Dedicated to @mapengskie because I noticed na everytime mag update ako, comment niya agad nakikita ko, hello there. 👋
Thank you sa pagsubaybay hope you like this chapter. 😊****
Kabanata 5
AcquaintanceI scattered my shirts all over my bed, kanina pa ako naghahanap ng maisusuot ko pero wala akong mapili.
"Severino, ano na?"
Nawala ang atensyon ko sa pamimili ng susuotin, at napabaling sa pumasok na si Stefano.
Napangiwi ito nang hagurin niya ako ng tingin.
"Iniwan kita rito na nakatuwalya at hanggang ngayon, nakatuwalya ka pa rin? Ano na?" naiinip nitong reklamo.
"Mauna ka na kung nagmamadali ka, naghahanap pa ako ng maisusuot,"
"Anak ng teteng naman, pre. Tinititigan mo lang ang mga iyan, eh. Kahit ano na lang ang isuot mo dyan, magaganda naman ang lahat ng iyan,"
Lumapit si Stefano sa kama, isa-isang tinignan ang mga nakalatag na damit sa kama ko, he leaned down and picked up one.
"Maganda naman 'to, huh? Eto na lang ang isuot mo," aniya at saka hinagis iyon sa akin.
"Sigurado ka?" nag-aalinlangang itinapat ko sa katawan ko ang shirt na pinili niya.
"Trust me, you can pull off whatever you wear," he crossed his arms. "At saka, bakit ba masyado kang concious sa isusuot mo? Hindi naman date ang pupuntahan mo, Severino. Unless you want it to call a date," silly smile formed on his mouth.
Napailing iling na lang ako, binalewala ang pambubuyo ni Stefano, at saka isinuot at sinimulang ibutones ko ang oversized plaid short sleeve na siya ang pumili.
"Hindi ka naman ganyan kaarte kapag umaalis ka, o kaya ay kapag may mga event dito sa school, parang ngayon lang kita nakitang ganyan," dagdag pa ng mokong.
"Alam ko na iyang pinupunto mo, walang issue sa ginagawa ko, Stefano, I just really want to look presentable, ayoko lang na may masabi sa akin iyong tao, Ivory seems like a perfectionist,"
"As sus, umamin ka na, nagpapapogi ka kay Ivory," siniko pa ako ng loko.
"Bahala ka kung anong gusto mong isipin, pinuntahan mo sila Redentor, diba? Nasaan na sila?" paglilihis ko sa usapan namin.
"Nauna na sila ni Thamar sa ibaba, may bibilhin pa raw kasi sila, magkita-kita na lang daw tayo sa parking,"
Ang parking na sinasabi niya ay iyong sa gilid nitong dormitory, doon nakapark ang mga sasakyan namin.
"Nasaan si Amadeus?"
Muli kong nakita ang nakakalokong ngiti ni Stefano. "Masama ang tiyan, pero susubukan daw niyang sumunod," at saka tinignan nito ang relo niyang pambisig. "Mauna na rin pala ako, pupuntahan ko pa si Celine. Ikaw ba, anong oras mo susunduin si Sybelle, este si Ivory?"
"Alas-sais." tipid kong sagot.
Tinapik ni Stefano ang balikat ko. "Sige na, I gotta go at baka magtampo ang bebe ko,"
BINABASA MO ANG
Between The Stars: The Love That I've Found (Pan De Azucar Series #1 Book 2)
General FictionBOOK 2 STARTED OCT 25, 2020