Pagkatapos namin sa Museum kahapon kumain pa kami sa isang buffet restaurant at pagkatapos umuwi agad sa hotel namin. Madali akong nakatulog dahil na rin sa pagod sa byahe from Iligan to Manila and then to the museum. Everything inside the museum is interesting and truly amazing. Day 2 na ngayon kakatapos lang namin bumisita sa UST upang makita ang mga napaka lumang aklat at iba pa.
Ngayon kasalukuyang nasa Ateneo kami. Currently they were explaining the history of this school and how it was all connected from what we have seen yesterday and awhile ago.
Bigla naman akong ginutom 12 quarter to 1 na kasi tapos hindi pa ako nakapag lunch
"kain tayo?" sabay kalabit kay Jovi
"saan? Ang mahal mahal ng mga pagkain dito"
"ewan ko, tara na maghanap na tayo baka himatayin pa ako sa gutom"
"bakit kasi hindi ka kumain kanina? Sabay naman dapat tayo kumain lahat ah"
"ewan ko hindi pa kasi ako ginuguton kanina"
Lakad lang kami ng lakad ni Jovi, nagpaalam na rin kami sa mga kasama namin na professor na kakain muna ako tapos magpapasama ako kay Jovi.
Hanggang sa nakahanap kami nung parang pang karenderya na mga pagkain pero hindi rin dahil ang sasarap tingnan yung feeling na dahil nasa ateneo yung ulam parang ang classy din tingnan.lol.
"dyan ka nalang kumain, uupo nalang ako sa isa sa mga table para may maupuan tayo. Okay? Dun na ako maghihintay sayo" sabay turo sa isang table
Napatingin ako sa mga pagkain
"magkano po ito?" turo ko sa lechon
"45" ngiti ni ate
"lechon po tapos isang rice at isang mineral water" sabay abot ko nang 100
Kinuha naman ni ate at kumuha yata nang panukli kaya hindi ko alam gagawin ko kung ako ba kukuha nung ulam o si ate yung magbibigay.
"just wait" napatingin ako bigla sa nagsalita
"dok!" bati ni ate sa kanya tapos kinuha na nya ang platito at sya na ang naglagay nung lechon tapos kanin.
Mabuti nalang hindi ko tinuloy ang paglagay ng sariling ulam. Napatingin ako ulit kay Dok nang magsalita sya ulit
"2 rice and liempo for me Manang" sabi nya kay ate na kumukuha pa nung mineral water ko
Teka parang familiar ang mukha nya, sinuri ko sya mula ulo hanggang paa.
Aha! Yung masungit na kapatid nung bata kahapon. Napagtanto ko na mayaman nga sila dahil dito sya nag aaral.
"ikaw yun diba?" tanong ko
Napatingin sya saakin na nakakunot ang noo.
"mineral water" ani ni ate sabay bigay saakin nung tubig at sukli
Hindi na sya nagsalita kaya umalis na ako. Ano pang itatanga ko dun eh masungit nga yun tapos gutom na talaga ako.
"kain tayo" imbita ko kay jovi na nakatingin sa counter
"gwapo ni kuya, mabango ba? Swerte mo!" sabay hampas sa balikat ko
"gagi bahala ka jan, doctor na yata yan tapos mayaman kaya wag mo nang pangarapin" sabay subo ng kanin at ulam
"hmp madami ngang gwapo rito, ang kikinis pa nang mukha. Yayamanin talaga"
"madaming gwapo madami ring magaganda" sang ayon ko
Nakatingin lang talaga si Jovi kay dok na masungit hanggang sa kumakain na ito. Napailing ako mabuti nalang hindi sya nahahalata.
"ang creepy mo joviii, wag mo nang titigan" sabi ko pagkatapos kumain
Binilang ko yung sukli ko 28 hindi na masama pero mas nakakatipid talaga sa probinsya. Kakain lang kami sa harap nang university namin 30 pesos chicken with rice na oh dibaa. Natatawa nalang ako sa mga iniisip ko.
"how can someone be that perfect?" pag i-inglish nya.
Tinitigan ko lang dahil nagmo moment
"diba doctor sya sabi mo? Tapos gwapo omygosh kung sana ganyan lahat nang lalaki"
"lalaki ka rin naman"
Umirap sya saakin
"kainis babae ako!" sabay tayo nya. Aalis na kami dahil baka hinahanap na rin kami
Malakas yata ang boses ni bakla dahil napatingin ang mga kumakain saamin tapos naka tayo pa kami
"kahiya kaaa" bulong ko sa kanya sabay kurot sa bewang
"tumingin sya" bulong pabalik
Mas lalo kami nag mukhang timang dahil nagbubulungan pa habang nakatayo
"alis na tayo" bulong ko pa
"tumitig sya kanina.... sayo" bulong nya rin
Hinila ko na ang buhok nya paalis dahil kahit ano ano nalang lumalabas sa bibig.
"hoooyy masakit" reklamo nya
Hindi ko sya binitawan hanggang sa makalayo kami roon.
"putcha ha! Bat nang hihila? Sakalin kita eh" irap nya
"putcha ka rin, nakakahiya kaaa" pipisilin ko sana ulit ang bewang nya ngunit nakaiwas sya
"masakit hoy masakit, ikaw yung nagpahiya satin dahil bigla bigla mo kong hinila gamit ang buhok!"
"oo para makaalis na tayo sa kahihiyan. Ano nalang iisipin nila? Ang we-weird ng mga taga probinsya?"
"ayan kasi ang weird mo kasi"
Aba! Ako pa ngayon ang weird
" eh sino yung creepy na tumititig sa lalaki ha?"
"nye nye nye" parang bata talaga
Bumalik na kami sa grupo at ang pinag uusapan na nila ay ang free gala namin bukas. At syempre tama si jessy na sa mall lang kami pinayagan gumala baka kasi mawala pa kami hindi naman kami taga rito.
Sinuyod ko ng tingin ang campus ng Ateneo, ang laki talaga tapos ang mga estudyante rito ang so-sosyal tingnan. Alam mo yun kapag nagsasalita sila English talaga lahat tapos hinahaluan lang nila ng Filipino.
"Mall lang pala tayo" nakabusangot na sabi ni Jovi
"Expected na yun, bakit? San mo ba balak gumawala?"
"Enchanted Kingdom" nagniningning pa mata nya yan
"Asa ka"
Mas bumusangot sya kaya tinawanan ko lang sya.
"tara na back to the hotel everyone" anunsyo nung isang estudyante
Naglakad na sila paalis habang ako ay huminga ng malalim at nilingon ang mga building ng ateneo. Matagal pa ako makakabalik rito kaya I look at the place as if memorizing every details. Until my eyes bore into someone who also looking at my direction.
I stare at him for how many minutes and I smiled at him at tumalikod na para habulin ang nakakalayo ko nang grupo.
Kahit masungit at weird sya wala namang mawawala kapag ningitian ko sya. Hindi rin naman kami magkikita muli.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
I did my research with the things I don't know but it will never be the same for someone who actually experienced it. That is why if I've putted wrong information about Ateneo, you can message me :) . I stand being educated, Thank you!
YOU ARE READING
With You (Iligan Series 1)
RomanceKassyn Thia Abarca is a girl from the City of Iligan and she is studying at Mindanao State University - Iligan Institute of Technology . During her field trip in Manila she met someone not once but thrice, who is a snobbish guy from Ateneo. Can love...