Part2

321 6 0
                                    

Warning:R-18


Kiven

naka upo lang ako sa upuan na gawa sa kahoy habang pinapanood yung mga taga isla na sumasayaw.

"iho, masasanay kana din pagtagal kasi gabi-gabi kaming nagsasaya dito."

"gabi-gabi po loli?" takang tanong ko.

Pano yun? Always silang puyat. Pero ok na din mas maganda nga yun para di ako ma boring dito.

"Oo, nakasanayan na kasi namin na sabay-sabay na kumain sa gabi. Lahat ng taga dito sa baryo ay dito kumain pag gabi." paliwanag niya.

"ganon po ba, kaya pala kahit maliit lang yung baryo niyo ay di ko kayo nakikitaan ng lungkot sa mukha." yun talaga kasi yung unang napansin ko pag-apak ko sa isla na ito. Yung mga ngiti nila na sumalubong sa akin. Kita ko din sa mga mata nila yung saya lalo na sa mga bata. Ibang-iba sa maynila ang mga bata kasi dito di sila lumaking tutok sa gadget.

Meron din naman mga babae dito magaganda din sila, pero di kasi sila yung mga tipo kung babae.. Siguro kung yung apo ni loli ay pwede na sa akin..

"ay, nga pala iho. Yun pala yung apo ko, siya yung pinapunta ko sa kubo mo, nakilala mona ba siya?" tanong ni loli.

"di po, mahiyain ata yung apo mo loli." saad ko, habang naka tingin sa apo niya na naka upo sa gilid habang kinakausap yung mga babae din sa isla.

"pagpasensiyahan mona yan iho pero mabait yan. Carla ang pangalan niya." pakilala sa akin ni loli, nakatingin parin ako kay carla daw.

"pero loli saan po yung magulang ni apo niyo?" tanong ko.

"hay nako. Namatay na matagal na din. Sampung taon palang si carla nong pumanaw yung tatay niya tapos yung nanay niya ay namatay sa panganganak sa kanya." malungkot na saad ni loli sa akin.

"pasesiya napo loli kung natanong ko." hinging pa umanhin ko.

"ok lang naman iho."

Pagkatapos nong kasiyahan ay pinahatid ako ni loli kay carla, subrang mahiyain nga niya kasi kanina pa siya di nag sasalita habang binabaybay namin yung daan papuntang kubo ko.

"dito mo nalang ako ihatid. Umuwi kana para di na masyodong malayo yung lalakarin mo." basag ko sa katahimikan namin.

"di pwede, kasi magagalit si loli sa akin." carla.

"hindi ok lang. Sige na umalis kana, ako nalang ang magpapaliwanag kay loli bukas." tumango nalang siya sa akin bago tumakbo.

Natawa naman ako dahil sa babaeng yun. Napaka mahiyain niya talaga. Naglakad nalang ako hanggang sa kubo ko. Papasok na sana ako ng may mapansin akong parang tumitingin sa akin.

Napatingin ako sa likod ng kubo ko pero wala naman, baka pagod lang ako sa araw na ito. Bahala na nga..

.....

Kinaumagahan ay maaga akong nagising maganda naman yung tulog ko, masarap ang hangin pag gabi dito di mona kailangan pang mag air-con kasi subrang lamig na tapos ang fresh pa.

Naglakad-lakad na muna ako dito sa mga tanim nila na mga gulay kasi ang gandang tignan. Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad kasi gusto kung makita ang kabuuan nito isla. Siguro naman di ako maliligaw nito. Sana!!

"ano ba naman to. Bakit naman ang hirap mong abutin." napahinto ako sa paglalakad dahil sa narinig kong boses. Ang ganda ng boses na yun, parang isang boses ng anghel na bumaba sa lupa para akitin ako. Sinundan ko yung boses kung saan nanggagaling yun. Wala na akong paki alam kung malayo na ako sa isla. "abutin mo pa fate." nirinig ko ulit.

The Innocent Mind [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon