Driver
"Uuwi ka naba?" Ani Eleonica. Alas tres na ng hapon kaya pwede na kaming lumabas. MWF ang schedule namin at 7 am to 3pm naman ang klase.
"Nope" sabi ko habang nagliligpit ng gamit. "Hihintayin ko pa si Hanz, mamayang 4 pa iyon"
"Tamang tama! Pupunta ako ng savemore, sama kana. Mamaya pa naman yung kapatid mo diba?" Hmmmm actually may point siya. Para di naman nakakabored.
"Ge. Itetext ko nalang siya" umalis na kami sa room at di gaya ng kanina, hindi na kami nag tricycle. Malapit lang naman walking distance lang at dahil hapon na hindi na masyadong mainit. Kahit naman nasa City ito ay marami paring mahogany trees at malalaki din ang buildings kaya hindi mainit.
"Saan ka pala nakatira Elli" kanina lang ay sinabi niyang huwag ko na daw siya tawagin sa full name niya dahil hindi siya sanay. Tama naman siya, lahat ng ka klase namin Elli ang tawag sa kaniya kahit yung ibang students na hindi namin kaklase.
"Malapit lang dito yung bahay namin, walking distance.... gusto mo bang pumunta tayo doon?" Biglang lumiwanag ang mukha niya. Parang nagkaroon ng idea.
"Next time nalang siguro. You know...." I shrugged.
"Okay. Sige next time" nakangiti naman niyang sagot.
Nandito na kami. Imbis na bumaba si Elli sa ground floor na pinuntahan namin kaninang tanghali para sa lauch ay hinila niya ako sa elevator at pinindot ang second floor.
Mabilis naman yun kaya nakita ko agad pag labas namin yung arcade. Maraming tao including yung mga namamasyal maliban sa mga students dito. Dumiretso kami sa coin exchanger para palitan yung papel naming pera to coins.
"Lika dito! Babawi lang ako dito sa bagay na ito dahil natalo ako kahapon ng isang daan!" Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kaniya or ano? Her facial expressions seems so serious and she even pout like a kid while waiting for those coins to fall and touch the coins to fell on the hole in front.
"Gaga ka baka may makakita sayo!" Saway ko sa kaniya dahil sinisipa niya yung box para siguro mahulog yung mga coins. Medyo kinabahan pa ako ng may lumapit na staff para siguro I check yung mga naglalaro. Hindi lang naman ito yung pwedeng paglaruan dito. I'm not really familiar to those other games here basta maraming students na naglalaro dito halos karamihan talaga.
"Ssshhhh....." sabi niya at nag concentrate ulit sa paghulog ng piso. This time may nahulog na at masaya niya itong binilang. "Ano ba ito! Kinse?!"
"Ano ka ba! Wag ka kasing magalit. Malas iyan eh" natatawa kong sabi pero hindi siya sumagot.
"Hanap tayo ng ibang games! Napaka daya kasi nito!" Sabay sipa ng malakas sa nakatayung hulugan. Buti naman at malayo sa amin yung staff kaya safe pa naman kami.
This time sumali na akong maglaro dahil sa claw machine na nasa harap ko!
"Gusto ko nong pink teddy bear....." seryoso kong sabi kahit na wala naman akong kausap dahil seryoso din yung kasama ko sa kabilang claw machine.
Grrrrr.... nangangalay na ako pero lagi lang bumabagsak yung teddy bear!
"Nakakuha kana?" Kahit na obvious naman ay nagtanong pa ako. My usual self...
"Oo hihi" grabe sobrang naka focus pa din siya! "Pag nakuha ko ito ibibigay ko sayo para tag isa tayo kaya wag mo akong istorbohin!"
"Oh edi wow" nakangiti kong sagot. Grabe! Naninigaw pa ah.
YOU ARE READING
My Sweetest Mistake (SKSU SERIES 1)
Teen FictionRich Hazel Cañaveral grew up in a wealthy family. A 19 y/old girl with a pretty face. In her last year in college, their parents decided to transfer her with her brother to the school name "Sultan Kudarat State University" A prestigious school in Su...