Kabanata 10
NewsIt's around eleven o'clock in the morning when we get back to the university. Ang bilis ng oras, we just had our breakfast, at maya-maya lang ay manananghalian na naman.
Bakit kapag weekend, ang bilis ng oras parang segundo lang ang lumilipas, pero kapag may pasok, minuto pa lang ay aakalain mo ng ilang oras na ang nagdaan.
Nagkalat ang mga estudyante sa paligid ngayon, mga nakaporma, labas masok pa ang marami sa university, ang ilan ay nakakabatian ko pa nga.
Dahil wala naman akong ibang plano ngayon ay sinabayan ko na maglakad si Ivory patungo sa dorm niya.
"What if, Vincent was actually my boyfriend?"
Tumaas ang kilay ko at napalingon kay Ivory, dahil sa sinabi niya. Kung hindi ko nga lang napigilan ang sarili ko ay agad na akong umalma sa walang bahid ng katotohanan na iniisip niya.
"Paano mo naman nasabi?" namulsa ako at hinintay ang isasagot niya.
Kalmado lang ako ngunit labis ang pagtutol ng isipan ko sa mga sinasabi niya, at ganoon din ang damdamin ko, parehong nagpoprotesta.
Ivory shrugged her shoulders. "Naisip ko lang," aniya nang hindi tumitingin sa akin. "Wala kasi akong ibang maisip na dahilan kung bakit ganoon na lang ako kaaffected, noong nakita ko kayo ng ex girlfriend mo sa ganoong eksena. So, maybe...if Vincent is my boyfriend, baka..." she paused, tila nagdalawang isip kung itutuloy ang kanyang sasabihin. "M-Madalas din naming ginagawa iyon," she bites her lower lip.
Tumikhim naman ako, that's when she finally, turned around and look at me, I gulped when I met her big and mysterious pair of charcoal eyes, parang nanuyot bigla ang lalamunan ko, nanginig ang aking mga tuhod, sunud-sunod akong napalunok.
"Maybe," she shifted her eyes somewhere and lowered her gaze. "I just miss his touch, his kiss, his presence," her voice become low and softer nahihimigan ko ang pag-aalinlangan sa kanyang mga sinasabi.
Obviously, that's only her thoughts, hindi iyon ang tunay na nararamdaman ng puso niya.
You don't miss that guy, you miss my lips, my kiss, my touch. You miss me, Sybelle. Sigaw ng isip ko.
Isang kakat'wang ideya rin ang nabuo sa isip ko.
"Pwede rin naman na nag cheat siya sa iyo noon, tapos nahuli mo siyang ginagawa iyon, kasama ang ibang babae, kaya masyado kang naging emotional that night," napangisi ako sa sinabi ko. I swear, hindi ako naninira ng tao.
Muling nag-angat ng tingin sa akin si Ivory, her brows creased while staring at me intently, with her pursed lips.
"Why?" I asked innocently.
"Hinuhusgahan mo agad si Vincent," she said in her serious tone.
Tumawa naman ako. "Hindi ko siya hinuhusgahan, palagay ko lang iyon,"
"Hindi pa rin tama na pinag-iisipan mo agad siya ng hindi maganda,"
"Psh," I put my hands on my pocket. "Alright. Mali na ako," sumusukong sabi ko. Mahirap na at baka magalit na naman sa akin ito, ang hirap pa naman suyuin.
"Severino!" Pareho kaming napahinto ni Ivory sa paglalakad, napangiwi rin ako at naitutop ang palad ko sa aking noo nang makita ko si Rogelio, kasama niya si Franz at dalawa pang lalaking nakalimutan ko na ang mga pangalan.
Pinahagingan ko ng tingin ang suot nila, habang papalapit ang mga ito sa amin.
Sumasayad na sa sementadong sahig ang laylayan ng kanilang mga baggy jeans, naka-spike ang mga buhok, na animo mamamatay ang anumang insektong dadapo roon. It's the fashion trend, pero mas gugustuhin ko pang maging old fashion kaysa sumabay sa uso, na palagay ko'y hindi naman babagay sa akin.
BINABASA MO ANG
Between The Stars: The Love That I've Found (Pan De Azucar Series #1 Book 2)
General FictionBOOK 2 STARTED OCT 25, 2020