Chapter 34

6.2K 53 9
                                    

"Ma'am, hindi pa po kayo uuwi?"

I got my bag and held his shoulders because it's getting on my way to the door. "Gusto niyo ng dinner?"

Nilock ko ang office at naglakad hinarap ang tatlo. "Ay hala! Kakatapos niyo lang po kami ilibre last week."

Ngumiti ako sa kaniya at nagulat nang may inabot siya. "Bigay po ng isang staff, pinaint niya kayo habang suot niyo ang damit na ginamit mo sa SONA."

Tinignan ko iyon at naglakad pabalik ng table ko. Pinunit ko ang papel sa ibabaw ng painting at nakita ang sarili na nakasuot ng filipiniana. I unconsciously smiled and carried the large painting while walking out my office when my secretaries helped me with it.

May mga reporter at camera man na naghihintay sa labas ng opisina ng kagawaran. Lumapit ako sa isang secretary at sinabi ang salitang 'Mayor'.

"Ma'am! Madami po ang nagrereklamo tungkol sa sakit ng mga bata ngayon dito sa Manila. Nababahala na po ang mga magulang dahil dito."

Anong Mayor dito?

In-adjust ko nang maayos ang baril sa loob ng coat. I don't even know why I brought this with me. "Magbibigay pa lang kami ng anunsyo bukas, inaantay lang namin ang kumpletong data ng mga naapektuhan sa sakit. Ang Usec mismo ang magsasalita bukas at magbabalita tungkol dito, tapos na namin pag-usapan ang gagawin at plano kasama ang Alkalde."

Tinawagan lang namin siya kanina at wala naman siyang nakikitang problema sa gagawin. Nilapit pa ng mga reporter ang mic sa akin kaya natigilan ako. May isa roon na malapit na nilang ipasubo sa akin. Tinignan ko ang babae at nakita ang kaibigan.

"Mabubusog ata ako dito sa sinusubo niyo," nagtawanan sila at bahagyang nilayo ang mga iyon.

Ngumisi si Mae bago magsalita. "May mga nagsasabi po na madalas daw kayong magkita ng Alkalde sa City Hall. Ano po ang masasabi niyo?" Pumupunta lang naman ako doon sa iisang rason, trabaho.

Iyon ay noong bago pa nangyari ang lahat ng ito.

"Sir, pakikuha po sila ng mga upuan. Showbiz talk ata ang nagaganap," panloloko ko matapos tawagin ang secretary.

"Trabaho lamang iyon. Huwag kayong ma-issue. Next."

Mae raised her hand, so I called the station that she's working in. "Sinabi ni Sec. Morales na hindi raw laging accurate ang funds at data ng ginagastos ng DOH. Lumalabas dito na binulsa ang ilang bilyong piso," naiiling niyang saad pero hindi pinahalata na dismayado rin sa sariling tanong.

I understand. May kompetensya sa media sa kung sino ang may pinakamalutong na tanong. Nginitian ko siya, sila.

Bahagya pa akong natawa roon. "Hindi ako nagsasalita sa media sa mga ganitong usapin, pero siya mismo ang nagpapahiya sa sarili niya. For transparency and as my responsibility, ipinapasa ko naman ang SALN. Wala namang pahayag ang Civil Service Commission tungkol doon hanggang ngayon."

"Kung may nais man siyang idiin na kaso laban sa akin, mas mabuti pang idaan na lang sa korte." I smiled. "Next question."

Wala naman akong tinatago. Ang mga gamit na nakikita nila sa akin ay pinaghirapan ko. Kung hindi ako, matagal nang nasa walk-in ko ang mga iyon ang niregalo o binibigay. Ang pera sa banko ay mula sa shares ang halos lahat, ang ilan ay mula sa trabaho tuwing sabado't linggo kung saan nag resign na ako.

Most of my spendings is from the shares of the hospitals and clinics. Wala pa akong ari-arian na nabibili maliban sa dalawang sasakyan, kaya naiipon ang pera ko. Ang investment ko naman ay insurance at shares, doon at sa monthly expenses lang ako halos bumibili at naglalabas ng pera.

Sundered by Time (Manila Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon