Chapter Four
Alam niyo ba yung feeling na sobra kang na-iinsecure sa sarili mo? Kasi, isa ka din sa mga tangang umaasang pag-gumanda ka mapapansin ka nila?
Kung isa ka sa mga iyon...
Apir! Pareho tayo.
"Bakla ang dami mo ng pimples." Napataas ang aking kilay sa sinabi ni Arnes— Anias.
"Pinakialaman ka ba ng tagihawat ko?"
"Ha? Hindi naman."
"Oh, eh 'di huwag mo din pakialaman." Sarkastiko kong ano bago itinuloy ang panonood ng mga funny moments sa aking cellphone.
"Aruy! Nagagalit ka naman agad. Bakit ka highblood? Akala ko ba funny moments pinapanood mo? Dapat happy ka din!" Hindi ko siya pinansin. Patuloy lang ako sa aking panonood.
Patuloy lamang ako sa panonood, habang siya ay patuloy sa pagdaldal, hindi na lamang akong nag-abalang pakinggan pa ang kaniyang mga sinasabi.
"Hala, sino 'yang ate ghorl na 'yan ang ganda?" Napataas naman ang aking kilay ng nagsalita siya.
"Ideal lady niya."
"Niyang idol mo?"
"Oo..."
"Nako! Ang ganda pala."
Tumango ako, maganda naman talaga. "Sinabi mo pa."
"Tapos gusto siyang mapangasawa?"
"Sino?"
"Yung Idol mo."
"Pakialam mo?"
"Ang ganda no'ng ideal lady tapos ikaw tagihawat na lang 'di mo pa maalis." Ani niya at tumawa.
Alam kong biro lang 'yon. Ngunit hindi ko maiwasang masaktan sa katotohanang. May punto at tama siya sa kaniyang sinabi.
BINABASA MO ANG
A FanGirl's Point of View☑
Teen FictionAno nga ba ang buhay ng isang FanGirl, tuklasin kasama si Elle. Ps: Short Chapters