Chapter 9

9K 102 29
                                    

We just went there for a weekend and came back at five in the morning. Tulog naman ako buong byahe kaya lang, mahigit dalawang oras lang iyon. Naubos ang pulbo dahil tinaktak iyon ni Ate and I cried severely that night. We were a mess, that's why we experienced humiliation the morning after that.

Hinatid ako ng mga pinsan sa condo. Binuksan ko ang phone at doon ko lang nakita ang isang text. Mama messaged me last night that the man turned out to be someone who planted a bomb in the hotel, which was immediately disarmed. Gusto daw nitong magnakaw. Magnanakaw na lang, maninira pa ng hotel. Mabuti na lang nakaalis na kami pagkatapos nun.

Umupo ako sa sofa dahil sa antok nang may pumasok sa condo na isang kaibigan. The lights are dim and my arm is above my forehead, covering my eyes.

"Sabi mo mamaya ka pang gabi?" Lauren curiously asked nang makauwi siya galing sa kung saan dahil sa trabaho.

Minsan ko na lang siya maabutan sa condo, madalas pa may ginagawa o tulog and I understand. Kailangan niya iyon, gusto naman niya, sabi niya.

I did tell them that I'll go home late at night. I didn't respond and went immediately inside my room after eating some breakfast. Nakatulog ako at pagkagising, nagkakanda-ugaga akong mag-isa dahil second class ko na, nandito pa ako sa condo. Isang oras din akong na late, bakit? Hindi ko mahanap yung cellphone ko at kakagising ko lang din pero nakailang tawag pala sa akin si Naths na nasa campus na ngayon.

Naligo ako agad at pangatlong klase na ang naabutan. I opened the door after knocking on it. I stood there like a lost puppy before the whole class gave me their attention.

"Sorry Sir, I'm late."

He cleared his throat. "Have a sit. Get a piece of paper and answer the questions that I will dictate."

Nagkatinginan muna kaming dalawa ni Vera bago ako ako umupo sa tabi niya. Nilapag ko agad ang bag at kinuha ang sweater mula sa loob dahil malamig.

"Nakapag review ka?" I asked Vera if ever na ako lang ang hindi.

"Hindi, ikaw malamang nag review."

'Yun oh! May kadamay ako, hindi kami nag review pero hindi rin kami puwedeng bumagsak. Natapos ang quiz at confident ako sa sagot ko, dagdag pa na naipasa ko na lahat ng pending requirement ko pero hindi ako nakatulog last week dahil doon!

Pumunta ako sa court pagkatapos ng last class. Nagpalit ako agad at sumabay para sa training. Bumwelo ako para pumalo. Maaga akong nandito sa court at nilalabas ko ang lakas ko sa bola. Buti na lang ay naka-finger tape ako.

"One, two palo!" sambit ko sa sarili at binalanse ang sarili nang nakatapak ako sa sahig para hindi ako matumba. Nagpapractice ako nito dahil puwede akong maging substitute lalo na kapag ang ibang player ay wala sa line-up ng set.

Nakita ko si Vera sa gilid. Nauna kasi ako dito dahil kailangan ko rin humabol sa training nila. "Ang aga mo pumunta? Samahan mo ako sa C.R," aniya.

Uminom ako ng tubig at sumama sa kaniya. Pinunasan ko ang sariling pawis bago kami lumabas ng court. Inantay ko lang siya labas ng C.R at bumalik rin kami agad.

Sinabi ko sa kaniya na papalo ako kaya tumayo siya sa gilid. "Sa lagay mong 'yan, baka masalpukan mo ng bola sa mukha ang kalaro mo."

She tossed me the ball and I hit it hard. The sound echoed in the court and we saw our teammates enter, including our head coach. Pumalakpak si Cap at lumapit para mag toss ng bola na agad ko rin naman na pinalo.

"Palo kung palo, pero huwag mong ibigay lahat. Baka wala nang matira sayo sa susunod laro at mapagod ka," makahulugang sambit ni Gwen. Binati ko siya gamit ang kilay na binawian niya ng ngiti.

Sundered by Time (Manila Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon