Chapter 08

3 1 0
                                    

Chapter Eight

Hindi ko alam kung tama ko bang maramdaman ang pagiging down once na binatikos nila ang ini-idolo mo. Normal pa ba ako?

"Ikaw eh, adik na adik diyan! Umayos ka nga, wala namang naututulong iyan saiyo!" Sigaw ni nanay.

Napakagat ako sa aking labi, at napahawak sa laylayan ng aking damit.

"Eh kasi—"

"Aba'y huwag ka ng sumagot! Totoo naman ang sinasabi ko, at saka wala ka namang naiintindihan! Nood ka ng nood." Napangiwi ako sa lakas ng boses nito.

"Nay, maririnig ka sa kapit-bahay." Bulong kong saad.

"Aba eh bahala sila! Bakit pag sila ba ang ang-iingay tayo'y nagreklamo?! Minsan nga ang laswa pa ng ingay nila!" Mas napapikit ako dahil ako na mismo ang nahihiya sa kaniyang sinabi.

"Nay naman—"

"Ika'y tigil-tigilan mo na iyang mga kahibangan mo ah! Tsaka yung sinabi sa akin ng kapatid mo... ano nga ulit iyon? Anong tawag doon Mykel?!"

Biglang sumulpot ang kapatid ko sa kawalan. "BL po 'nay."

"Ayon! BL, iyon pala eh mga naghahalikan na lalaki!" Napangiwi ako.

"Hindi naman sa ganoo—"

"Ikaw ay manahimik! Bakit ka nanonood niyon? May problema ka ba sa kasarian mo?" Natigilan ako at hindi na lamang sumagot.

"Tsaka yung mga koreano mo! Nako...sabi ng mga kumare ko eh mga retoke naman ang mga iyon!"

Sa sinabi ni inay na ganoon ay na-apektuhan ang aking mood.

Tama ba na batikusin nila ang iniidolo ko?

Hindi lang basta idolo, kung hindi ang mga taong patuloy na nagbibigay inspirasyon sa akin.

Ang mga taong sinalba ako mula sa mundong masakit. Ang mga taong kada-ngiti nila, nakakapag-paalis ng lungkot.

Ang mga tao slash idolo kong, patuloy akong nililigtas...hindi man pisikal, malaki naman ang tulong sa emosyonal.

Ang mga idolo kong nililigtas ako...ng emosyonal.

A FanGirl's Point of View☑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon