Kiven
"wow po, bahay niyo po to papa?" tanong ni kia sa akin.
"yes baby, at simula ngayon magiging bahay mo na din to." ang saya ng puso ko ngayon dahil sa wakas makakasama ko na din ang anak ko ang anak namin ni fate.
Akalain mong naka bou pala kami noon sa gubat.
"dito din po titira si mama?" tanong niya.
"baby, di pwede kasi andito ang tita carla mo at saka yung kapatid mo." paliwanag ko sa kanya.
Nakita ko yung lungkot sa mukha niya kaya umupo ako sa harapan niya para magkasing tangkad kami.
"baby, diba napaliwanag na sayo ng mama mo na bawal siyang tumira dito." napanguso niya habang tumatango.
"pero kasi papa, di po ako sanay na wala si mama ko sa tabi ko." wika niya.
Hinaplos ko yung maliit niyang mukha.
"pwede ka namang dalawin ni mama dito kahit kailan niya gusto baby eh." napangiti ako ng yakapin niya ako.
"di ko po akalain na ikaw yung papa ko yung muntik ng makasagasa sa akin tapos yung gumamot sa sugat ko." narinig ko yung mahina niyang tawa.
Teka pano niya nalaman na ako yun. Eh halos nakatakip ang mukha ko noon.
"pano mo nalaman na ako yun?" tanong ko sa kanya.
"nararamdaman ko po. Ang gaan po kasi ng loob ko sa inyo kahit sinasabi sa akin ni mama na wag akong pakikipag usap sa taong di ko kilala." kumalas siya sa akin at hinalikan niya ako sa labi. "kinikiss ko po si mama pag umiiyak siya kaya ikaw din po papa." pinahid niya yung luha ko na pisngi ko.
Di ko namalayang umiiyak na pala ako. Natutuwa lang kasi ako sa anak ko, kasi napalaki siya ng mabuti ni fate. At alam ko naman na kahit kailan di pinabayaan ni fate tong anak namin kasi ultimo galus sa paa at kamay ay wala. Di tulad ni karl na may mga peklat sa paa kasi yung ina wala namang paki alam sa anak niya.
Tumayo na ako at pumasok na kami ng bahay mas lalo siyang namangha ng nasa loob na kami.
"papa ang laki na po dito sa loob." masayamg sabi niya.
"anong ginagawa ng batang yan dito kiven!!? Wag mong sabihin na dito titira yan!!?!" napatingin ako kay carla na pababa ng hagdan.
Napaka epal talaga ng babaeng to. Kung di lang dahil kay mommy baka patay na to ngayon.
Di ko nalang pinansin si carla at tinuon nalang kay kia yung atensyon ko.
"baby, wag kang mahiya dito dahil bahay mona din ito." sabi ko sa kanya.
"pero papa, natatakot po ako sa kanya niya." turo niya kay carla.
"dapat lang na matakot ka sa akin dahil ang ina mo ang dahilan kung bakit nasira yung pagsasama namin ng ama mo!!" singit naman ni carla sa usapan namin ni kia.
"tayo na baby, puntahan na tin yung magiging kwarto mo." wala akong gana na makipag bakbakan ng bunganga sa babaeng to. Nilagpasan lang namin siya ni kia.
"o my god anak, siya ba yung anak mo?" tanong ni mommy nakakalabas lang ng kwarto niya.
"yes mom, her name is kienna." masayamg pakilala ko kay mommy.
Lumapit si mommy kay kia at umupo sa harapan niya.
"hi po magandang araw po." bati ni kia kay mommy. Napatingin naman si mommy sa akin. Pero saglit lang kasi tinoon niya agad ang tingin niya kay kia ulit.
"hi." maikling bati ni mommy.
"ako po si kia." tumingin si kia sa akin. "papa, mommy mo siya so ano pong itawag ko sa kanya? Mommy din?" ginulo ko yung buhok niya.