Mabilis ba talaga ang oras o masyado lang talaga akong masaya to the point I don't have the time to watch the clock?. Well nandito na kami sa hotel. Nakangiti akong tinatanaw ang mga building sa labas galing sa view ng aming room. Dalawa kami magka share dito dahil alam nyo na mahal tapos 3 days pa kami mananatili rito. Tapos na rin kami mag lunch dito sa hotel kaya hinihintay nalang namin ang oras, 1 pm kasi kami pupunta sa Museum.
"sa last day diba papayagan tayong gumala?" tanong ni Jessy roommate ko
"yup, san mo balak gumala?"
"as if papayagan tayo gumawala ng hiwa-hiwalay. Sigurado ako sa MOA pa rin bagsak natin or SM"
"okay lang yan marami naman mabibili sa mall"
"ano bibilhin mo?" sabay upo sa kama nya. Umupo rin ako sa kama ko
"books?"
"may nbs naman satin ah. Ayaw mo bumili ng mga damit?"
"mahal jess kaya ayoko, gusto kong bilhin yung something na very useful talaga. Tapos madami pa naman akong damit"
Tumango tango naman sya pagkatapos tumayo na kami at naghanda dahil may kumatok na sa pintuan namin. Pinapalabas na kami, nakasuot lang ako ng jeans at msu-iit shirt. May maliit rin akong sling bag na wallet at cellphone lang kasya. Sabi naman ng mga professor namin importanteng gamit lang dapat dalhin namin.
Nagkasya kaming lahat sa isang van dahil hindi rin naman kami marami mga 15 lang yata per batch. Ang ingay na nila sa loob pagkapasok ko.
"dito! dito! tabi tayooo" kaway saakin ni jovi
Sya yung nagiisa kong kaibigan sa isang subject ko. Yung umabsent nung Monday luckily same course kami at magkasama pa sa trip. While si jessy umupo dunsa group of friends nya rin.
"first time mo ba dito sa manila?"
"oo, grabe yung mga building ang tataas"
"ako rin" hagikhik nya "makakakita kaya tayo rito yung mga lalaki na nababasa sa wattpad" he dreamingly asked
Umasim ang mukha ko dahil malabo talaga yung sinasabi nya dahil more on history itong tour namin.
"wag kanang umasa"
"sabagay hindi naman lahat ng tao dito gwapo ang iba kasi nandoon satin"
Tumawa kami. Mahaba haba pa ang byahe bago kami nakarating sa National Museum of the Philippines. Wow grabe isipin mo sa loob nyan mismo nandoon ang mga kagamitan na hinawakan ng ating mga bayani at iba pang tao na may malaking kontribusyon saating kasaysayan. This is where the future can meet the past.
"andito na tayooo, omayghad yung mga painting ni Juan Luna makikita ko na" excited nyang sabi sabay hila saakin.
Masyado na akong na mangha kahit nasa labas pa ako, paano na at nasa loob na? jusko
Sa entrance pa lang may mga turista na akong nakikita at mga estudyante, highschool student to be exact.
Nagsimula mag explain ang aming professor sa mga bagay dito sa loob ng museum. Hanggang napunta kami sa painting ni Juan Luna na ang Spoliarium na hindi ko inakala na ang laki pala. Sa mga libro kasi parang ang liit lang, nakakahanga naman si Juan Luna ang ganda ng talent nya. Ako nga stick man lang ang kaya.
"excuse me? Whats the name of this paint?"
Napalingon ako sa batang nagtanong saakin. Nakahawak sya sa cellphone nya while naghihintay ng sagot ko
"Spoliarium ni Juan Luna"
Teka naiwan ako ng mga kasama ko, asan na ba sila?
"oh right, Are you okay?"
"huh? Ah yes its just that.. have you seen my group?"
"yes you're college right? I think they are already down the hall at gallery 4"
Nawala yung pag aalala ko dahil sa sinabi ng bata at aalis na dapat ako nang hawakan nya ang kamay ko
"bakit?" tanong ko
"can you accompany me here? I am waiting for my brother and he is late already. You are not a bad person naman diba?"
Hala baka ako naman maiwan talaga nito pero hindi naman yata sila aalis ng kulang diba? Nakakaawa naman ang batang to grade 7 pa yata. Baka pagsamantalahan rin ang ganda ganda pa naman nya. Sana all talaga ang aga nang glow up.
"ahhh sege pero hindi dapat ako magtagal huh? Kasi baka ako naman yung maiwan dito"
"opo don't worry he said malapit na sya"
"sinabi mo ba na nandito ka sa may spoliarium?"
"done" sabay ngiti nya "that's why I asked you about this painting"
"okay" ngiti ko rin sa kanya
"I like your sling bag, where did you brought that?"
Napatingin ako sa sling bag ko na nabili ko lang sa mall samin.
"Iligan City?" natatawa kong banggit. Dahil ron ko naman talaga ito binili.
"that's far!" she exclaimed
Kaya natawa ako, biglang may tumikhim sa likod ko kaya napalingon kaagad ako
"Kuya, why are you so late!" galit nyang sabi sa kuya nya na kakarating lang
Diba sabi ko naman maganda yung bata edi syempre ang gwapo rin nung kuya. Hes tall, fair skin, and yes again he is handsome. His eyes are so brown while his nose is so pointy. Unfair naman, nahiya agad yung ilong ko.
"Bye ate" the girl snap me from staring at his kuya
I smile and said "bye. Ingat"
Yung kuya nya naman nakatitig lang saakin ng mariin. Kaya napakunot ang noo ko may problema ba to?
"come on Francine, I told you to stop talking to strangers" dinig ko pang sabi nya habang hila hila ang kapatid nya palayo na kumakaway saakin.
Anong akala nung lalaki na yon na masama akong tao? Kapatid na nga nya tinulungan nag susungit pa. Kainis. Require ba kapag gwapo masungit?. Isip isip ko habang naglalakad patungo ron sa sinabi na gallery ni Francine.
Mas mabuti pang mag focus ako ulit sa pinunta ko dito kesa isipin yung lalaki na yun. At saka hindi naman sya ganun ka importante dahil sigurado namang hindi na kami ulit magkikita. Sa mukha pa lang nun mayaman na tapos yung pag i-inglis ng dalawa may accent. Sana ol lumaking may kaya sa buhay.
"hoy! San ka galing?" si Jovi
"na stuck sa spoliarium"
"akala ko pa naman may nakita ka nang gwapo tapos sinundan mo tapos---" tinakpan ko na ang bibig dahil ang lakas ng imahinasyon
"tigil tigilan mo na ang kdrama at wattpad dahil naapektuhan na isip mo"
"O.A naman nito, may nakita akong gwapo pero highschool student pa"
"iwww. Wag ka ngang child abuse"
"sinong nagsabing jojowain ko? Tanga nito" sabay irap nya saakin
May nakita rin akong gwapo, judgemental nga lang.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sorry if I had mentioned wrong information above. I've never been in Manila that's why I did not elaborate it more. I stand being educated so message me if there is something wrong. Thank you!
YOU ARE READING
With You (Iligan Series 1)
RomanceKassyn Thia Abarca is a girl from the City of Iligan and she is studying at Mindanao State University - Iligan Institute of Technology . During her field trip in Manila she met someone not once but thrice, who is a snobbish guy from Ateneo. Can love...