Chapter 22

5.4K 49 1
                                    

"Maglalaro ka ba?"

Umiling lang siya habang pinapanood yung mga tao sa covered court na malapit sa bahay nila. "Ayoko"

"Sus, hindi ka ba marunong?" Tinignan niya ako ng masama at ngumisi.

"I know how to play with that ball, Lura."

My forehead creased. "Hindi, ganito na lang." Lumapit ako sa kaniya para bumulong. "Susuhulan ko 'yung referee tapos ipasa mo lang nang ipasa 'yung bola."

Narinig kong tumawa si Nathalie sa likod ko kaya agad akong napalingon dito. I'm pretty serious! But if he plays well, I won't do it. Well, wala din naman aking balak gawin, but I'm showing them that I'm serious and they just laugh at me.

"Oh hell no!" Sigaw ng isang player sa gilid namin nang matambakan sila.

"Sige na, maglaro ka na. Kapag napilayan ka, kami na bahala," ani Naths at umakbay sa akin. Inalis ko 'yung braso niya sa akin at lumayo ng konti.

"Dinamay mo pa 'ko!"

"Magbibihis lang ako," ani Levi at hinalikan ako sa noo bago lumabas ng court. He went in the car and that's where he changed his clothes.

Inantay namin siyang bumalik habang pinapanood ang iba na naglalaro. Hindi nagtagal, kinausap niya 'yung isa sa mga players habang nakasuot na ng jersey, with his surname at the back. I don't know where he got it, though. He didn't play during college, even now.

"Go babe!" walang hiya kong sigaw habang nakatayo at winawagayway ang bimpo.

Umupo ako para ayusin ang tube top kong bumababa. Karamihan ng nanonood, mga lalaki. Dinribble ni Levi ang bola habang naglalakad.

Pumwesto siya sa gilid at naka tres.

"Whoo! Tangina!" natatawang sigaw ni Naths.

Parang kanina lang bago sumali si Levi, wala siyang ginawa kung hindi i-bash ang kapatid.

"Para daw sa 'yo Lura!" she shouted like a high school student who's sitting on the bench!

Naka puwesto sila ngayon para sa free throw niya at hindi na shoot dahil na-block ito. Binatukan ko ang katabi.

"Gaga!" saad ko kay Naths bago humarap muli sa court. "Go Levs!"

Nakita ko siyang napangisi nang tumingin sa gawi namin at tumawa ng bahagya. He communicated with his team using his eyes.

Tres

Tres

Uno

Naexcite ako sa pinapanood ko. Wala lang, mukha kasi siyang naliligaw. May kambal kasi na player, 'yung isa kakampi niya. Nagtagal ng kalahating oras ang laro at nakita ko siyang pinupunasan ang pawis habang tumatakbo sa gitna ng court. Pinasa niya ang bola sa kakampi.

Pumuwesto ang boyfriend ko sa three point line at naka shoot. He's good! I didn't expect him to be this good. Baller naman po pala.

Makikipaglaro pa sana siya pero tumawag sila Mommy na kailangan na naming umalis. Siya na lang ang naligo pagkauwi habang nilalagay namin ang gamit sa kotse. We experienced sitting in the business class with his family and parted ways as soon as we got out of the airport.

It's been months mula nang umuwi kami galing sa Italy, nothing much happened. It's just like a vacation.

Second semester started at hindi kami masyadong nakakapagusap ni Levi this past few months. Inintindi ko na lang iyon dahil pareho kaming busy at may priorities din kami. Pinag-usapan na namin 'yun dati at 'yun ang lagi kong inaalala. Late replies are not a big deal to us, we're both busy achieving our goals. I feel like we matured in a short period of time as a couple.

Sundered by Time (Manila Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon