except sa mga malapit sa akin na babae.
Kahit matagal na kaming iniwan ni daddy di parin nakaka move on si mommy sa hiwalayan nila at hanggang ngayon ay nasasaktan parin siya. Ibang-iba na siya marami ng nagbago sa loob ng pamamahay namin.
Di tulad noon na halos araw-araw na nakangiti si mommy. Pero ngayon kahit pinapakita niya sa akin ang ngiti niya ay meron paring ko lang at lungkot sa likod ng mga ngiti niya.
Masakit oo. Lahat naman siguro ng anak ay masasaktan pag ganito yung nangyari sa pamilya mo, lalo na pag makita mo yung umiiyak yung ina mo.
Ayaw kong mag seryoso sa pagmamahal, ayaw kung magtiwala sa babae. Dahil takot ako..
Oo, takot ako? Diba nakakatuwa kasi napaka lalaki kung tao pero takot akong magmahal kasi baka matulad ako kay mommy. Takot akong iwan ng mahal ko sa buhay, kaya hangga't nabubuhay ako sa mundong ito ay ipaparanas ko sa lahat ng babae ang sakit na dinaramdaman ni mommy kay daddy.
Kahit sa masamang paraan man lang ay maiganti ko siya kasi galit ako!! Galit ako sa salitang kabit!! Ewan ko nga kung bakit sa mga babae ako galit dahil siguro sa kabit ni daddy.
"baby." tawag sa akin ni mommy. Kumatok siya sa pinto ng kwarto ko
Bumangon ako at nag sout na muna ako ng damit bago binuksan ang pinto.
"mom bakit?" bungad kung tanong.
"baby, favor naman. Kasi bukas sana ako pupunta ng isla pablo. Kaso marami akong asikasuhin sa company. Baby, pwede ikaw nalang pumunta sa isla please. Promise maganda doon at magugustuhan mo doon." mahabang paliwanag niya.
Nabuntong hininga ako dahil sa alok ni mommy sa akin. Alam kung importante kay mommy ang mga taga isla pablo. Sa totoo lang hindi pa ako nakapunta doon sa isla na yun.
Marami kayang babae doon? Maganda kaya yung mga tao doon?
"isang araw lang naman ako doon diba mommy?" tanong ko.