"HOY SAGUTIN MO KO SINO YUN? MAY KA DATE KAAA? SINO??" sunod sunod nyang tanong
Anong isasagot ko? Hinila lang ako nang lalaking to para kasamang kumain? Si Dok ang kasama ko na taga Ateneo at sinamahan ko lang?
"Our food is already serve, aren't you done?"
"BAKIT ANG HOT NANG BOSES? NASAN KA? BAKA ANO NA YAN HA?" singit rin ni Jovi
Hindi ko alam sinong sasagutin sa kanilang dalawa. Bumalik muna si Franz sa table ng napagtanto nyang hindi ko rin sya masasagot dahil may kausap rin ako
"Jovi hindi kita masasamahang kumain kita nalang tayo after lunch okay? Bye" dali dali kong cancel ng tawag
Mag e explain nalang ako mamaya, tiningnan ko si Franz na naghihintay saakin. Ano kayang nakain nito at bakit ako ang napiling isama sa mga lakad nya?
Bumalik na ako sa table at nag sorry dahil pinaghintay ko pa sya at yung pagkain. Speaking of pagkain nakaka disappoint ha, ang mahal mahal pero ang liit lang ng portion ibibigay.
"whats wrong?" napansin nya sigurong naka simangot ako
"wala kain na tayo" ngiti ko ulit dahil baka masabihan pa ako na maarte. Pasalamat nalang ako na may kinakain kami
"you've mention that you are not from here?"
English nang English naman to kausap
"oo Im from Iligan, may fieldtrip kami kaya nandito ako ngayon. Ikaw?"
"anong ako?" tanong nya
Nanlaki ang mata ko nang mag Filipino sya, nakakagulat? Oo sobra
"marunong ka pala mag Filipino" mangha kong sabi
Natawa naman sya saakin
"That's basic but im more comfortable speaking English"
"so, med student ka?"
"im on my first year on med school"
"hindi ba hindi roon ang med school sa ateneo?" pang chismis ko. Tinutukoy ko yung pagkikita namin sa ateneo de manila sa Katipunan.
"It's in Pasig, but I had something to do in there that day"
"ako third year college pa, ang layo pa nang lalakarin ko. Malapit lapit ka na dok"
Ngumiti naman sya
"nah. I still have a long way to go. What's your course by the way?"
Chismosa rin si dok oh.
"history" proud kong sabi
Ang hirap kaya ng history so dapat proud talaga
"that's great"
Pagkatapos namin kumain hinatid nya muna ako sa lugar na pagkikitaan naming ni Jovi. Ang laki laki kasi ng mall na ito mawawala talaga ako kaya hinatid nya ako
"Dito nalang dok, salamat" pinakain nya pa ako kanina masarap naman ang pagkain kaso ang liit nga lang ng portion.
"shes not here yet?"
Shes? Shes naman talaga si Jovi diba?
"oo eh pero malapit na yata sya"
Tumango naman sya
"I'll go ahead. See you soon Syn"
"See you soon Dok" kumaway kaway pa ako sa harap nya. Feeling ko may kaibigan na akong doctor, ang feeling ko talaga
Ngumiti sya sabay gulo ng buhok ko jusko yung puso ko ang lakas nanaman ng kabog. May sakit ba ako sa puso?
Pagkatapos tumalikod na sya at umalis. Habang ako parang na freeze hindi parin makagalaw, yung totoo anong ginawa nya saakin?
YOU ARE READING
With You (Iligan Series 1)
RomanceKassyn Thia Abarca is a girl from the City of Iligan and she is studying at Mindanao State University - Iligan Institute of Technology . During her field trip in Manila she met someone not once but thrice, who is a snobbish guy from Ateneo. Can love...