Nakahawak ako sa ulo ko habang naglalakad papuntang CASS building, may meeting raw kasi ang department namin ngayon kaya wala kaming klase. Ang sama ng pakiramdam ko dahil siguro ito sa ulo ko. Nung tumunog kasi ang alarm ko diri-diritso na ang galaw ko dahil akala ko may klase kami tapos ito may meeting pala kami. Mabuti nalang talaga may kakilala ako sa CED na nagsabi na walang kaming klase, lutang na lutang ako kung hindi pa nya ako sinabihan siguro nakaupo parin ako ngayon doon sa klase ko sa CED.
Pumasok na ako sa room na nakalaan sa history department, nakita ko kaagad si Treb at Jovi pero kay Treb ako tumabi busy rin kasi si Jovi dahil representative sya ng block namin.
"kamusta?"
"wag mo kong kausapin treb, gusto ko pang matulog" sabay yuko sa desk ng aking upuan
"hindi ka makikinig sa meeting?"
"nandyan ka naman eh, gisingin mo ko kapag tapos na" nakapikit kong sabi
Ang sakit pa ng braso ko parang hinila hila ako kagabi, tapos napanigipan ko pa si franz na tumawag saakin sabay bigay ko kay chrn ng phone. Ang weird.
"and we already done discussing which department will represent our college. So napag disisyunan namin na sa department natin kukuha ng candidate at the same time tayo ang gagawa ng props for "wanna be". Are you okay with that?" tanong ng mayor namin
Nakapikit ako pero naririnig ko pa rin sila ang ingay naman kasi dito
"how about the other department mayor? Hindi natin kaya ang props dahil madami talaga gagawin jan just like last year, wala ba tayong partner?"
"great question, we are partnered with the polsci, yung candidate na kukunin sa kanila ay lalaki while here is babae"
"so sino ang gusto nyo maging representative natin?"
Mas lalong umingay dahil sa daming suggestion ang iba hindi siniseryoso kung sino yung gusto nilang inisin yun ang sinasuggest nila. Inangat ko nalang ulo ko dahil hindi na talaga ako makatulog, balak ko kasing tumakas nalang dito.
Sakto naman pag angat ng ulo ko ay ang pag tama ng mga mata namin ni jovi which is scary dahil bigla syang ngumiti ng nakakaluko
"guys we need to be serious with this kailangan ang CASS naman ang overall champion sa palakasan ngayon" tumango tango naman ang mga freshmen na history peps.
"kaya I suggest Kassyn Abarca to be our candidate" turo ni jovi saakin
Napahawak ako sa ulo ko, mukhang mas lalong sumakit dahil sa narinig ko busit talaga tong si Jovi
"Yes guys I vote Kassyn to be our candidate" sigunda ni treb kaya sinapak ko likod nya. Napa ubo naman sya.
"guys wag ako promise wala akong alam sa rampa rampa" pagmamakaawa ko dahil nagtaas ng kamay ang lahat
"we can make it work, I'll be your mentor" sabi ni ate Rose senior namin na naging miss iligan.
"ikaw nalang ate"
"im sorry but I am not qualified na eh" sabi nya saakin
"over qualified na kasi yan, kaya ikaw na ha?" sabi ng mayor namin kaya wala na akong nagawa
Tumawa naman si treb sa tabi ko, ang sarap ihagis ng dslr nya
Lunch break at kakain kami sa Jollibee sabay kami papunta doon ni Treb. Nakahawak ako sa balikat nya kahit ang tangkad nya baka kasi bigla nalang akong mahimatay dahil sa sakit ng ulo.
Pagdating namin doon nakayuko sa table sina yed at zendy, habang si chrn ay kumakain ng fries habang pinapangaralan ang dalawa. Dumiritso rin ako ng upo at nakisali sa pag yuko.
"Yan kasi akala nyo naman kung sinong lasinggero parang uhaw na uhaw sa alak" si chrn
"shut the fuck up chrn, I need to fucking sleep" si Yed
"nag away nanaman ba kayo ng jowa mo?" tanong ni chrn
"slow learner ang putik" si yed na nayayamot na talaga kay chrn
Kaya natawa lang ang gaga
"ikaw naman inday kassyn may jowa ka na palang inglishero bat hindi mo manlang pinakilala saamin?" ako nanaman pinupuntirya ng gaga
"gusto ko yang sinasabi mo pero wala pa rin akong jowa" sabay untog ko sa ulo ko, masakit ulo ko teh wala rin kasi akong ininom na gamot sa hangover
"eh sino yung kinausap ko kagabie?"
Napaayos ako ng umupo at gulat na tiningnan sya pati na rin si Yed at Zendy biglang nabuhayan ang kaluluwa
"chismis" sabi ni zendy
"narinig rin ni treb ang usap nyo kasi inday ni loudspeaker mo pa talaga" tumango rin si treb kitang kita sa mukha nya na natutuwa syang nakikita akong natameme
So totoo ngang tumawag si dok?!
"anong sabi? Anong pinagusapan namin? may sinabi ba akong nakakahiya?" sunod sunod kong tanong, hindi ko pa naman dala ang phone ko nasa bahay kasi yun iniwan kong naka charge
"so may jowa ka nga?!" si Yed na hindi makapaniwala
"ohmygosh why are you keeping it as a secret?" si zendy
"hindiiii, kaibigan ko lang yun. Nakilala ko lang sa Manila. Chrn sabihin mo anong nangyari?"
"here's the tea everyone," tumawa pa sya "habang nasa sasakyan na tayong lahat tumatawa itong babaeng ito habang nakahawak sa phone nya kaya syempre tinanong ko sinong kausap nya diba?"
"tapos biglang binigay ni ate ghorl ang phone saakin kaya kinausap ko, ang gwapo ng boses promise no joke!"
"ang sabi nya," tumikhim sya "hello? Who am I speaking with? Shuta! English!"
"bilisan mo naman ang kwento napaka daming satsat" si Yed
"so ayun sabi nya iuwi ko raw ng safe si SYN and ah! Ngayon ko lang na remember tatawag raw sya sayo today" inimphasize nya talaga ang syn
Napahawak ulit ako sa ulo ko, ano ba yan mabuti nalang hindi talaga ako gumawa ng kakaiba or may nasabing kakaiba
"so sino yun?" si treb
"si Franz kaibigan ko na nag aaral sa Ateneo"
"matagal mo nang kaibigan?" tanong ni zendy
"uhhh nung fieldtrip ko lang sya nakilala"
"baka sya na si kuyang future jowa mo Kas!" si chrn nag pumalakpak pa
"hmm Im happy for you Thia, pagnagkataon hindi kana nbsb nyan" asar ni Yed
"support" si zendy
"Kain na tayo guys gutom na akooo" reklamo ni treb
Kaya nagsigalawan na kami, kumusta na kaya yung phone ko. Nakakahiya kay franz hindi ko sya masasagot. I sigh.
YOU ARE READING
With You (Iligan Series 1)
RomanceKassyn Thia Abarca is a girl from the City of Iligan and she is studying at Mindanao State University - Iligan Institute of Technology . During her field trip in Manila she met someone not once but thrice, who is a snobbish guy from Ateneo. Can love...