Chapter 10

3 1 0
                                    

Chapter Ten

Hindi na nakakapagtaka na dadating tayo sa puntong kusa na tayong mag-ma-matured, hindi lang bilang isang bata o tao. Kung hindi bilang isang fan na din.

"Bakla! Himala at hindi ka na full storage?" Tipid lamang akong ngumiti.

"Bakla ka! Namimiss ko yung pag-irap mo sa akin." Ani niya at hinampas ako.

Mahina naman aking natawa at nailing. Nasa kolehiyo na kami, madami ng nagbago. Madami na din ang mga responsibilidad.

"Tingin nga ng gallery mo!" Ani niya, inabot ko ang aking cellphone.

"Hala, himala at nasa 500 na lang pictures mo. Hindi mo na sila like?" Ani niya.

Natawa naman ako bago umiling, "Hindi naman porque nabawasan ang litrato sa aking gallery ay hindi ko na sila like?"

Napaisip naman siya, "Oo, puwede iyon. Diba sa mga mag-jowa pag nag-break nagdedelete ng pictures kase ayaw na?" Ani niya.

Natawa naman ako sa kaniyang iniisip.

"Iba ang jowa sa idol. Ang jowa, pansamantagal lang iyan. Ang idolo, pang-habang buhay 'yan tatak sa'yo. Ang jowa malaki ang tiyansa na iwan ka, ang idolo... kahit anong gawin mo hindi ka iiwan—"

"Syempre hindi ka naman kilala eh, paano ka iiwan?"

Bastos!

Agad ko siyang binatukan. "Bastusan? Huwag kang maki-epal nagsasalita ako. Be matured enough."

Kinunotan niya lamang ako ng noo.

"Basta, ganoon...iba pa din yung love na nakukuha mo at ibinibigay mo sa mga iniidolo mo kaysa sa jowa mo. Sa totoo lang, mas masarap maging fan kaysa maging girlfriend."

"Ang dami mong sinabi, ang tanong ko lang naman kung bakit ka nag-delete?"

Natawa ako, "Wala...naisip ko lang na... ang cellphone puwedeng masira at ma-restart." I paused.

"Pero yung memories sa puso at isip mo? Nah, hindi puwedeng masira, mapaltan o marestart." Nakangiti kong ani.

"Ang taray ah? Nag matured ka na ba talaga? Ikaw pa din na si Elle Loris? Yung iiyak kapag hindi nakapanood ng illegal concert? Yung uunahin ang mga funny moments bago ang modules? Yung mababaliw sa academics pero push na push sa pag buo ng theory about sa series o music videos?" Hinampas ko siya dahil sa kaniyang sinabi.

Natutunan ko lang na hindi nababase ang pagiging fan mo kung madami kang albums, kumpleto ka ng lightstick, nakaka-attend ka ng concerts, kung madami kang pictures nila, kung lahat ng kanta nila ay alam mo, at higit sa lahat kung lagi kang updated ukol sa kanila.

Nasa'yo naman iyon eh...madaming klase ng fans.

Una, iyong kumpleto sa mga merch.

Pangalawa, yung laging active.

Pangatlo, yung tahimik lang.

Pang-apat, yung matured na.

Sa tingin ko, tatapat ako doon sa matured na.

As long as alam mong mahal mo sila at nararamdaman mong masaya ka na pinapanood mo sila at sinusuportahan mo sila.

At ang pinaka-importante ay hindi ka nag-hahamon ng away sa ibang fandom.

You can Consider yourself as a fan.

Hindi mo kailangan ng approval ng iba o approval ng idols mo para maging fan ka.

Basta alam mo sa sarili mong mahal at suportado mo sila. Hindi mo kailangan ng lightstick, merch or concert tickets para mapatunayan mong totoo kang fan.

Respect them and the other artist, respect your co-fans and the other fandoms. Sa ganoon pa lang, matatawag mo na ang sarilli mong matured fan.

A FanGirl's Point of View☑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon