Ocho

1 0 0
                                    

Natapos ang last na klase ko for today na naghihintay sa labas ang mga kaibigan ko, atat na atat malibre?

"so ano na? libre mo" ngisi ni chrnzel

Ang bilis ng balita

"saan tayo?" excited na tanong ni zendy

"big poppas?" suggest ni Treb

"Payag ni Tasi tayo guys" yed

Kapag ganito talaga wala kanang magagawa at makinig nalang dahil ikaw yung nakalimot sa kanila

Napapalakpak naman si zendy "yes yes maganda sa payag ni tasi dun tayooo, sobrang relaxing dun"

"Okaayy tara"

"may dala akong sasakyan guys doon na tayo lahat"

"mabuti nalang aircon" sabi ko

Habang naglalakad kami papuntang parking lot, ini-open ko naman data ko

Franz Villacuerta: That's good

Kanina pa yung reply nya wala naman akong ma rereply sa message nya kaya nag react nalang ako ng heart.

Sumakay na kami sa sasakyan, si zendy ang nag da drive tapos katabi naman nya sa harap si Chrn kaya nasa likod kaming tatlo ni Yed at treb. Nag scroll scroll muna ako sa facebook habang papunta pa kami sa Tasi.

"Kamusta experience mo sa Manila?" tanong Ellyed

"okay lang naman, syempre hindi na bago ang traffic"

"wala kang pappi na nakilala?" singit ni Chrn

"ikaw talaga kalandian nalang nasa isip mo"yed

"inggit ka nanaman baby, lumandi ka rin"pang aasar pabalik ni chrn

"hindi ba pumunta kayong ust at ateneo. Sino sino nakilala mo?" tanong ni zendy para seguro tumahimik ang dalawa

"wala alangan naman makipagkilala ako sa mga estudyante roon eh ang yayaman nun"

"What I mean is wala ka man lang bang sikat na nakita roon? Hellooo volleyball players, basketball players?"

"hindi ko naman kilala mga players ng ateneo at ust eh" sabay peace sign ko

I hate sports kaya hindi talaga ako nanonood ng mga volleyball at basketball. At saka ang laki kaya ng ateneo at ust asa pa na may nakita akong mga players doon.

"Hoy! Hindi mo kilala si Nathan de Guzman? Basketball player ng ateneo?" chrn

"hindi"

"may tao pa palang hindi sya kilala?"

"ako, sino ba yan?" si treb

"aba si baby Nathan captain ng basketball sa ateneo. Saang lupalop ba kayo nang galing?"

"hindi kami kagaya mo na super fan, akala mo naman mapapansin sya" irap ni Yed

"Aba aba! Someday mapapansin ako nun"

Tiningnan ko ang phone ko ng mag vibrate ito

Franz Villacuerta: Still in class?

Kassyn Abarca: tapos na J, teka hindi ka busy?

Franz Villacuerta: Im also done with my class

Friends na ba kami nito? Chat ng chat eh. Tanungin ko kaya? Baka kasi assuming nanaman ako

Kassyn Abarca: Are we friends?

Franz Villacuerta: you can say that, why?

Napangiti ako. Yay! May doctor na ako na kaibigan

With You (Iligan Series 1)Where stories live. Discover now