Part8

190 4 0
                                    

Fate

Hindi ko alam kung ano nabang nangyari sa akin sa tuwing kasama ko si kiven. Yung puso ko yung ngiti ko at yung saya na nararamdaman ko ngayon habang nakayakap si kiven sa likod ko.

Naka upo kami sa kumot niyang dala habang naka yakap siya sa likod ko. Di ko na mabilang kung ilang araw na kaming nag kikita dito sa gubat.

Tulad ng sinabi niya ay tinuruan niya pa ako ng mga iba't-ibang salita, minsan meron akong salita talaga na di ko makuha kasi napaka hirap intindihin. Nakaka sakit sa ulo.

"kiven, maganda ba ang maynila?" tanong ko sa kanya.

Nakwento kasi niya sa akin na sa maynila siya nakatira, di ko naman alam kung anong lugar yun, kung anong meron doon.

"yes, maganda marami kang mapupuntahan na magagandang lugar sa maynila."

"pano ba maka punta doon kiven? Kailangan ba ng pera?" tanong ko.

Eh, kasi nasabi sa akin ni kiven na lahat daw ng bagay sa mundong ito ay gawa sa pera, nong una di ko alam kung ano ang pera kasi di naman naturo ni lola sa akin yung bagay na yun.

Yun pala ang ginagamit ng mga tao para maka bili ng mga gamit at iba pa nilang pangangailangan. Marami siyang sinabi sa akin kung ano pa ang mga kagamitan ng pera.

"Oo kailangan. Bakit gusto mo bang pumunta sa maynila?" ang bango ng hinga ni kiven nakaka adik.

"pero diba sabi mo malaki ang maynila. Natatakot ako baka maligaw ako." kahit nga dito sa gubat minsan naliligaw pa ako sa maynila pa kaya.

"pano ka naman maliligaw kung ako ang kasama. Diba sabi ko sayo na sasamahan kita kahit saan mo gusto." humarap ako sa kanya.

"pero wala naman akong pera." lungkot na sabi.

Hinawakan niya yung magkabilang pisngi ko at saka nilapit sa kanya, nagkadikit na yung noo namin ngayon.

"akong bahala sayo, akong bahala sa lahat. Isa lang naman ang gusto kong makita sayo..... Your smile."

Smile? Ngiti ang ibig sabihin noon ah. Naturo din kasi niya sa akin yun.

"talaga? Ngiti ko lang? Pero saan ka kukuha ng pera?" nakangiti siyang nilayo ang mukha namin sa isat isa.

"sa bangko." kunot noo naman ako sa sagot niya. "tsk!! Bangko, parang bahay din siya pero ang nakatira doon ay mga pera, doon nilalagay ng mga tao ang pera nila para mag double ang rami." ewan di ko maintindihan basta 'ah' lang ako ng 'ah'..

"pero pano tayo makakapunta doon?" tanong ko, ayaw ko namang lumabas sa gubat na to at baka makita ako ng mga tao na palaboy laboy sa pag aari nila baka mapatay pa nila ako o baka masaktan nila ako.

"basta." hinalikan niya ako pero mabilis lang. Smack ata tawag ng ganong halik.

"kapag ba pupunta tayo ng maynila kiven mag aaral na ako doon?" nakita ko yung mukha niya na parang nabigla.

"gusto mo sa maynila mag aral?" napanguso ako dahil sa tanong niya.

"Oo sana kasi diba sabi mo ang paaral ang importante, at sabi mo kaya sa akin na kaya nagkaroon ng trabaho ang mga tao dahil sa nakapag aral sila." paliwanag ko sa kanya.

Oo gustong-gusto kung maranasan kung ano ang pag aaral. Kasi sa kwento niya sa akin ay parang masaya talaga ang pag aaral lalo na nong sinabi niyang marami siyang kaibigan.

Gusto ko din kasing magkaroon ng maraming kaibigan, tapos makipag laro sa kanila. Ang saya siguro non.

"gusto mo ba talagang mag aral?" tanong niya ulit sa akin. Nakatingin na kami sa mata ngayon.

The Innocent Mind [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon