Seis

2 0 0
                                    

"Teka dok, okay ka lang?" yan agad ang na sabi ko, nakakagulat naman kasi siya

"Im serious" sabay hila saakin palabas sa NBS

Hindi naman ako sumang-ayon diba? Pero bakit hindi ako maka angal? Nakatitig lang ako sa kamay nya na hawak ang wrist ko. Gumising ka Kassyn!

"Dok hooyy teka lang" kaya napahinto naman sya at napabuntong hininga na tumitig nanaman saakin

"what now? You will just accompany me. That's all" sambit nya

"Yun nga" napakamot ako sa ulo ko "bakit ako?"

"why not you?" hala sya, sinagot rin ako nang tanong

"hindi mo pa ako kilala tapos magtitiwala ka kaagad saakin?"

"You're not a bad person and beside even if you are, there's no way you can deceive me"

"sinabi ko bang masama akong tao? Hindi ah!" grabe sya talaga

"Okay" sagot nya, mukhang naiinip na dahil walang kwenta pinagsasabi ko. Ano ba kasing nangyayari saakin? Sa kanya lang talaga ako ganito.

"sege saan ba tayo"

"follow me" sabay tango

Sumunod ako sa kanya, nasa may likod ako nya dahil nakakahiya naman sya katabi ang gwapo gwapo magmumukha akong chaka doll. Maputi rin sya maputi naman ako pero mas maputi sya tapos yung lips nya mapupula pula natural na natural talaga sana ol.

"why are you so slow?" hinto nya na nakatingin na saakin kaya napalingon ako sa mga taong dumadaan.

Napapahinto talaga sila at nakatingin lang kay dok tapos titingin saakin dahil saakin nakatingin si dok. Pupusta ako nang isang libo jina-judge ako ng mga taong to.

Bumilis ang lakad ko hanggang sa katabi ko na sya.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko kahit na di distract ako sa bango nya. Yung tipong gusto mong gawin unan dahil ambango.

Binaliwala ko nalang ang mga tao na may judgemental na mga mata, ganyan lang talaga ang susi upang maging masaya roowts. Ako kasi na tao kapag toxic na para saakin iiwasan ko na, if it gives no good then avoid it because that's the only way you can breathe.

"There" turo nya sa isang sosyal na jewelry store. Wow.

Pagdating namin doon tumingin tingin agad sya sa mga necklace. Ang gaganda, ganito yung gusto kong mga kwentas yung manipis lang tapos walang masyadong design pero ang lakas ng dating. Tiningnan ko naman ang price, lumabas ang kaluluwa ko sa mahal ng mga presyo.

"Choose" sabi nya habang nakatingin pa sa sa mga kwentas

Hindi ko alam kung ako ba sinabihan nyo o si ate na nag a-assist sa kanya. Hindi nalang ako kumibo at tiningnan lamang sya na seryosong namimili.

"which one?" sabay lingon nya saakin

Biglang sumikip ang dibdib ko sa biglaang paglingon nya, nagtama nanaman ang mga mata namin kaya lumakas ang kabog ng dibdib ko. Anong nangyayari saakin?

"a.. ako ba?" tumikhim ako dahil nauutal ako

"Yes, choose one" sabi nya

Bibilhan nya ba ako? Hindi ko naman kailangan ng kwentas ah

"Huwag na" sabay wagayway ko pa ng kamay ko para ipakita na ayaw ko

"why?"

"aanhin ko ang kwentas? Hindi ko kailangan yan, wag mo kong bilhan" seryoso kong sabi

Kumunot ang noo nya sandali tila naguguluhan tapos bigla syang napangiti sabay iling. May dimple sya, may isang dimple sya sa kaliwa. Akala ko ba Lord walang perfect na tao? Ano itooo?

"really?" he smirk

Napatango tango naman ako

"Okay, but you need to help me choose for my mom"

Nag loading ang utak ko sa sinabi nya, for his mom? For his mom?! Napatakip ako sa bibig ko nang ma realize ko na ang assuming ko

Napangiti ulit sya sa naging aksyon ko, for sure gusto na nya akong tawanan dahil ang assuming koooo

Tiningnan ko si ate girl na nag a-assist sa kanya, nakangiti rin sya na nakatingin saakin. At para masalba sa kahihiyan lumapit kaagad ako sa may glass na pagpipilian na hindi man lang tiningnan si dok. Nakakahiya talaga ang sarili ko, minsan iba gumana si utak jusko.

"this one maam is a limited edition, made with pure gold.." explain ni ate girl

Ako naman tumango tango at minsan napapatingin kay dok na nakatitig saakin. Hindi na sya nakangiti dahil bumalik na sya sa pagiging seryoso.

May nahagip akong kwentas na korteng tear drop super simple lang talaga tapos gold rin, manipis ang kwentas kaya pinalabas ko yun kay ate girl.

Ang gandaaaa. Tiningnan ko ang presyo wow ang mahal. Tiningnan ko si dok tapos tinaasan nya ako ng kilay

"ito dok maganda" tumango tango sya

"we'll get this" agad nyang sabi kay ate

Maganda ang kwentas pero hindi maganda ang presyo. Wala na bang paglalagyan ang pera nila na parang piso lang kung igastos ang 300k?

Habang busy si ate girl para maibigay kay dok ang kwentas nakatitig lang ako sa labas dahil hindi parin ako nakaka get over sa kahihiyan.

"You can choose a restaurant" kaya napalingon ako sa kanya

For his mom nanaman ba? Anong isasagot ko?

Kinagat ni dok ang labi nya parang pinipigilan nyang ngumiti tapos nagsalita sya

"Don't worry, it's for us"

Us? Wala akong alam na restaurant dito

"Hindi ako taga rito dok, kaya wala akong alam na restaurant" binigyan ko sya ng alanganin na ngiti

"why do you keep calling me dok?"

"Because I don't know your name?" diritso kong tanong

"Call me Franz, you are?"

"Im Kassyn Thia, you can call me Kassyn or Thia. Whatever you're comfortable with" sabay ngiti ko sa kanya

Tinitigan nya ang mukha ko hanggang napunta sa labi ko ang tingin nya. Nawala ang ngiti ko habang nakatitig rin sa kanya ito nanaman po ang puso ko.

"excuse me sir? Please sign this and you are good to go" singit ni ate

Tumikhim ako at tumingin muli sa labas.

Nasa may sosyal na restaurant kami pumunta. Libre nya raw at dahil libre umokay agad ako. Grab every opportunities if its free motto ko sa buhay. Sya na rin ang umorder dahil hindi ako komportable sa presyuhan dito, pwede na kasi bumili ng isang sakong bigas ang ulam dito.

Ayaw ko naman maging awkward ang pagkain namin dito kaya ako na ang nag initiate ng conversation.

"kamusta na si Francine?"

Natigilan sya sa pag inom ng tubig

"you know my sister?"

"huh? Oo naman sa museum"

Di nya naalala?

"You were there?"

"Oo ako yung kasama nya naghihintay sayo"

"so this is not our second meet huh?" natawa naman sya

Anong nakakatawa?

"pangatlo na ngayon"

"why are we kept on meeting?"

Tiningnan ko sya sa mata, anong isasagot ko? Hindi ko rin alam. Tumunog ang cellphone ko kaya tiningnan ko. Hala si Jovi! Nag excuse muna ako kay franz at sinagot si Jovi.

"Kassyn gutom na ako, san ka? Lunch tayo"

"ahh kasi Jovi" paano ko ba sasabihin sa kanya?

"Syn?" tawag naman ni Franz saakin kay natural narinig iyon ni Jovi

"SINO YUN?" kuryoso nyang tanong

Napasampal naman ako sa noo ko. Bakit ko ba nakalimutan si Jovi?

With You (Iligan Series 1)Where stories live. Discover now