Today is our last day here in Manila, kaya napag disisyonan ko na bumili nalang ng mga pasalubong para kina mama. May pera pa naman ako sa katunayan nga malaki laki pa ang halaga nito dahil hindi naman ako naging magastos dito.
Kasalukuyan kaming naghahanda para sa lakad. Nagsuot lang ako ng skirt tapos naka insert na loose blouse and of course white shoes. Yung sling bag na gamit ko ay yun pa ring sling bag na gamit ko nung pumunta kami sa museum. Wala rin naman akong dinala na ibang sling bag.
Si jessy ay naliligo pa kaya nung may kumatok sa hotel room namin ako na yung nag bukas
"tara naaaa" excited na sabi ni Jovi
Dahil nga si jovi lang pinaka close ko dito sa trip na ito sya talaga palagi kong kasama.
"magpapaalam mo na ako kay jess"
Tumango lamang sya habang kinuha ang cellphone nyang tumutunog. Nanay nya yata kahapon nga tinawagan rin sya sobrang caring ng mama nya sa kanya.
"Jess?" katok ko sa pinto ng c.r
"ohh??" sabay silip nya sa pinto
"una na ako ha?"
"ayy hala sege sege, mamaya pa kami. Ingat"
Free kami whole day kaya ang mga history peps kanya kanyang oras ng lakad. Si Jovi naman excited na gumala kaya habang 9 pa ng umaga ayun nag aya na agad
Lumabas na ako sakto naman tapos na si Jovi sa kausap nya
"mama mo?" tanong ko
"oo nalaman na mag mo-mall tayo may pinapabili. Kaya siguro ibinigay saakin ang card nya no?"
"gagi swerte mo nga dami mong pera"
"ginagawa akong alipin ni mader ang daming pinapabili. Feeling ko talaga ito yung motive nya kaya ipinadala saakin ang card"
Mabuti nalang talaga may van na maghahatid saamin sa mall tapos pag uwi mag ga-grab nalang siguro kami dahil hassle na kay kuyang driver.
Nakalabas na kami at ayun na nga si kuya naghihintay saamin
"goodmorning manong" bati ni Jovi at nakibati na rin ako
Pumasok agad kami sa van
"gusto mo naman ang kurso mo diba?" tanong ko bigla kay Jovi
"oo no hindi ko papahirapan ang sarili kong magbasa ng sandamakmak na research at libro kung hindi ko mahal ang kinuha ko"
"Same. Ang ganda kaya nang history" sabay tingin ko sa labas ng bintana
"a lot of people doesn't appreciate history when the fact is that everything turns up into it"
Lahat ng bagay nagiging nakaraan. Today will end up yesterday and yesterday will end up history. Elementary students may not appreciate it today but I just hope highschool student will. History plays a big part on who we are today, without it we don't have identity.
"Its okay, I don't even like it when I was in elementary. It just that you will always encounter a teacher who teaches very well and will make you realize how beautiful that subject is"
"yung na e-explain nya ng mabuti to the point na gusto mong isinilang sa nakaraan at naging kasapi ng KKK"
"to the point that you wanted to experience being called binibini and be there yelling at Emilio Aguinaldo how stupid he is to be fooled by the American"
Tumawa kami ni Jovi. Funny but you see how beautiful Philippines is if hindi nawala ang tawagang ganyan "Binibini" "Ginoo"
"yay nandito na tayooo, magkita nalang tayo sa lunch? Marami pa akong agenda kasi si mama andaming utos. Kahit dito sa Manila umabot" kulang nalang mag tantrums sya
"sege baka rin ma bored ka kapag kasama ako dahil magtatagal pa ako sa bookstore"
"okaayy tawagan kita later"
Tapos naghiwalay na kami ng daan, hinahanap ko kasi ang NBS at salamat naman madali ko itong nahanap
Pagpasok ko nagningning agad ang mata ko omg sabi ko na nga ba marami silang stocks ng libro na gusto ko ehh
Dumiritso agad ako doon at hinanap yung book 4 ng libro na gusto ko. Andami dami sumakit ang liig ko kakatingala habang naglalakad ako patagilid.
Hanggang sa may nabangga na nga ako, dali dali akong nag sorry dahil kasalanan ko naman talaga ako yung hindi naka tingin eh
"sorry poo"
"this is our second time meeting each other"
Para akong na freeze dahil sa boses na yun. Malamig na boses ni
"dok?" nanlaki pa ang mata ko habang naka tingin sa kanya ngayon na nakasuot ng hoody at shorts.
"dok, who?" nakakunot na naman ang noo nya
"ahh ikaw?"
"my name is not dok" sabay tingala nya sa tinitingala ko kanina na mga libro
"which one are you looking for?"
Hindi naman talaga dok pangalan nya, what I mean is his profession hindi ba doctor sya? Ako naman ngayon ang naguguluhan
"hey" tawag nya ulit saakin
"book 4"
Nakita nya agad ang libro, advantage naman kasi sa kanya dahil matangkad sya. Inabot nya saakin ang libro kaya nagpasalamat ako
"hindi ba doctor ka?" hindi ko na napigilang tanongin
"Im not yet a doctor, who told you that?"
Ang komportable na nyang kausap ngayon hindi kagaya nung sa museum na ang sungit sungit. Mali ba first impression ko sa kanya?
"ahh narinig ko lang kay ate doon sa ateneo, akala ko" tawang hilaw ko
"they used to call me that since Im a med student" ang daldal nya akala ko talaga man of few words to? Mali mali talaga mga akala ko
"okay" ngumiti ako sa kanya dahil wala na akong maisagot
Tumango lamang sya at pumunta sa counter para bayaran yata ang mga highlighters na dala nya. Lumingon lingon ako sa loob ng nbs. Wala naman yata akong bibilhin kaya sumunod na ako sa kanya para bayaran rin ang libro
Pagkatapos kong bayaran ay humarap na ako para umalis pero bumangga ulit ako kay dok na nakatayo sa daraanan ko
"why are we kept on bumping?"
"huh? Ewan ko? Sorry hindi kita nakita. Padaan po" sabi ko nalang
"accompany me"
"huh?" tama ba naririnig ko?
"you kept on bumping me so in exchange accompany me" seryoso nya talagang sabi
Accompany him?! Aba! Magkapatid nga sila ni Francine yan din sinabi nung bata saakin. Nakatitig ako sa kanya nang hindi makapaniwala, okay lang ba sya?
YOU ARE READING
With You (Iligan Series 1)
RomanceKassyn Thia Abarca is a girl from the City of Iligan and she is studying at Mindanao State University - Iligan Institute of Technology . During her field trip in Manila she met someone not once but thrice, who is a snobbish guy from Ateneo. Can love...