Chapter 38

450 42 9
                                    

"Tinanong ka ba nung lalaki ng username o phone number?" tanong ni Felip nang makababa kami sa kanto papunta sa village namin.

"Bakit, selos ka?" tanong ko at saka tumawa ng malakas kahit nasa gitna kami ng daan.

"Kung sabihin kong oo?" sambit niya ay saka tumingin sa akin. Nakikita ko lang ang reaksyon niya dahil sa street lights. Tahimik lang kaming naglakad na dalawa. Hindi na rin naman kami hinarang ng guard dahil kilala na rin nila si Felip.

"Sige na uwi ka na. Okay na ako dito!" sambit ko nang makarating kami sa gate ng village pero hindi siya paawat dahil dire-diretso lang siyang naglakad. Agad naman akong sumunod sa kanya.

"Felip!" tawag ko but hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Bumilis ang lakad niya kaya patakbo akong sumunod sa likuran niya kaya nabunggo ako nang bigla siyang huminto.

"Ano ba, bakit naman kasi biglang humihinto. Kita mo-"

"Hi Tito." bati ni Felip. Sumilip ako sa harapan only to see my Dad on the gate, crossed arms looking at me.

Wait what? Did I heard that right? He called my Dad Tito?

They are intently looking at each other as if they are talking about something when Dad decided to look at me.

Agad nangunot ang noo niya nang makita ang hitsura ko.

Malayo pa naman ako sa kanya pero syempre dahil siya ang Daddy ko, he knows me too well.

"Pasok muna kayo sa loob, mukhang uulan." kalmadong sambit niya kaya agad kaming sumunod.

Nagtataka man ako, pinilit ko na lang na manahimik.

"Anong nangyari diyan?" Dad asked when we reached the living room. Prente siyang nakaupo at nakatingin sa akin.

"Kasalanan ko po Tito." singit ni Felip kaya inilipat ni Daddy sa kanya ang atensyon niya.

"Sinasaktan mo ang anak ko? Hijo, pumapayag ako sa inyong dalawa-"

"Anong pumapayag Dad?" nagtatakang tanong ko pero hindi niya ako pinansin. Sa halip ay galit siyang tumingin kay Felip.

"Kahit padapuan ng lamok hindi ko magawa diyan sa prinsesa ko tapos-"

"Dad, first of all hindi siya ang may gawa nito. And can you please explain me what's just happening?" naiinis na tanong ko. Shit, parang wala akong alam sa nangyayari. I'm totally clueless. Pumapayag, sa amin?

Am I dreaming?

Natahimik kaming tatlo.

"Ken, sa garden." kalmadong utos ng Daddy ko at saka tumalikod. Kaagad namang sumunod si Felip sa kanya.

Umakyat naman ako agad sa kwarto para maligo dahil feeling ko sobrang dumi ko na. Ikaw ba naman ang gamiting basahan sa pave.

Tiniis ko ang hapdi ng sugat ko kahit masakit talaga kapag nababasa ng tubig.

After taking a bath, bumaba ako for dinner. Inabutan ko sina Mommy, Daddy at Felip na nag-uusap usap.

"Gosh, what happened to your face?!" Nasabi ko na dati na ayaw na ayaw ni Mommy na nakikitang may sugat o kahit gasgas ang balat ko kaya ganito siya mag-react.

"Mom, this is nothing." bored kong sagot at saka siya hinalikan bago umupo sa tabi ni Felip.

"Sabi ko naman sa'yo Kenji alagaan mo ang anak ko, tingnan mo ang hitsura niyan!" pagmamaktol ni Mommy. Kunot-noo ko siyang tiningnan. Nagkibit-balikat lang siya at saka kumuha ng pagkain.

Buong dinner walang tigil si Mommy sa pagmamaktol at pagsasabi na kailangan kong bumisita sa derma bukas tapos si Dad naman gusto niyang kasuhan si Steffi ng assault but  I really don't want to make this big.

"Baha na sa daan Ken, dito ka na lang muna matulog." Mom offered and smiled. Are they this close?

Since when?

Why?

How?

I mean yes, Felip is a nice guy but knowing our past, it was unexpected to turn out like this.

Iniwan ko silang tatlo sa kusina because I have to do my skin care routine.

Nakatayo akong nakaharap sa veranda nang may yumakap sa akin mula sa likuran.

It was Felip.

He rested his chin on my shoulder before asking. "Are you upset?"

There's no reason to be upset.

It's as if they did a crime behind my back. Hindi ako sumagot.

"Close ka sa parents ko?" I asked and looked at him on my side. He nodded his head.

"Months already?" he commented. That explains why there's no one in the house told my Dad about Felip whenever he's coming over.

"I know your Mom because she's a well known personality and of course she is your mother. Guest siya sa isang show na pinuntahan namin. Nagulat ako nang bigla niya akong in-approach, gusto niya daw akong makausap, with your Dad." he explains.

"That was the time na sunod-sunod ang pagkikita natin. I asked them kung para saan pa ang pag-uusapan kung matagal na tayong tapos." dagdag niya. I averted my gaze and look to the city lights in front of me. Mataas na part kasi ang pwesto ng village namin.

"They clean your name. Sinabi nila ang totoong dahilan why you left me years ago." agad akong napalingon sa kanya dahil doon. Why? I saved them, why they have to save me.



"Don't worry hindi ako magagalit sa Daddy mo. Naiintindihan ko siya, kagaya ko mahal na mahal ka niya kaya gusto ka niyang protektahan. You are too young during that time, at your age you shouldn't experiencing heartache. Naiintindihan ko na iniisip lang ng Daddy mo ang kapakanan mo. If ever that happens to our future daughter, I will do the same." I looked at him.



Shit, he's planning his future,


with me?







"I am sorry Willow. I know I am coward for letting you go. Akala ko kasi ayaw mo na. Akala ko hindi ako enough, akala ko wala akong kwenta kumpara sa'yo."


I felt a stab on my chest. Ganu'n na ba ako kasama?



"Can you give me another shot?" napalingon ako sa kanya.



He's asking for another chance for the both of us.



"Felip, iba na ngayon. I have a career to take care of. Ikaw, may grupo ka, may A'TIN ka. Makakaya mo bang iwanan sila?"



Natahimik siya. I know this is his passion. Alam kong masaya siya sa kung anong meron siya ngayon.



"I can give up everything for you."
---

Keep safe lalo na sa mga apektado ng bagyong Quinta. If ever di ako makapag-update bukas malamang wala pa ring kuryente dito hahaha. Ingat palagi kaps💙 Happy 2nd to our SB19!

Being His FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon