CHAPTER 14

10 3 0
                                    

Allyza's POV

"Baby,Don't Cry na Please.."hindi parin tumitigil si AJ sa kakaiyak.Kanina ko pa iyo pinapatahan pero ayaw nyang tumigil.Pinapadede ko pero ayaw nya,Tiningnan ko kung may tae ang pwet nya wala naman.

"Huwag ka nang umiyak...."iyak pa rin sya ng iyak.Nung sinilang ko sya nung isang linggo,May napapansin na ako sa kanya.Kapag bubuhatin ko sya umiiyak sya kapag ang papa nya ang bubuhat sa kanya,Titigil sya.Parang ayaw nya na ako ang nagaalaga sa kanya.

"Wahhhhhhhh.....Wahhhhhh..."iyak nya.Napatigil ako sa paghehele kay AJ nang bumukas ang pintuan.

"Wifey,Anong nangyayari sa anak natin?"kinuha nya si AJ sa akin.

"Umiiyak na naman sya kapag binubuhat ko sya.."malungkot kong sambit.Biglang tumigil sa pag-iyak si AJ.

"Uyy...Kay Cute naman ng batang ito!Kamukha nya ang mama nya."sabi ni Justine kaya mas lalong nalungkot ako.

"Wifey,Huwag ka nang malungkot...."sabi nya.

"Paano ako hindi malulungkot kung ang anak natin ay hindi ko man lang makita o masaksihan ang mukha nya."

"Huwag kang mag-alala,Maghahanap ako ng magaling na doktor sa ibang bansa.Mapapagaling ka nila kapag nagpaopera ka.."bigla akong nabahala.

"Malalayo ang anak ko sa akin?Hindi ko kaya iyon.Mas gugustuhin ko na lang na habang buhay akong bulag kaysa malayo sa akin ang anak ko.."napayakap sya sa akin.

"Hinding-Hindi ko kaya na nahihirapan ka Allyza,Mas Gusto ko na ako ang nagdurusa kaysa ikaw...."hahalikan nya sana ako ng biglang umiyak si AJ"Ayaw nya pa raw masundan..Hahahah..!"

Siyam na Buwan ang Lumipas.

"A.J...Sabihin mo Mama!"sabi ko kay AJ

"Pa...Pa"maligayang sabi ni AJ

"Mama...Ma...Ma..."pilit na pinapaintindi ni Justine ang salitang MAMA.

"Pa...Pa.."sigaw ni AJ.Siguro na bwisit sya dahil kinukulit namin syang sabihin ang Mama.Kanina kasing umaga,Sumigaw sya ng Papa,Nagulat kami kasi 10 Months palang sya,Marunong na sya magsalita ng Papa.Hindi ko man lang makita yung mukha nya kung sino ang kamukha nya.Gusto kong makita syang maglakad pero paano?Hindi ako makakita.

"Wifey,Gusto na daw dumede ni AJ."sabi ni Justine.Parang ibang meaning yung sinasabi nya eh.

"Akin na si AJ..."sabi ko.Kinapa ko kung nasaan si Justine,Nung nakapa ko na sila ay agad kong kinuha si AJ Hinampas-Hampas ako ni AJ sa mukha.

"Ihhhhhh...."sigaw ni AJ kaya kinuha sya ni Justine.

"Patulugin ko na muna sya,Bago dumede.Habang Natutulog sya...Ako na muna ang Dedede..."hinampas ko sya.

Makalipas ang Anim Taon

"AJ!Gumising ka na dyan!May pasok ka pa.Baka Malate ka nyan..."sigaw ko.Hinahanda ko na ang lahat ng babaunin ni AJ sa pagpasok nya sa school.Kahit papaano ay marunong na ako magluto ng almusal pero hindi ko kayang magbukas ng stove.Baka makasunog ako sa bahay ehh...
Pumasok ng maaga si Justine,May kailangan daw asikasuin sa bussiness nila.

"Bababa na!"narinig kong sabi ni AJ.Narinig ko ang malakas na dabog na pagbaba ni AJ kaya inayos ko na ang babaunin nyang Lunch.Linagay ko na yung ulam sa tupperware tapos pinasok ko na sa bag.Narinig ko ang pagurong ng upuan kaya binigay ko ang plato nya.

"Ubusin mo iyan,Ayokong may makikita akong pagkain dyan sa plato mo.."nagsasalin ako ng kanin sa plato nya.

"Paano mo makikita iyan eh bulag ka nga!"natahimik ako sa sinabi nya.Pinipilit ko na huwag umiyak kasi bata sya.

"Kumain ka na,Ihahatid pa kita sa school..."nararamdam kong namamasa na ang mga mata ko.Umupo muna ako sa upuan at nagsimulang kumain.

"AJ....Ayoko na nang mga sinasabi mo...."mahinahon kong sabi."Di mo alam na nasasaktan na ako sa mga sinasabi mo.."narinig ko ang kalansing ng kutsara.

"Ligo na ako.."pagpapaalam nya.

After 10 minutes.....

"AJ...Bumaba ka na,Anong oras na..."sigaw ko.Hawak-hawak ko na ang bag ni AJ.Nakaayos na rin ako,Hawak-hawak ko na rin ang pangkapa ko...

"Halika na.."hinawakan nya ang kamay ko.

Kinapa kapa ko ang daan palabas ng village...Naririnig ko na ang mga tunog ng mga kotse kaya kailangan kong maging maingat.

May mga bumabati sa amin,Minsan naman pinagbubulungan kamk tulad ng..

"Ang swerte naman ng bata.Kahit bulag ang mama nya ay mas pinili syang ihatid kaysa na humilata sa kama."

"Oo nga...Yung mga bulag na kilala ko ay gusto ng magpakamatay dahil wala na silang makita pero ang bulag na ito ay mas pinili pa ring alagaan ang anak nya..."

Napapikit na lang ako sa mga pinagbubulungan nila,Ayoko namang nakahilata lang ako sa kama....Mas gusto kong inaalagaan ko ang mag-ama ko...Nakakatamad kayang humilata sa kama.

"Anak,Malapit na ba tayo sa paaralan?"tanong ko

"Oo.."narinig ko na ang sigawan ng mga bata.Tama si AJ,Nasa school na kami.

"Dito na lang ako."sabi nya.

"Bye,AJ...Kainin mo ang lunch mo....I Love You.....Ingat ka!"sigaw ko,Biglang may kumalabit sa akin.

"Wala na po ang anak nyo...Umalis na"sabi ng hindi ko kilala.

"A okay...Sige!"at umalis na ako.

A Mother's SacrifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon