New
"Kuya, hindi kana papasok?" Tanong ni Hanz kay Daryl pagkarating namin sa mansion.
"Hindi na Hanz. May gagawin pa ako sa bahay" sabi nito at bahagya pang sumulyap sa'kin.
"Sige. Sa sabado ah! Sasali pa rin ako sa game" sabi ng kapatid ko at nauna na itong pumasok sa loob ng mansion.
Nang kami nalang ay saka ako tumingin sa kaniya. I need to say thank you to him para sa pagsundo at paghatid sa amin.
"Salamat pala sa paghatid at pagsundo" sabi ko. Tumingin lang ito sa'kin pero walang reaksiyon ang mukha. Parang ang daming tanong sa mga mata niya pero nanatili pa rin itong tahimik. "Sige, papasok na ako. Salamat ulit" again. Hindi pa din siya nagsalita. Nagsalita lang siya ng patalikod na ako. I paused and turned to him once again.
"Ako na ang maghahatid sa inyo bukas" he said. Tiningnan ko lang siya at tumango naman kalaunan. Maybe mang Berting can't make it again?.
Pagkapasok ko ay doon palang ako nakahinga ng maluwag. Iniisip ko ko rin ang mga nangyari sa araw na ito ay naiistress na ako.
Gaya ng sabi ni Daryl, siya na ang naghatid at sumundo sa amin. Pero hindi lang ng mga araw na iyon.
Sa nakalipas na dalawang buwan, mas maraming beses pa niya kaming naihatid at nasundo kaysa kay mang Berting. He reason out that he have no work so he's free. Balita ko ay nagtatrabaho siya habang nagte take ng board exam for being a doctor kaya pag free siya ay siya ang nagiging driver namin. 'Tsaka para din raw magawa ng tatay niya yung ibang trabaho niya. His reason is good for me tho' may iba akong feeling. O baka assuming lang talaga ako? Nahahawa na ako kay Elli eh.
"Pwede bang ako na ang maghatid sayo sa inyo?" Si Luke na kanina pa nakasunod sa'kin. Nasa loob kami ng library pero kanina pa siya daldal ng daldal. Mag isa lang akong pumunta dito dahil hindi sumama si Elli. Isa pa sandali lang naman ako dito, kukunin ko lang yung librong kailangan ko para sa mga medical terms na gagamitin ko bukas sa reporting ko.
Simula no'ng nagkausap kami ni Luke, hindi na niya ako tinitigilan sa pangungulit.
"Pwede ba" hinarap ko siya dahil hindi naman siya tumitigil. For Pete's sake! Nasa loob kami ng library! May mga iilang students na kanina pa nakatingin samin. Nadidistract na sila! "May susundo samin. 'Tsaka anong iisipin ng mga tao sa'tin pag ginawa mo yun ha?" Deretsa kung sabi. Elli never failed to remind me about this playboy. tho' siya rin naman ang dahilan kung bakit nagkaroon ito ng pagkakataon na lumapit sa'kin. I mean, no'ng una palang malakas na talaga ang loob nito dahil nagawa pa akong halikan kahit na hindi ko naman siya kilala like, really? Kakakilala palang namin sa isat isa! Kahit hindi formal. Siguro dahil playboy lang talaga siya kaya okay lang na kung sino sinong hinahalikan niya! And that thoughts makes me more angry!
"Wala silang sasabihin. Maybe they will think na nililigawan kita kaya kita ihahatid?" nakangiti niyang sabi. Hinilot ko ang sintindo ko dahil sa sinabi niya.
"Oh? Bakit? Nanliligaw kaba?" Huli na ng narealized ko tanong ko. I saw him pouted. maybe to hide his playful smile! Nang makita na nakatingin ako sa kaniya ay agad siyang nagseryoso.
"Gusto mo ba?" Seryoso pa rin niyang tanong .
"H-hindi" nag iwas ako ng tingin dahil sa tingin mga mata niyang nakatitig. Mas gusto ko pa atang lagi siyang nagloloko kaysa ganitong seryoso siya!
"Liligawan pa rin kita" gulat akong napatingin sa kaniya. What he just said? Siya naman ay nakatingin lang sakin na parang pinag aaralan ang mukha ko at naghihintay ng mga sasabihin ko.
"Bakit?" Sa katangahan ko ay yun lang ang naitanong ko. Anong isasagot ko? 'Oo?' Dapat ba 'Wag?'
"Tinatanong pa ba iyan? Come on... Hazel, isn't it obvious to you?" He said.

YOU ARE READING
My Sweetest Mistake (SKSU SERIES 1)
Novela JuvenilRich Hazel Cañaveral grew up in a wealthy family. A 19 y/old girl with a pretty face. In her last year in college, their parents decided to transfer her with her brother to the school name "Sultan Kudarat State University" A prestigious school in Su...