Chapter One
"OMYGOSH!" Sigaw ko dahil sa sobrang kilig.
Napakagat ako sa aking labi ng makita ko ang kanilang mga nagsisi-gwapuhang mukha, isama mo na ang kanta nilang puno ng aral at kasiyahan.
"Ano ba 'yan, Elle? Ang ingay mo nanaman!" Suway sa akin ni Nanay.
Napa-buntong hininga na lamang ako.
"Hinaan mo naman 'yan!" Muli niyang bukyaw, tuluyan ng nalaglag ang aking mga balikat.
Bibihira na nga lang mag-saya tapos may hahadlang pa.
Para hindi na kami mag-away pa ng aking nanay ay agad kong sinunod ang kaniyang sinabi. Hininaan ko ito at tumitili na lamang sa aking kaloob-looban.
Nang matapos ang illegal concert ko ay pawis na pawis ako sa sobra kakatili.
Nag-check ako sa aking twitter umaasang may ibang link pa para sa illegal concerts.
Napakagat ako sa aking labi, nang nakita kong may isa pa. Pilit kong itinatago sa aking sarili ang kilig.
Nang matapos ang online concerts ay halos mahimatay ako sa kilig, hindi ko inaasahang makaka-attend ako ng concert. Tapos illegal pa! Huh! Sinong papasend ng link?
"Ate," pag-tawag sa akin ng aking kapatid habang sabay-sabay kaming nakain ng umagahan.
"Oh?"
"May concert daw yung idol mong taga-thailand ah?" Agad akong na-alarma at napatingin sa kaniya.
"Totoo?"
"Oo, pupunta nga 'yong isa kong kaklase eh."
Nalaglag ang aking panga, "Sa thailand?" Hindi ko makapaniwalang tanong.
Tumango ito, "Oo, nagpaalam na nga sa mga teacher eh. Bukas na ang biyahe." Napanganga ako aa aking nalaman.
"Sabihin mo, kahit isingit na lang nila ako sa bag." Ani ko.
"Hala, baliw." Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ano bang gusto mo sa mga Koreano at taga-Thailand?" Tanong niya. Inirapan ko siya bago plastik na ngumiti.
"Hindi mo malalaman. Subukan mo kaya, para malaman mo?" Nakangisi kong sagot.
Hinihintay ko lamang din naman siya na ma-hook sa mga ganoon den ih! Para may kasama ako sa kabaliwan ko dito sa bahay. Hindi 'yong ako lang ang iirit mag-isa.
"Huwag na lang, baka sabunutan mo ako at sabihin mong aagawa kita ng bias."
Ngumiti ako at tinapik siya sa kaniyang balikat, "Buti alam mo."
"Alam ko talaga! Mamaya baka tayo'y umabot sa Tulfo o kaya naman sa balita o sa facebook! Tapos ang caption, 'Magkapatid, nagsabunutan matapos malaman na magkaparehas sila ng bias'."
Malakas akong natawa sa kalokohan ng aking kapatid.
BINABASA MO ANG
A FanGirl's Point of View☑
Fiksi RemajaAno nga ba ang buhay ng isang FanGirl, tuklasin kasama si Elle. Ps: Short Chapters