Makalipas ng Isang Buwan..
Allyza's POV
"Aughhh.."suka ko ngayon sa lababo ng C.R namin.Isang araw pa ako ganito eh.Suka ng suka pero wala naman akong sinusuka tapos nahihilo pa ako.Nagpaapointment na kami kay Doc atsaka pinacheck up na namin.Ngayon na namin kukunin iyon kasi sinabay lang namin sa Pagkuha rin namin ng resulta para sa mata ko.
"Wifey,Are you okay?"tanong sa akin ng mister ko.
"Sa tingin mo okay ako!"sigaw ko sa kanya.Isa rin to sa iniinda ko,Nagiging Moody ako.
"Nagtatanong lang naman pero magbihis ka na,Where going to Hospital na..."tumayo ako at hinawakan si Justine.Inalalayan nya akong maglakad dahil baka matumba ako,Bulag na nga ako Matutumba pa ako.Inalalayan nya akong magbihis kasi nakita nya naman katawan ko tapos ako hindi ko pa nakikita ang katawan nya!Pakshet.
"Wifey,Ano ang iniisip mo?Parang tulala ka?"tanong nya kaya umiling lang ako.
Pagkatapos kong magbihis ay hinanap ko na agad ang pangkapa ko.Kinapa ko ng kinapa ang kama kaya nahanap ko iyon.Tumayo ako at nagsimulang maglakad papuntang pinto.Kahit papaano ay natatandaan ko na ang paglalakad ng walang umaalalay sa akin,Nagpractice kasi ako para hindi na mag-alala sa akin si Justine kapag may trabaho sya.Nakabisado ko na rin ang daanan papuntang school tapos pabalik rito para kapag may anak na kami ni Justine ay ako na ang maghahatid.
Nang makababa na ako ay umupo muna ako sa hagdan upang hintayin si Justine.
"Sabi ni Justine,Ngayon nyo kukunin yung resulta ng test mo sa mata?"tanong ni Mama Jazel.
"Opo,Ngayon na namin kukunin ni Justine yung Resulta.Sana maganda ang kalabasan."sabi ko.
"Sana nga,Para kapag nagkaanak na kayo ni Justine ay hindi na kayo mahirapan."sana nga po,Magdilang-Anghel kayo.Gusto ko nang makita ang mundong ito.Natatakot ako kapag nakikita ko ay puro itim dahil parang kinukuha ako ng kadiliman.Narinig ko ang pagbaba kaya tumayo na ako.
"Let's Go Wifey.Ma,Alis na kami."paalam ni Justine.
"Mag-ingat kayong dalawa,Gusto ko pang magkaapo."natawa si Justine sa sinabi ni Mama Jazel.
"Huwag po kayong mag-alala,Bago mangyari iyon ay makakakita muna sya."hinawakan ko si Justine sa kamay.
"Halika na..."sabi ko.
Inalalayan nya ako pero tumanggi ako.Gusto ko kasing masanay akong mag-isa.Parang baldado ako kapag ganoon.Habang nangangapa ako ay bigla akong nauntog.
"Akala mo naman,Kaya nya.Yun pala mauuntog lang."nangaasar na sabi ni Justine.Hinawakan nya ang kamay ko ay naramdaman ko ang pagbukas ng kotse.May halong kaba at saya sa nararamdaman ko.Kaba dahil baka hindi ako makakita at Saya dahil di ko alam.
Hospital
Justine's POV"Wifey,Huwag ng mapilit.Nauntog ka na nga kanina tapos gusto mong maglakad mag-isa."
"Pakialam mo ba!"sigaw nya.Nagtatalo kami ngayon sa harap ng hospital dahil gusto daw nyang sya ang maglakad ng mag-isa.Eh nauntog na nga sya eh...
"Please,Sundin mo naman ako."pagmamakaawa ko.Sa mga kinikilos nya ay parang gusto kong sabihin na buntis sya pero hindi naman ako doktor para malaman iyon.
Sa pagtatalo namin ay nakaabot na kami sa loob ng hospital kaya pinagtitinginan na kami.
"Wifey,Please sundin mo ako.Pinagtitinginan na tayo Oh.."bulong ko kaya napahawak sya sa kamay ko.
Naglalakad kami para makapunta na kami sa room ng Opthalmology.Nang marating namin iyon ay binuksan ko na ang pintuan.Pinauna ko na si Allyza para hindi sya mahirapan.
"GoodMorning Doktora!"bati ko kaya napatingin sa akin si Doktora.Mukhang .ay gusto sa akin ang doktorang ito ah.
"GoodMorning to you Mr.Del Rosario....G-good Morning Mrs.Del Rosario."nauutal pa ang doktora sa pagsabi ng apelyedo ng asawa ko.
Pinaupo ko na si Allyza sa upuan tapos umupo na rin ako.
"So,Doc...Kamusta naman yung resulta ng tinest nyo sa asawa ko?"pagbabasag ko sa tingin ni Doktora sa akin.Doc,May asawa na ako!May pumasok na isang Doctor kaya nacurious ako.
"Mr.Del Rosario,Sya si Doktora Belle Castillo,Isang Obygyne.Kasama ko sya dahil may announcement din sya para sa inyo."obygyne?Ay oo nga pala!Sya tinawagan ko para sa check-up ni Allyza.
"Goodmorning Mr.&Mrs.Del Rosario!I'm here to announce a good news!"maligayang sabi ni Doc.Hyper sya ngayon,Mamaya nakasimangot na iyan.
"Ano po ba ang goodnews na sinasabi nyo Doc?"nagsalita na ang tahimik kong asawa.Nagbulungan pa sila Doc kaya napahawak ako sa kamay ni Misis.
"Pagsasabayin na namin ang announcement namin para sa inyo.Well,It's Two GoodNews and One Badnews."kinabahan ako sa sinabi ni Doc.One Badnews,So ibigsabihin may badnews...."Ano pong gusto nyong unahin.Good News o Bad News?"tanong sa akin.
"GoodNews po muna Doc."sabi ni Allyza.
"Ang unang good news ay You are two weeks pregnant!"sabi ni Doc Belle kaya napangiti ako."Ang pangalawa naman ay.....Kaya pa naming maagapan ang pagkabulag mo...."napayakap ako kay Allyza ng mahigpit.
"Doc,Ano naman po ang Bad News?"nawala ang saya sa mukha ko ng tanungin ni Allyza iyon.
"Well,Tatapatin ka namin Allyza.Gusto mo bang maoperahan sa mata?"tumango ang asawa ko."Pero kailangan mong ipa-Abort ang baby...."biglang gumuho ang mundo ko sa sinabi ni Doc.
"D-doc,M-may iba pa bang c-choice?"tanong ko.
"Wala na Mr.Del Rosario."
"Pero p-pwede naman akong o-operahan kapag may baby ako sa tyan?Diba Doc?"nauutal na sabi ni Allyza.
"Mrs.Del Rosario kapag inoperahan ka ng buntis ka ay pwede ang baby mong paapektuhan sa gagamitin naming gamit...Lahat ng gagamitin namin sa operasyon ay pawang radio-active..Pwedeng makasama ito sa formation ng baby nyo or else baka mamatay ito."napaluha si Allyza sa sinabi
ni Doc."Bibigyan namin kayo ng isang linggo para mag-isip."
Napasapo na lang ako sa ulo ko.
BINABASA MO ANG
A Mother's Sacrife
Short StoryA Short Story.... Si Allyza ay isang babaeng marunong magmahal,Kahit hindi nya kaano-ano ay pinapahalagahan nya ito.Pero ng dahil sa kapansanan nya ay minsan hindi nya magampanan ito...Nagsasakripisyo rin sya para sa taong mahal nya kahit walang kap...