"Indigenous people have always been the victim of marginalization and discriminatory regarding the policies. Despite of having the constitution that protected and given them rights they still had a hard time being recognized"
I saw one of my students yawn at sisitahin ko na sana sya kaya lang biglang tumunog ang bell hudyat na tapos na ang klase
"Naintindihan nyo ba ako?" tanong ko sa kanila
"Yes, Maam" sagot naman nila, nakiki yes maam pa ang iba kahit kita naman sa mukha na wala silang naintindihan ang sarap kutusan ng mga batang to
"Sege, you can go now"
"Bye, Prof!" ani ng iba. Ngumiti ako bilang tugon at ang iba naman dumiritso na palabas
Niligpit ko ang mga gamit ko dahil gutom na rin ako. Naiintindihan ko rin naman ang mga batang yun dahil I've been there sitting one of the chair in this classroom. I was once a student at boring naman talaga ang history lalo na kapag hindi mo mahal ang subject na ito. Ngunit hindi pwedeng wala kang alam sa nakaraan dahil marami itong mga aral na ibinigay at lalo na't ang mga kultura noon ay buhay pa hanggang ngayon.
Dumiritso na ako sa faculty room, nadatnan ko nalang ang mga prof na busy sa isang bagay.
"Anong meron?" tanong ko kay Nicko isang baklang professor sa sociology
"May bisita ang nursing department eh naka leave si Maam Tess kaya ako muna kinuhang M.C"
Tumawa naman si Arlyn na nakatingin kay nicko
"Ang layo ng nilakbay ni sociology ah! Napadpad sa nursing"
"Tumahimik ka nga kinuha ko lang ito dahil gwapo ang main speaker galing maynila" tumawa naman sya "joke baka sabihin pa hindi professional" bawi nya agad
Napailing naman ako at umupo sa desk ko. Sila lang naman busy wala naman kasing ganap sa department namin.
"May klase ka ba mamaya? 1 to 3 pm?" tanong ni nicko
"Wala. 4:30 to 6:00 pa next class ko. Bakit?"
"Tamang tama samahan mo kooo, libri kita foods pagkatapos"
At dahil gustong gusto ko ang libre umo-oo na ako kaagad. Nakooo mas masarap pa naman talaga ang libre
"sabay tayo kumain mga sis, jollibee tayo miss ko na mag jabee" aya ni arlyn
Um-okay agad ako miss ko naman talaga mag Jollibee last pasok ko don last year pa yata. Busy naman kasi ako dahil marami akong mga seminar na ina attend okay lang sana kung dito lang sa lugar namin ang seminar eh halos cebu at manila kaya hindi na talaga ako nakakain ng Jollibee.
Nakaupo na kami sa loob ng Jollibee at as usual ang daming estudyante dahil ito ang pinaka malapit sa university. Ang iba pa nga iniiwasan ang table namin dahil naiintimidate siguro na mga prof ang nakaupo bihira lang mangyari itong ganito since sa loob naman talaga ng campus kumakain ang mga professor.
"Ito na mga order nyo madam" si Nicko ang nag order ng mga gusto naming kainin
"Aba bat ambilis mo?" tanong ni Arlyn
"Ang babait ng mga tatak iit pinauna ako sis"
"Sus ang sabihin mo nahihiya sila na nkapila ka sa likod nila"
Tumawa kami ni nicko "yun nga, nasa likod lang dapat ako pero ang mga bata na nasa harap ko palagi akong pinapauna kaya nagulat nalang ako nasa harap na ako ni ateng cashier" kaya mas lalo akong natawa
"Maiba tayo gwapo ba talaga ang bisita? Nicko wag mong kalimutan na single ako, single rin si Kassyn irito mo kami!"
"Nakakalimutan mo bang single rin ako?" naka taas pang kilay ni Nicko nyan
"Okay na ako no di naman ako nagmamadali kaya sainyu nalang yun"
"Wow makasainyu akala mo naman sya talaga pipiliin" nicko laugh
"Ano ba pangalan nicks?"
"Dr. Franz lang yun nabasa ko pero oh diba! Pangalan pa lang ulam na"
Franz. Napangiti ako ng mapait. Kamusta na kaya yun segurado naman akong doctor na rin yun dahil ang sipag nun mag aral.
"Sayang may klase ako hindi pwede pabayaan ang mga bata lalo't may debate kami ngayon"
"Iba talaga pag polscie" pang aasar ko
"May the best debator wins uno char" Segundo ni nicko
"Chee, tapusin na nga natin tong pagkain"
Simula nang naging professor ako napagtanto ko na isa lang rin naman pala hangad ng mga estudyante at guro iyon ay yung oras na walang klase. Nakakapag relax ako iwas sa sakit nang ulo kong mga estudyante na kahit college na hindi parin nag tatanda. Pumapasok para mag attendance pagkatapos lalabas agad kaya pag pumapasok ako sa klase ayun ang raming vacant. Kapag nabagsak naman ang daming rason.
"Tara na madam Kassyn susupurtahan mo pa ako sa pag e MC ko" sabay hila ni nicko sa akin para mapatayo ako galing sa pagkakaupo sa swivel chair
"Ikaw nalang"
Nakakatamad gumalaw lalo na at busog ako
"Hoy! Ang traydor nito walang ganyanan tutulungan mo pako bitbitin ang mga gamit ko papuntang gym"
"Kaya naman pala"
Nag peace sign lang sya. Pagpasok namin sa gym nandito na lahat ng estudyante sa CON
"Maam Kassyn, Sir Nicko" tawag ni Maam Venna prof sa nursing
"Nandyan na ba ang mga bisita?"
"Yes, tara ipapakilala ko kayo"
Kinurot ako ni nicko, ang landi naman talaga ng professor na ito. Habang papalapit kami nakikita ko ang mga bisita mga nasa anim yata sila, apat na lalaki tapos dalawang babae. Kahit nakatalikod sila makikita mo talaga ang aura na pagka professional.
"Excuse me," tawag ni maam Vena sa atensyon nila kaya napalingon sila saamin
Namukhaan ko kaagad ang isa sa kanila, nagulat ako ang laki ng pinagbago nya, He looks more mature, and of course handsome, also his built is more defined than the last time I saw him.
"Ladies and Gentlemen this is sir Nicko Labrida he teaches sociology and maam Kassyn Thia Abarca professor in history"
Isa isa naman nakipagkamay ang mga doctor at nagpakilala. Hindi ko na matandaan ang mga pangalan nila dahil yung tunog ng puso ko na puno ng kaba ang naririnig ko. Relax self, please relax. Lumapit na rin saakin ang taong nagpapakaba saakin at naglahad ng kamay kaya tinanggap ko.
"Dr. Franz Soniel Villacuerta, nice to meet you again Syn"
YOU ARE READING
With You (Iligan Series 1)
RomanceKassyn Thia Abarca is a girl from the City of Iligan and she is studying at Mindanao State University - Iligan Institute of Technology . During her field trip in Manila she met someone not once but thrice, who is a snobbish guy from Ateneo. Can love...