Part11

191 3 0
                                    

(After 6 years)

Kiven.

"daddy!!" masayang tawag sa akin ng anak ko.

Umupo ako sa harapan niya para bigyan siya ng mahigpit na yakap.

"kumusta ang big boy ko?" tanong ko sa kanya.

"ok lang po daddy, pumunta po kami ni mommy sa isla para bumisita doon." masaya niya kwento.

Napangiti nalang ako ng mapait.

"teka saan ang mommy mo?" tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sa paligid kaya napatingin na din ako. Bwisit talaga na babaeng yun saan na naman yun nagpupunta.

"sorry im late. Naiihi kasi ako." gustohin ko man siyang ngitian pero di ko kaya kasi kahit matagal na yung pangyayaring yun ay galit pa din ako sa kanya.

Siya ang dahilan kung bakit nasira lahat ng plano ko. Kung di niya lang ako sinundan dito sa manila ay baka siya sana ang kasama ko ngayon at hindi itong babaeng to.

"anong klaseng ina ka at iniwan mo tong anak mo." kalmado kung tanong sa kanya. Di ako pwede mag taas ng boses dito sa airport kasi ayaw ko ng gulo. At ayaw ko din na malagay ang mukha ko sa tv.

"sorry na iihi talaga kasi ako." di ko nalang siya pinansin at kinarga na yung anak ko.

"daddy, maganda parin ba ang US?" tanong ng anak ko.

"yes, baby." yun nalang yung nasagot ko sa kanya. Pagod kasi ako at biglang nawala yung gana ko dahil sa babaeng nakasunod sa amin ngayon.

Ng makasakay kami sa sasakyan ay umidlip na muna ako dahil sa pagod sa byahe.

Nagising nalang ako na nasa bahay na kami, pag bukas ko palang gate ay sinalubong agad ako ni mommy ng mahigpit na yakap.

"baby, kumusta ang shooting mo?" tanong niya.

"mom, im tired. Magpapahinga na muna ako." di naman ng react di mommy kaya dumiretso na ako sa taas kung saan ang kwarto ko.

Nimiss ko tong kwarto ko. Napahiga ako sa kama habang nakatingin sa taas.

Anim na taon na ang nakaplipas pero ni isang balita ko sa kanya ay wala akong nasaganap, nag hired na ako ng mga tao para lang mahanap siya sa boung baryo pero wala daw. Pati kubo niya ay wala na doon ang sabi ng isang tao ko ay may nakita daw sila doon na bahay na sunog. Ayaw kung maniwala na sunog yung bahay niya kasi alam kung buhay pa siya. Oo di ko alam kung nasama ba siya sa sunog na yun pero wala namang nakitang katawan.

Kinuha ko yung phone ko at tiningnan yung mukha niya na ginawa kung wallpaper.

"fate, saan kana ba?" tanong sa picture niya. Natutulog siya dito habang ninakawan ko siya ng litrato.

Nong umalis ako sa baryo na yun. Ay wala akong ibang iniisip kundi si fate kasi siya nalang ang mag isa. Gabi-gabi akong umiiyak at gusto kung bumalik sa baryo na yun pero di pwede kasi naaksedente si mommy nong gabing umuwi ako dito.

Almost 2yrs siyang comatose, halos pasan ko na ang mundo nong mga panahong yun si ate din ay nabuntis ng gago yulo na yun.

Siguro ito na yung tinatawag nilang karma sa akin, sa lahat ba naman ng babaeng sinaktan at ginamit ko.

"siya parin?" napa upo ko ng marinig ko yung boses ng babaeng kinainisan ko.

Isa pa tong dumagdag sa sakit ng ulo ko. Isa siya sa dahilan kung bakit nawala si fate kung bakit di kona nabalikan si fate.

"wala kang paki!!" sigaw ko sa kanya.

"may paki ako kiven dahil asawa mo ako!" sigaw niya din sa akin.

The Innocent Mind [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon