A/N: Thank you for the feedback on the previews chapter, nakakatuwang basahin lahat, pinipigilan ko lang sarili ko na mag reply. I don't want to spill the tea, but just keep hinting guys, malay niyo tumama 'yan. 😉
This chapter is dedicated to @yoursoleyl
------------------
Kabanata 2
Ex"Sige po manang, salamat na lang." I let out a deep sigh of exasperation after calling home, ibinaba ko na rin ang telepono ng telephone booth, at saka laylay ang balikat na naglakad.
Gusto ko sanang kausapin ang papa, kaya lamang ay abala na naman ito. Sa tuwing tatawagan ko siya ay laging wala sa timing, kung hindi ito nasa meeting ay abala naman itong pakikipag negotiate sa ilang mga investors.
Simula nang magbalik ang papa ay sa kanya na pinaubaya ng lolo Octavio ang Escarcega group of company, and he's doing well for the past years as the new chief executive officer. I'm actually glad that he's still alive, na dahil sa kanya ay nakaiwas ako sa responsibilidad na dapat sana'y sa akin iaatang.
Noong una ay natakot ako nang malaman kong isa akong Escarcega, at iyon ay dahil sa mabigat na responsibilidad ko. Ano ba naman kasi ang alam ng isang katulad ko sa pagpapatakbo ng malaking kumpanya at malalaking kabuhayan ng mga Escarcega, pagpapastol lang naman ng mga tupa, pagsasaka at pagkokopra ang alam kong gawin.
"Severino,"
Napalingon ako sa schoolmate kong si Rogelio na inakbayan ako.
"May night out mamaya, sama ka!" yaya nito sa akin.
Kumunot ang noo ko. "Tonight? But it's weekdays."
"And so?" Rogelio flashed a confident smile.
"Pass ako dyan, I have class tomorrow."
"May klase rin naman ako bukas,"
"Psh, but I'm not like you, hindi ko kayang pumasok ng may hangover."
Tumawa siya at saka nilapit ang mukha niya sa tenga ko, "Sigurado ka na hindi ka sasama, kahit na---kasama si Nathalia?" bulong niya sa akin.
Napahinto ako sa paglalakad at nagtatanong na tinignan ko si Rogelio. "Are you kidding me? Si Nathalia, kasama?" umiling ako at mapait na tumawa at saka muling naglakad. "It's impossible, bakit naman sasama sa inyo si Nathalia?"
Nathalia isn't that type of woman na mahilig gumimik, kapag nga inaaya ko siyang sumama sa nightout namin ng tropa noon ay lagi siyang tumatanggi, pero kapag nasa mood ay game naman siya, when I say she's on the mood that's when if she's really bored.
"Don't you know that Franz new girlfriend is Nathalia's friend."
"Which one? Nat has a lot of friends,"
"Iyong tisay na volleyball player."
I looked at him with surprised and disbelief. "Naging syota ni Franz iyon?"
"Ah-huh. So, sasama ka na? Ayain mo rin sila Amadeus, mas marami mas masaya."
"I don't think all of us will come, but I'll try."
"Anyway," tinapik ni Rogelio ang balikat ko. "Balita ko may bago kang pinopormahan, totoo ba?"
"Rogelio, hindi ako katulad ng ibang lalaki na ilang araw palang ay naghahanap na agad ng bagong girlfriend, saan mo ba nabalitaan iyan?"
"Dyan lang, nursing student daw, eh. Tsaka alam mo naman ang balita pagdating sa iyo, madaling kumalat, everyone's want to updated on you, pogi mo, tsong."
BINABASA MO ANG
Between The Stars: The Love That I've Found (Pan De Azucar Series #1 Book 2)
General FictionBOOK 2 STARTED OCT 25, 2020