JOURNEY 14

20 3 41
                                    

Chapter 14

Not Him

I was excited pagkabigay ko kay Vann ng dog tag. At mas lalo akong na-excite noong binasa na niya ang nakasulat na buong pangalan ni Vans doon.

But... totoo nga talaga na kapag nasobrahan ka sa excitement ang kapalit no'n disappointment.

After niya kasing basahin ang nakasulat sa dog tag, I was expecting that he will wake up and recognize me just a bit. Pero contradict iyon sa sinabi niya

"Who is Ivann?"

"You are him... right?" Lito kong tanong. Bakit hindi nagkaroon ng effect? Maghihintay pa ba ng isang oras, minuto, o araw?

Pero according to Leon, e-epekto naman daw kaagad iyon? Katulad nang nangyari sa akin noon?

"Look, Narizz he is not me. Kung gusto mo talaga akong iwasan please don't hurt me by proving that you have someone else in your heart," medyo may halong sakit sa sinabi niya dahil pumiyok ng kaonti ang boses niya sa huli niyang sinabi.

Pagkatapos no'n, marahan niyang iniabot pabalik sa akin ang kuwintas at mabilis akong tinalikuran. Hindi ko na siya napigilan doon dahil mabilis na nabago ang scene.

I'm still in the cemetery pero iba na ang ambiance nito. Mas naging old at madamo?

Hawak ko pa rin ang kuwintas at nakatulala, iniisip ang naging respond ni Vann.

Hanggang sa may mapagtanto ako, gusto ko pang batukan ang sarili ko dahil doon. Siyempre wala rin siyang memories Narizzalyn! Natural hindi pa niya maaalala ang name niya at ikaw! Katulad lang din ng unang nangyari sayo.

Naku, ang slow mo ah!

"Two years had passed Mama, and whenever I try to remember what happened during those years... nasasaktan pa rin ako." Natigil ako sa pag-iisip dahil sa mga katagang lumabas sa bibig ko.

I am currently delivering Narizz lines, right now. Napatingin ako sa grave ng Mama niya na medyo may mga damo na sa gilid.

Base doon at base din sa sinabi niya kanina, does it means I am already in the present? Probably.

"And I realized, what I am currently doing right now... cutting classes, binabagsak ang grades, napagtanto ko, hindi ko makukuha ang hustisya sa nangyari noon sayo. I'm sorry Mama... pasensiya na at nakain ako ng emosyon ko, para maging ganito... sorry Mama...." mahina kong bulong kasama sa pag-ihip ng hangin. Nararamdaman ko ring sumasayaw ang buhok ko.

Nagsimula ring tumulo ang luha ko mula sa mga mata ko.

Narizz naman, bakit lagi ka nalang umiiyak? Sa tuwing naiisip ko din ang nangyari sa'yo, nasasaktan din ako.

I know it isn't true at story lang ito pero... literal na napunta ako sa story kaya ramdam ko kasi. Tuloy parang totoo talaga.

"And, I also remember something... pareho kaming nag promise sa isa't isa ng pamilya ni Vann. And they didn't fulfill theirs... Mama... hindi pa naman huli ang lahat 'diba? Payag ka naman na mahalin ko ang isa sa pamilya ng taong sumira sa atin 'diba?" Tumigil ulit ako sa pagsasalita at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko.

"I also broke my promise to them. I still love their son. I still love Vann..."

Iyon ang huling sinabi ko sa sementeryo bago napagpasiyahang umalis doon. Pero natigil ako sa paglalakad nang mapansing nakahinto ang ibang mga tao na nasa ibang gawi din ng mga grave.

Off camera?

Lumingon lingon ako sa paligid at natanaw ko sa malayo si Leon na nakamasid sa akin.

Mabilis akong napangiti at tumakbo papunta sa direksiyon niya.

Journey Inside (Stand Alone)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon