Chapter Five
Naranasan niyo na bang umiyak dahil sa kaalamang isang araw magkakaroon na din sila ng kaniya-kaniyang buhay?
Kung Oo...
Edi, Apir ulit!
"Hoy Bakla! Balita ko eh, may aalis daw doon sa grupo no'ng minahamahal mong banda." Napairap na lang ako sa pagiging likas na chimosa—so... ni Arnesto.
"Paano mo naman nalaman?"
Hindi siya sumagot, pinakatitigan niya ako. "Hala! Bakla! Umiyak ka!" Irit niya.
Agad kong tinakpan ang kaniyang bibig.
"Shit ka naman talaga. Ang ingay mo!" Suway ko at tinampal siya sa bibig.
"Aray." Reklamo niya.
"Huwag ka kasing maingay." Sinamaan ko siya ng tingin.
"Hala siya...sigurado akong nakita na iyan ng buong baranggay! Sa sobrang paga baga naman ng iyong mata eh." Ani niya at itinuro pa ang mga mata kong paga nga.
Hindi ako sumagot.
"Ano bang iniyakan mo?"
Napanguso ako, at hindi sumagot.
"Bakla, kung ako sa'yo ay sasagot ako kaysa mag-ngunguso-nguso ka diyan. Mukha ka namang bibe."
Napataas ako ng tingin at binatukan siya. "Panira ka din ng moment eh ano?"
"Ay, nagmo-moment ka pala." Pang-aasar niya.
Inirapan ko siya, "Eh diba binalita mo sa akin kanina yung tungkol sa pagdidisband nila? Ayon...iniyakan ko 'yon." Saad ko at tumungo.
Tuwing naalala ko yung speech nila. Talagang hindi ko maiwsang maging emosyonal.
Narinig ko ang malakas na pagtawa, pag-angat ko ng tingin ay nakita ko siyang nakalupagi na sa kalsada at nakahawak sa tiyan kakatawa.
"Problema mo?" Sabi ko.
"Eh kasi naman! Mag didisband lang naman, ganiyan ka na! Ano pa kaya pag nag-asawa na sila."
Sinamaan ko siya ng tingin at iniwan.
Kahit kailan hindi mo mararamdaman ang nararamdaman ko, hangga't hindi mo nahahanap ang taong iidolohin mo hanggang sa dulo.
BINABASA MO ANG
A FanGirl's Point of View☑
Teen FictionAno nga ba ang buhay ng isang FanGirl, tuklasin kasama si Elle. Ps: Short Chapters