7 am na at heto ako kakaligo pa lang, nakakainis talaga nagpa alarm naman ako sa phone ko pero yung kapatid ko kinuha ang cellphone sa may unan ko dahil may tinawagan pa raw sya kanina. Ang lakas mag jowa jowa wala namang pang load kahit pa sinasabi nya di nya jowa yung tinawagan nya. Kabadtrip akala nya yata di ko alam mga kalokohan nya. 7:30 ang klase ko kaya hindi nanaman ako kakain ngayon.
7:15 na. I glared at my brother na kumakain ng pandesal
"Oh! Galit na galit?" pang aasar ng bwesit kong kapatid
"ma oh! Kasalanan nya bakit ma li-late ako ngayon." Sumbong ko kay mama na nagsisimula nang maglinis ng bahay
"ma sinungaling si ate di ko alam pinagsasabi nyan" turo nya pa saakin
Abat ang kapal ng mukha! Sa inis ko sinabihan ko sya nang "Yawa ka" sabay takbo palabas dahil susunod na boses ni mama nyan.
"ANG AGA AGA YAN NA AGAD LUMALABAS SA BIBIG NYO! KAYA TAYO NILALAYUAN NG GRASYA EH!"
Oh diba? Ang galing lang. Kapag ganitong oras punuan pa naman ang mga jeep kasi maraming estudyante sa elementarya at highschool ang nagsisiksikan. Kung hindi lang sana kinuha nung magaling kong kapatid ang cellphone ko edi sana ang sarap sarap ng byahe ko papuntang school.
Pumara na ako ng jeep at punuan nga may nakakabit pa. saan ako uupo nito? Bulag ba si manong?
"wala na yata manong" nagbabayad kaya ako ng sakto so dapat talaga makaupo ako ng maayos
"meron pa yan inday, oh isog isogi lang yung mga bata na hindi nagbabayad tumayo kayo" sabi nya
Napatingin ako sa relo ko at nga naman 7:25 na! kaya kahit isang pwet ko lang ang nakaupo go parin dahil late na nga ako. Strikto pa naman professor ko sa subject na ito. Pagdating sa Tambo nakaupo rin ako ng maayos sa wakas dahil dito bumababa ang mga elementary student. Nang huminto ang jeep malapit sa University, bumaba na ako agad dahil feeling ko mas mabilis pa takbo ko kesa sa jeep. Feeling ko lang naman. Pagdating ko sa may entrance hinihingal pa ako.
"bag miss" sabi ni ateng gwardya at saka hinanap rin ang I.D ko
Pagkatapos ng inspection tumakbo agad ako papuntang CASS (College of Arts and Social Sciences) building. Grabe ha kapagod sis. Maghahagdan pa ako nito, ang galing ng exercise ko. Sa kaligitnaan ng pag akyat ko sa hagdan may kumalabit saakin. Si Ellyed pala kabarkada ko.
"Yed, di mo kasama girlfriend mo?" kumunot noo nya
"okay ka lang? malamang hindi biology yun dai"
Oo nga pala bobo ka ghorl? Sakto naman nasa floor na ako ng classroom ko
"sege kitakits later"
"sege"
Ayun takbo nanaman ako at buti nalang salamat Lord wala pa prof namin.
Umupo agad ako dahil isa lang naman kakilala ko dito at hindi pa dumarating, hindi naman ako ganun ka pala kaibigan. Sa katunayan 4 lang ang masasabi kong kaibigan ko talaga.
Una si Ellyed Monticillo yung kausap ko kanina, sya yung pambato namin sa katalinuhan debater yun journalist pa. Gusto non mag abogado sa katunayan naka pasa yun sa UP ngunit hindi tumuloy, iwan ko kung bakit. Pangalawa si Chrnzel Agustin sya yung makapal ang face sa grupo kahit saan sya ilagay makakahanap talaga sya nang kaibigan at sya rin yung madali masangkot sa mga kagaguhan. Pangatlo si Zendy Ilaya ang yayamin sa grupo at sobrang bait at syempre maganda. Marunong rin sumayaw si Zendy sa katunayan andami na nyan nasalihan na dance contest kasali rin sya sa IPAG. Pang apat si Treb Almarez ang photographer nang grupo kaya kahit hindi pa kami nakaka graduate may career na sya sis, sumasahod na.
Natapos nalang klase hindi pumasok yung amaw na kaclose kong kaklase. Paglabas ko nang classroom diritso na ako sa Frapella dun kami tumatambay kapag ganitong vacant ang halos saamin. Pagdating ko naroon na si Zendy.
"wala pa sila?" tanong ko kaagad
"wala pa, order ka libri ko"
"hooyy sure? Di ako tatanggi"
"oo nga" natatawa nyang sabi
"kahiya naman" sabi ko habang tumatayo para mag order
"wow ha" tumawa sya sabay abot ng 500
Paampon nalang kaya ako sa kanila? Nag order ako ng double monster frappe oh ha! Dapat kung libre sagarin mo na pumili ka talaga nong mahal at nakakabusog. Pagkakuha ko sa sukli may biglang pumisil sa bewang ko
"Chrnzel!"
"Akin na sukli dai libri raw ni Zendy diba?" nakangisi nyang ani
"Ambilis ng radar mo"
"Anong order mo? Ganon na rin akin"
"Ayyy gaya gaya" sabi ko
"Buang ka" tumawa sya bago nagsalita muli "500 lang ba binigay? Gastusin na natin to wag natin bibigyan sina Ellyed"
Napailing nalang ako sabay kuha sa order ko. Magbabangayan na naman sila nito, si Ellyed at Chrnzel yung tipo ng magkaibigan na away ng away. Pabalik na ako sa upuan namin dala dala ang frappe ko nakasalubong ko pa sina Ellyed at Treb papuntang counter. Winawagayway pa nila yung 1000 na hawak nila, may mga sayad talaga to.
Paglapag ko palang nung frappe ko nagsalita agad si Zendy
"Baka hindi ko kayo makakasama sa birthday ko, pupunta kasi kami ng Cagayan or Davao doon yata kami mag ce-celebrate kasama mga pinsan ko"
"Ayy sayang. Mamimis ka namin, salamat pala rito" nakangiti kong sabi sabay sipsip sa frappe
"Your welcome, pero malayo pa naman yun baka magbago pa isip nina Mama"
Isa isa naman naglapagan ng mga frappe ang mga kaibigan ko may carbonara pa silang inorder.
"This bitch! Stole my frappe!" turo ni Chrn kay Yed may accent pa syang nag salita
"Talk to my ass" Yed
"Yes your face is an ass"
Ayan nanaman sila
"And because he stole my frappe I brought another one with my own money, he don't even wanna share the 1000 you gave" sumbong nya kay zendy
"Shut up chrn you're so noisy" treb
"You shut up, you're his apprentice" she accused
Kaya tumawa kaming lahat maliban kay Chrn na mukha talagang timang. Akala mo naman hindi rin mayaman. Afford na afford nya naman ang frappe.
"May field trip ba sa department nyo? Balita ko may field trip ang history ah" pag iiba ng usapan ni Yed hindi pinapakinggan ang rants ni Chrn
"Talaga? Bat saamin walaaa" ani ni zendy pareho sila ni Chrn ng course na kinuha psychology.
"Wala rin saamin eh sana ol treb at Kassyn" Yed
"Batch 2 pa ako eh, ikaw Syn?" tanong ni treb since pareho rin kami ng course
"Batch 1 nga ako. Ngayong Saturday na alis namin, 3 days pa naman kami sa manila"
"Hooyy manila? Ang gandaaaa"chrn
"Mausok ron. Masyadong polluted, wag mo nang pangarapin na pumunta ron" pambabasag ni Yed, nakapunta na rin kasi sya don nung umalis sya papuntang Malaysia para sa research congress nung highschool.
Maganda naman talaga ang fieldtrip dahil hindi lang naman yun puros gala may natututunan ka rin naman dahil mga historical places naman pupuntahan namin. Kaya lang nag aalala ako kung makakasali ba ako dahil kailangan rin may malaking pera na dala. 3 days rin yun Malaki ang gagastusin. I sigh. Sana nga makapunta ako.
YOU ARE READING
With You (Iligan Series 1)
RomanceKassyn Thia Abarca is a girl from the City of Iligan and she is studying at Mindanao State University - Iligan Institute of Technology . During her field trip in Manila she met someone not once but thrice, who is a snobbish guy from Ateneo. Can love...