Kabanata 6

716 51 16
                                    

Dedicated to Via Timario, naaaliw ako sa mga comment mo. haha Thanks for reading, hope you like this chapter.

***

Kabanata 6
Take a break


"M-Mag c-cr lang ako,"

Damn! Bakit ngayon ko lang ba naisip ang excuse na iyon? Kung kailan, nangyari na ang mga hindi dapat mangyari.

Mabilis kong inalis ang nakapulupot na kamay ni Nathalia sa leeg ko, at apologetic na tinignan ko siya, at saka ako nagmadaling tumakbo, nagbakasakaling maaabutan ko pa si Ivory.

Para akong batang nawawala, nakatayo sa gitna nang maiingay at nagkakagulong mga schoolmates ko, tingin sa kanan, kaliwa, harap at likod, ngunit kahit anino ni Ivory ay hindi ko makita, sinubukan ko rin bumalik sa likod ng grandstand, hinanap ko rin ang kinaroroonan ng mga kaibigan ko.

"Diba, magkasama kayo?" tanong ni Stefano nang tanungin ko sa kanila si Ivory.

"Saan ba kayo nagpupupunta?" tanong naman ni Redentor.

Sa halip na sagutin ang mga tanong nila ay muli kong iniwan ang mga ito, narinig ko ngang tinawag nila ako pero hindi ko iyon pinansin.

Namaywang ako at napahinga ng malalim nang makalayo ako sa nagkukumpulang mga estudyante, laylay ang mga balikat ko at frustrated na sinuklay ko rin ang buhok ko.

Siguro ay bumalik na si Ivory sa Weston Hall, at siguradong hindi ako patatahimikin ng kunsensya ko, dahil sa pagiging iresponsable ko sa pag-iwan ko sa kanya, maybe she's now thinking that she just wasted her time attending this party and I feel so sorry for her, it's my fault. Naturingang Hospitality Management ang kurso ko, pero hindi ko man lang siya na accompany ng maayos. Damn it, Severino!

"Severino~"

Nag-angat ako ng tingin at napalingon nang marinig ko ang boses ni Vietta na malambing na binigkas ang pangalan ko, she's always like that everytime she's calling my name.

"Where's your friends? Bakit mag-isa ka lang?" she asked, while walking closer to me.

Vietta's with Vincent and Edwin, si Edwin na may ka-holding hands namang babae. Dalawang babaeng hindi pamilyar sa akin ang kasama nila, pero mukhang nakita ko na ang mga ito noon, I think with Dahlia Belisario, the lost campus queen.

"May hinahanap lang," inilagay ko ang kamay ko sa batok ko at hilaw na ngumiti.

"Sino?" tanong naman ni Vincent.

"Someone familiar, kaso hindi ko na nakita,"

Muli ay tumugtog ng panibagong kanta ang Parokya ni Edgar, naghiyawan muli ang mga estudyante, excited na hinila naman ni Vietta si Vincent.

"Doon na tayo! Sama ka sa amin, Sev!" yaya sa akin ng pinsan ko.

"Sige, sunod na lang ako, cr pa ako."

Vincent looked at me with his suspecious gray eyes before they left, and Edwin just patted me on my shoulder. Mapaghinala talaga si Vincent, para siyang babae.

Between The Stars: The Love That I've Found (Pan De Azucar Series #1 Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon