Kabanata 4

799 52 31
                                    

Dedicated to @JhenjenDelacruz napakasupportive kasi nito, gumawa pa twitter iyan para makipagkwentuhan sa akin haha, thank you. 😊

****

Kabanata 4
Distraction


"Why don't you invite her this coming acquaintance party?" suggestion ni Stefano.

Nandirito pa rin kami sa swing bench area, iniisip kung ano ang susunod kong gagawin, para makuha ko ang loob ni Ivory.

Amadeus clapped his hands at itinuro niya si Stefano habang tumatango. "That's a great idea," and then he looked at me. "Invite her,"

"Baka hindi siya pumayag, she's really hard to please, kung hindi ko pa nga niluhuran, hindi pa sasabihin sa akin ang pangalan,"

"Luhuran mo ulit," nakangising sabi ni Redentor habang tinatanggal ang silver wrap ng chewing gum niya, at saka iyon isinubo.

"Ang labo no'n, dapat nga si Severino ang niluluhuran," dagdag pa ni Stefano na nakipag apir kay Redentor, habang nakangiti ang mga ito ng nakakaloko.

May iba akong napopoint out sa sinasabi ni Stefano, and I don't like it that's why I gave both of them a threatening look.

"Tol, diskarte mo na iyan, basta kami ang bahala kapag napapayag mo siyang pumunta sa acquaintance, sagot ka namin," si Amadeus na tinatapik ang balikat ko.

Napakamot na lamang ako ng ulo ko. Isipin ko pa lang kasi na yayayain ko si Ivory ay parang nabibigatan na agad ako sa gagawin ko, that's because she's so hard to please.

"Kaya mo iyan," dagdag naman ni Thamar, nakatayo ito sa pagitan ng swing bench na inuupuan namin ni Amadeus at nila Red at Stefano.

Naghiwa-hiwalay din kaming magkakaibigan, bandang alas-quatro ng hapon, kailangan ko pa kasing tumawag sa mama at magtungo sa library para maghanap ng panibagong reference book para sa research na ginagawa ko for my term paper.



"Bakit kailangan mo pang maghanap ng ibang hotel for your on the job training, Severino?"

Napangiwi ako nang magtaas ng boses ang mama, bahagya ko pa ngang nailayo ang telepono sa tenga ko.

Nalaman niya na hindi ko balak na mag training sa La belleza, ako mismo ang nagsabi sa kanya dahil siguradong mas magagalit siya kung sa iba niya pa maririnig. Next semester pa naman magsisimula ang OJT ko, pero first week pa lamang ng pasukan ay personal na kaming nag apply ng isa kong kaklase sa Hotel del Rio, kilala itong hotel dahil dito matatagpuan ang isa sa mga dinadayong high-end disco bar, ang treasure-hunt, and last week lang ay nakuha ko na ang letter of approval ng Hotel del Rio.

"Son, there's La belleza and it's always welcome for you, tuturuan ka ng mga employees natin dito, pwede rin na ang hotel manager mismo ang maging trainer mo,"

Napailing ako. "That's the reason why I decided to take my ojt to the other hotel, dahil ayoko ng special treatment, mama. Gusto kong maranasan ang maging isang ordinaryong hotel employee, besides, we still have seminars and classes that I needed to attend, hindi dapat ako lumayo ng papasukan,"

"Pinapahirapan mo lang ang sarili mo---"

"Mama, hindi ba't mas maganda naman iyong nahihirapan, because that's the indication na natututo ka, na lumalalim iyong kaalaman mo. Mama, kukuha lang naman ako ng experience, pero makakaasa kayong balang araw ay ako ang mamamahala ng La belleza de la tierra, kapag sapat na ang kakayahan at kaalaman ko,"

Naririnig ko mula sa kabilang linya ang sunud-sunod na buntong-hininga ng mama.

"But after you graduate, you still want to pursue culinary, right?"

Between The Stars: The Love That I've Found (Pan De Azucar Series #1 Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon