Chapter 25

5.9K 48 4
                                    

"Lura! Hoy puta, ibabalibag na kita konti na lang."

Nataranta si Lauren nang makita akong umiiyak habang umiinom sa sala. Hinagod niya yung likod ko.

"Sinabi ko na sa 'yong huwag kang iiyak sa akin dahil ganiyan! Pangalawa na ito, gaga ka," napainom na din siya ng alak.

As if, those were just admiration! Binuksan ko 'yung phone ko at tinawagan si Ate Naha. She's currently out of the country and I want to hear some words of wisdom from her. She finally answered the call but I didn't speak at all, that's why Lauren spoke on my behalf.

[Love, it ended?] she softly asked.

Shit! Lalo pa akong umiyak dahil doon. My would she call me that?

I suddenly remembered each time he called me 'Love'. Sumasakit ang ulo ko and I know that if ever he'll call me, babalik ako sa kaniya. I'll give up everything that I have, all that I'm aspiring for... pero mali iyon. It's wrong to go back in his arms after the realization or reality that hit me.

Tinanong niya kung sino ang kasama ko at kung nasaan ako ngayon. [Lauren, pakisuyo na lang ha? Take care of her in my place. I tried to book a flight but it's full, kahit ang may layover.]

We weren't able to communicate as I kept on sobbing with tears. [I'll be back soon, pupuntan kita. Shush... Hush now, I love you.]

I love you too..

Kakauwi ko lang sa condo, kakapunta lang din ni Lauren. Pareho kaming nakatulala at nakatingin sa langit na makikita mula sa sala dahil nakamasid kami sa labas ng balcony. I looked at my friend who looks like grieving or something. "Ako ang nawalan ng boyfriend, bakit mas mukha ka pang malungkot?"

Tinignan niya ako ng masama bago kumuha ng beer sa fridge. "Kulang pa ba? Ito! Laklak mo pati sa baga mo para wala ka nang sasabihin tungkol sa akin."

Mahina akong natawa at uminom. I know that I won't forget what happened even after drinking all the freaking liquor. It was raining so hard when someone rang the bell. Si Lau ang nagbukas noon.

Namataan ko si Mae. Nagulat ako sa itsura niya pero mukha siyang pinagbagsakan ng langit at lupa nang makita ako. My friend was crying. She's drenched. The water is dripping from her hair, even from her clothes. Tatayo na sana ako nang lumapit siya para yumakap.

"Nandito lang ako.. Maglabas ka na ng sama ng loob, puwede na."

I cried because of her words. Even with the coldness that came from her body, I felt warm.

Binigyan ni Lau ng tuwalya si Mae. Nagpalit muna ang kaibigan ko ng damit bago ako sinamahan muli. She sat beside me even though I was drinking alcohol and smelled like it. I laid my head on her thigh as I cried.

"Gaga! Ayos lang 'yan, bawi ka next life," saad ni Lauren.

Kahit humihikbi, nagawa ko pang magsalita. "Bwisit ka.."

Lau laughed at me before grabbing a can of beer and opening it. "Pero seryoso, Lura. Kaya mo 'yan. Kaya mo lahat ng binabato sa 'yo ng mundo na pasakit. Cheers!"

Mae looked at her. "Lasing na 'to. Pakiligpit na lang 'yung mga alak."

"Ay gano'n? Ako gusto ko pa uminom. Magsesenti muna ako."

That night, I slept with Mae beside me. She assisted me with all my needs and whims. Naabutan ko pa siya kinabukasan at nagluto ng soup para sa hangover ko. I told her that I can manage, kailangan ko rin pumasok kaya hinatid pa niya ako sa UST bago siya pumunta sa trabaho.

When I got back to my condo in the afternoon, I saw my parents in the living room. Mama immediately stood up upon seeing me, giving me a hug.

When I got back to my condo in the afternoon, I saw my parents in the living room. Mama immediately stood up upon seeing me, giving me a hug.

Sundered by Time (Manila Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon