Chapter Nine
Patuloy lang ako sa pag s-scroll sa aking gallery. Hindi ko maiwasang matawa sa bawat nakikita kong mga epic pictures.
Napansin ko din ma almost 3k na ang mga litrato nila doon.
Napangiti ako sa kaisapang, kahit gaano na ako ka full storage hindi ko maiwasang magbura ng kanilang larawan.
Pag binura ko ang kanilang mga larawan, para bang nakipag-divorce na ako sa kanila.
Joke! Hindi pa nga kami, divorce na agad.
Hindi ko maiwasang mapa-isip.
Siguro kung nasa iisang bansa kami...baka nagkita kami.
Napangiti ako sa sarili kong kahibangan.
Ayan, Elle. Imagine pa. Imagination ko petmalu.
Kada-scroll ko ay mga memoryang masarap ala-lahanin.
Katulad ng kung paano ko sila sinuportahan mula una, kung paano sila umiyak sa harap ng entablado. Kung gaano kahirap ang pinag-daanan nila. At madami pang karanasan.
At ang pinaka-masayang parte? Ang isa ako sa mga nakasaksi niyon.
Hindi man sa personal, masaya ako...na kahit sa harap ng telebisyon o cellphone. Nasasaksihan ko bawat hakbang nila upang matupad ang kanilang mga mithiin.
Isang fan man ako, alam ko man ang totoo sa kanila o hindi. Masaya pa din ako na nakilala ko sila...
Ngunit alam niyo ang pinaka-malungkot na parte? Yung alam mo sa sarili mong...
Fan ka lang, at hindi ka na lalampas pa doon.
BINABASA MO ANG
A FanGirl's Point of View☑
Novela JuvenilAno nga ba ang buhay ng isang FanGirl, tuklasin kasama si Elle. Ps: Short Chapters