Dos

8 1 0
                                    

"Mama?" tawag ko kay mama sabay tumabi sa kanya umupo sa sala

Wednesday na kasi ng gabi ngayon. Malapit na ang sabado kung kailan kami aalis papuntang Manila.

"Ano nanaman kailangan mo? Alam ko na yang mukhang yan" sabi nya habang naniningkit ang mata.

Maganda si mama, maputi at may kataasan. Kaya nga kahit nung dalaga pa sya, nagtatrabaho sya bilang saleslady maraming nagkukunwaring namimili para lang makausap sya. Marami rin ang naghihintay sa kanya matapos sya sa trabaho nya. Kaya sabi niya hindi nya raw alam bakit napunta sya sa papa ko hindi naman raw gwapo si papa. Which is also not true dahil marami rin naman naghahabol kay papa nung kabataan nya. Yung papa ko naman gwapong gwapo sa sarili nakapagtapos ng pag aaral dahil galing naman sya sa mayaman na pamilya ngunit hindi nakapagtrabaho sa tinapos nya. Bulakbol kasi kaya ngayon saakin masyadong strikto. Sabi pa nga ni mama natatakot raw si papa gawin ko yung pinag gagawa nya nung kabataan nya.

"malapit na kasi yung field trip namin, ngayong sabado na. tatanungin ko sana kung makakasali ba ako?" maingat kong sabi

"paano kung hindi?"

Bumagsak ang balikat ko. Tama naman wala kaming pera para rito hindi rin naman to compulsory kaya okay lang pero sayang parin,

"joke lang!" pambawi agad ni mama

Kaya lumaki ang mata ko. Kailan pa naging joker si mama?!

"totoo?!" napasigaw kong sabi

"Gabi na hinaan mo boses mo baka batuhin tayo ng kapitbahay"

"Hindi nga ma? Pero may pera ba tayo?" nag aalala kong tanong

"Pera lang pala? Nakooo marami ako nyan"

"Mama naman ihhh"

"Oo nga. Nagpadala talaga ang papa mo para lang sayo. Basta raw umuwi ka ng kompleto" sabay hagod nya ng tingin saakin mula ulo hanggang paa

"Yay! Oo naman maaaaaa" niyakap ko sya ng mahigpit

Excited na akoooo

Friday ngayon at wala akong pasok. Vacant ako whole day tuwing Wednesday at Friday kaya lang gagala raw kami. Nag aya si Ellyed tapos go naman lahat dahil may dala syang sasakyan. Plano namin mag Midway kaya may dala akong bagpack, naka shorts na high waist at sleeveless crop top lang ako. Naghihintay lang ako sa kanila dahil dadanan lang nila ako. Lumabas naman ng bahay ang magaling kong kapatid.

"saan ka nanaman pupunta?! Magsasaing ka pa! mag iigib pa! ano lalayas ka?!" nagsasalita sya with action, kahiya ang amputa

Napatingin ako sa mga kapitbahay ko na biglang bumagal ang pagwawalis. 7 pa kasi nang umaga kaya natural nagwawalis ang karamihan pero hindi naman ganyan kabagal. Iba talaga kapag chismosa.

"Tumahimik ka nga! Pinagsasabi mo? Maligo ka na may klase ka pa diba? Unggoy ka"

"Ang aga aga mong gumala! Gawain ba yan ng isang matino na babae?!" inggit yata tong batang to eh

Kaya hindi na ako nakapagpigil piningot ko na ang tenga nya

"aray aray ateeeeee" reklamo nya

Hinila ko sya gamit ang tenga pabalik sa loob ng bahay

"kahiya ka talaga sa pamilyang to, ampon ka ampon" sabay bitaw sa tenga nya

"ako ampon? Tumingin ka sa salamin ate ikaw lang pangit dito. Baka ikaw?" nakangisi nyang sabi

"Go to hell you piece of shit"

"walang ganun, walang inglisan. Foul foul" sabay hand gesture ng foul

"abat ayaaann computer kasi ng computer kaya pati pag e English nahihirapan p—" hindi ko na tapos ang pang sesermon ng may bumusina

Lumabas agad ako dahil sina Yed na yan, lumabas rin kapatid ko at lumapit kina treb para bumati. Feeling talaga. Pumasok ako sa sasakyan katabi sina zendy at chrn.

"Alis na kami Con, pakisabi nalang rin kay tita" treb

"Sege kuya, ingat kayo. At saka pala wag nyo na ibalik ang ate ko. Malaking tulong yun saamin" yung mukha nya talaga sayang saya

"Yawa kang bataa ka!" busit talaga, kapatid ko ba talaga yun?

Tumawa lang sya tapos tumakbo pabalik sa loob ng bahay.

"Ang bilis lumaki ni Con Vincent ang gwapo pa" si Chrn habang hinahabol ng tingin ang kapatid ko

Umakto naman ako na nasusuka.

"Shokoy yun, chrn"

"Child abuse ka Chrn" si yed na nagdadrive

"Hoy! Pagsinabihan ng gwapo type agad? Diba pwedeng na appreciate lang ang mukha nung bata. Inggit ka eh"

"Chrn wala dapat akong kainggitan, alam mo yan" he smirk

"Hangin mo, putik" angal ni Treb

"Swerte ka lang sa girlfriend ulol!"

"Bat di mo sinama si Xeshia?" tanong ni Zendy habang nag vivideo sa nadadanan namin para yata may ma-instagram story.

"Busy, dai. Tapos may lakad rin sya with her fam"

"Kapag talaga nakakita ng gwapo si Xeshia sa lakad nila. Umiyak ka na Yed" asar nanaman ni Chrn

"She's not like you Chrn. If your standard for your partner is only beauty then I'm sorry. You're so pity"

"wooaaahhh" palakpak ni Treb habang tumatawa dahil na realtalk nanaman si inday Chrn

"Fyi it's not just the appearance nu? Sapakin kita eh"

"Ouch, Chrn" pang aasar ni zendy

"Bakit pinagkakaisahan nyo ko? Tulungan mo ko Syn" sabay kapit nya saakin

"Hindi ka naman bobo sa pag aaral pero bakit ambobo mo sa pag ibig? Ilang huli pa ang gusto mo para masaksak sa utak mo na he's not worth it? Learn to look after your own worth Chrn" si Yed lang may kayang sabihin sa kanya yan ng pabalik balik.

Nagbibigay naman kami ng advice pero hindi namin inuulit kapag nakikita naming hindi naman sya nakikinig or nakikinig pero walang application. Para saakin matutunan nya ring mamulat sa katotohanan hindi nya kami kailangan sa ganyan dahil nakikita naman namin na walang silbi ang mga advice namin. Pero not Yed, out of nowhere babalikan nya yung katangahan ni Chrn at ipapamukha sa kanya na tanga sya. Yed and chrn may always annoy each other but they are bestfriends.

Napatingin si Chrn sa labas ng bintana

"Iniwan na nga diba? Unli ka talaga"

"Iniwan sa ngayon, balikan bukas" dagdag ni Yed. Napailing lamang si Treb. Tahimik naman kami ni Zendy.

"Just wait" makahulugang sabi ni Chrn

Tumahimik ang sasakyan pero hindi naman awkward.

"Okaaayyy nandito na tayoooo" pambabasag ni Zendy sa katahimikan

Pumurmang puso naman ang mga mata ni Chrn. At hinila palabas sa sasakyan si Treb

"WHITEEE SAAANNDD. Picture-ran mo ko Treb daliii"

"Hoy tangina!wag mong hilahin ang shirt ko putik"

Hindi na nga hinila ang tshirt nya pero tumalon naman si Chrn para akbayan si Treb

"Bilis bilis, gandahan mo ha"

"Teka nga, yung camera ko baka mabitawan. Babayaran mo to" Treb na papalayo kasama si Chrn para picture-ran ang maingay sa grupo

Lumabas na rin kaming natitira

"Gago, andaming dadalhin asan na yung dalawa?" Yed sabay bitbit sa container ng kanin

"Picture taking pa, dalhin nalang natin yung magagaan mga dai tapos pag nandoon na tayo sa cottage sabihin natin dalhin nila yung naiwan didto" si zendy sabay kuha sa container ng salad

Sumangayon kaagad kami. I laugh. Habang dala dala ko ang dalawang coke na 1.5 napatingin ako sa dagat. Ang ganda talaga. Naglakbay ang pagiisip ko sa fieldtrip bukas. Napangiti ako, I can't wait.

With You (Iligan Series 1)Where stories live. Discover now