Chapter 32

437 39 9
                                    

"Ha?" gulantang na tanong ko. Parang tumigil ang puso ko sa pagtibok. Di ko alam kung ano ba dapat ang sabihin o ano ang dapat i-react.

He looked at me at saka pinitik ang noo ko.

"Sabi ko na crush mo ako." he said at saka humalakhak.

"Napaka-assuming mo." dagdag niya at saka muling tumawa.

"Mahal kita Nat. Sobra." he added and smiled genuinely before looking up in the sky.

I did the same.

Silence covered the place. As I said, dulo ang bahay namin kaya walang masyadong dumadan kaya kapag ganitong oras, sobrang tahimik na talaga.

"Noong una kitang makita, alam ko na agad. Gusto kong mapalapit sa'yo. Ikaw kasi yung mayaman na walang arte sa katawan. Hanggang sa gumawa ang panahon ng paraan para magkasama tayo. I saw your smiles, I saw your laughs, I saw how true you are. Inaamin ko, naging crush kita agad sa loob lang ng ilang araw. Sounds teenager pero 'yun ang totoo." mahabang litanya niya. I am still looking up in the sky while he is busy talking.

"Sobrang komportable ko sa'yo. Hindi ko alam kung bakit pero sobrang gaan kapag ikaw ang kasama." I felt his stare kaya agad akong lumingon sa kanya and I was right because he's intently looking at me.

"Mahal kita bilang kaibigan. Mahal kita bilang kapatid." sambit niya kaya nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko alam kung anong irereact ko kung sakaling sabihin niya na mahal niya ako bilang babae.

"Kaso assuming ka. Akala mo siguro ibang mahal ang tinutukoy ko." he said and laughed heartily kaya napatawa na din ako.

"Ikaw kasi hindi mo pa dineretso." sambit ko at saka siya sinuntok sa tiyan pero parang ako pa ang nasaktan.

"Chansing ka!" pang-aasar niya at saka ngumiti ng malapad. Agad akong umirap at saka muling tumingin sa langit. Unti-unting nawala ang mga bituin, mukhang uulan pa.

"Alam mo Josh, I feel the same. Sobrang komportable ko sa'yo as in. Hindi ko rin alam kung bakit. Pero whatever it is, I'm more than happy being with you."

"Edi pwede mo na akong tawagin na Kuya?" he said and smiled.

"Ayoko nga!"

"Bakit? Alam mo ba na mas matanda ako kay Sejun at Stell tapos sila tinatawag mong Kuya tapos ako hindi?"

"Mas gusto kong Josh eh, bakit ba. Ganda-ganda ng pangalan mo tapos gusto mo lang palitan ng Kuya?" natatawang sagot ko.

"Ah ganon?" he said and started tickling me. I laughed non-stop.

"Hey, stop!" I said in between my laughs.

"Tawagin mo muna akong kuya."

"Okay fine." I answered so he let go of me.

"I'll call you Lolo rather." I said and laugh loudly.

"Ewan ko sayo, wala kang galang sa nakatatanda sa'yo." sambit niya at saka umaktong nasasaktan.

"Napakaarte nito." I said and rolled my eyes. Natahimik kaming pareho then the rain started to fall.

Inalalayan akong tumayo ni Josh at saka dinala sa loob ng bahay. Naupo kami sa sala.

"Lakas ng ulan." he said while looking outside and he was right.

"Hintayin mo na muna huminto. I can lend you an umbrella or pwede kita ipahatid kay Kuya but medyo delikado lalo't ganyan kalakas. Kapag humina, ipahahatid na lang kita." I said and went to the kitchen.

It's already 11 pm and our maids are already asleep. Maybe nasa kwarto na sila. Same with my Mom but as for my Dad, I guess he is on his office doing his work.

May mga clients na international so syempre magkaiba ang timezones and since they are the client, kami dapat ang mag-adjust.

Dahan-dahan akong tumayo.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Kitchen." maiksing sagot ko so he stand up too at saka ako inalalayan papunta sa kusina.

"Napakalaki ng bahay niyo." he commented and assess the whole area.

Two story lang ang bahay namin dito but of course, kailan malawak because sometimes dito na rin gumagawa ng events, and kapag may events, may mga guests na hindi na nakakauwi kaya naman sa guestroom sila natutulog that's why we have a lot of guestroom here.

"Anong gusto mong kainin?" tanong ko sa kanya habang tinitingnan ang laman ng refrigerator. We have a lot of food pero hindi ko alam kung anong gusto niya.

"Kumain ka na ba ng hapunan?" I asked and looked at him.

"Hindi pa." he answered and laughed. May mga leftover pa. Ngayon ko lang naalala na hindi pa rin ako kumakain.
Hindi naman siya maarte sa pagkain so I guess everything will do.

Kinuha ko ang adobo, bicol express at sinigang bago inilagay sa microwave para painitin.

He's sitting on the bar while watching me.

While waiting for 15 minutes, kumuha ako ng isang fresh orange at ini-extract to made a juice for him. Nagpainit na rin ako ng gatas for me.

I am preparing the foods and plates when Daddy came still wearing his reading glasses.

"Hi Dad!" bati ko sa kanya.

"Sino 'to?" he asked pertaining to Josh.

"Magandang gabi po Sir. Kaibigan po ako ng anak niyo, pasensya na po kung pumasok ako ng bahay niyo. Malakas lang po kasi ang ulan-"

"Walang nagtatanong ng sagot mo." seryosong sambit ni Daddy. Natawa na lang ako sa utak ko.


"Tara kain!" aya ko at saka hinila siya paupo.


"Be careful." paalala niya nang muntik na naman akong matumba. Good thing, Josh catch me. Inalalayan niya akong umupo bago naupo sa tabi ko.

We are sitting on a high chair and eating on the kitchen counter dahil tatlo lang naman kami.

"After this, go to sleep. You have classes tommorrow. Ikaw umuwi ka na." he said and looked at Josh.

Napatawa ako nang tahimik na tumango si Josh at uminom ng tubig.



Dad started to laugh too. He also removed his glasses.



Si Daddy, mabait na tao yan. Pero malakas mang-trip.



"Napapanood kita diyan sa TV ng anak ko. Madalas ko marinig ang kanta niyo sa playlist ng kotse niya kaya I wan't to thank you and your whole group. You inspired my daughter. Keep inspiring others hijo."

---

Being His FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon