"Tita, nandito na po siya!"
Kakagaling ko lang sa Thailand dahil sa training. Sinundo ako ni Levi sa airport at dito dumeretso. Maririnig sa taas ang sigaw ni Ate Tina nang pagbuksan niya kami ng main door. Bumisita pala siya ngayon dito sa bahay galing sa probinsya. Agad kaming pumasok at nakita si Mama na naka pang bahay.
"Himala Ma? Wala kang pasok?"
She rolled her eyes before kissing my cheeks. "Mukha ba akong papasok? It's Saturday, anak. Give me time to rest. Hindi ko mabilang pasyente ko mula Lunes hanggang kahapon."
Kung dati, magrereklamo kapag walang pasyente. Tapos ngayon magrereklamo kapag dinagsa. Oh well! She loves her job.
Nilingon niya ang kasama ko. "Nakabingwit ka? Kayo na?" tanong niya nang nakita si Levi. Kinurot niya ako sa singit kaya napahawak ako dito.
Putek. Kakadampi lang labi dito ni Levi kanina, siya ngayon hahawak?
"Inagawan ka ni Mama ng hahawakan," bulong ko sa katabi.
He blushed a little while his eyes widened in defense at nagmano kay Mama. "Levi po."
"I know. Pagtiisan mo na lang 'yang anak ko, minsan talaga kinulang sa turnilyo ang utak, minsan sa buwan."
"Hindi 'yan nagmamano," dagdag pa niya.
Since then, hindi ako nagma mano kela Papa. Kela Mommy at Daddy lang na wala na. They didn't want me to, mukha daw matanda si Mama kapag ginawa mismo ng anak niya sa kaniya.
"Ma.."
Nakatanggap ako ng batok kaya nakarinig ako ng halakhak sa gilid. "Nawawala ka na namang bata ka," she uttered.
"Si Papa?"
"Hanapin mo."
Sagot niya sa akin at nakipag-usap na kay Levi. Tinawagan ko si Papa pero hindi sumasagot. Busy siguro sa duty. Kumuha ako ng chocolate bars at binigyan sila Levi at Mama pati si Ate Tina.
"Si Kuya James?"
"Kasama ng Papa mo."
Luh, ano 'yun? Pulis na din siya?
Nag-usap lang sila at seryoso na. Tinanong ni Mama ang tungkol sa pamilya niya kahit kilala na niya ang mga iyon. She even asked how he treats his own mother and sister.
"Puwede ko po ba i-sama si Lura sa Milan?" he asked.
Sinabi ko kasi kay Levi na ipaalam na lang niya ako, baka sabihin ni Mama na ako ang nag imbita sa sarili ko para pumunta doon, hindi naman ganoon kakapal ang mukha ko.
Nagtataka niya kaming tinignan. "Kailan? Sino ang nandoon? Mommy mo?"
"Side po ng Mommy ko pero dito na po siya tumira mula nang kinasal." Tumango ang nanay ko doon. "Tanungin ko lang ang Papa niya, pag-isipan ko din."
Nagpaalam na siya na umalis kaya hinatid ko sa labas ng bahay at naiwan si Mama sa kusina. I went back to the kitchen to cook for our dinner then walked up to my room to change my clothes. Although uuwi din ako sa condo mamaya, nagbihis na ako para hindi na ako magpapalit pag-uwi.
I put my phone in my bag at bumaba para kumain. Nag-uusap lang sila Papa tungkol sa pag-alis ko. They were serious when Mama told me to go to Manila because it's already late, not until they noticed that I have a runny nose.
Papa stood up and looked for something from the ref. Even though he won't ask us where the lemon is, we know that it's what he needs. I saw how Mama stole a glance at me with her brows raised.
"Konting sipon lang, ganiyan na Papa mo. Alam mo ba na nag-alala 'yan ng sobra nang barilin kayo ng pinsan mo?"
Ngumiti lang ako. "Sinong hindi? Pero doon ko lang nakitang galit na galit 'yan. Ilang beses na pala," biglang bawi niya.
BINABASA MO ANG
Sundered by Time (Manila Series #1)
Любовные романыMANILA SERIES #1 Everyone is allured by Allura Lacsamana, a family-oriented woman known for being playful with boys. Her life was filled with people of affection. She was under the spotlight of her own passion and current events, however it change...