Kabanata 8

879 69 53
                                    

This chapter is dedicated to @I_AM_ELIJAH thank you for reading, hope you like it.

Kabanata 8
Help me


Sa centennial walk kami napadpad ni Ivory, naupo siya sa isa sa mga nagkalat na upuang bakal na harap-likod, she chose to sit at the bench facing the field, dahan-dahan din akong umupo na roon, we were sitting on the same bench, with a space between us, nakakaintimidate kasi tumabi kay Ivory, para bang kapag dumikit ako sa kanya ay mapapaso ako.

Kung may makakakita siguro sa amin ngayon ay hindi aakalain ng mga ito na magkakilala kami. Well, that's partly true, bukod sa pangalan niya ay ano pa nga ba ang nalalaman ko sa kanya? Nothing. Kahit nga apelyido niya ay nananatiling katanungan sa akin, and that's what I'm going to ask on her later.

Ilang minuto ang nagdaan at wala pa rin umiimik sa aming dalawa, itinaas ni Ivory ang kanyang mga paa sa upuan, without taking off her white canvas shoes, na bahagyang natatakpan ng malapad na laylayan ng kanyang flared jeans, niyakap niya ang kanyang mga tuhod, at saka ipinatong niya ang baba niya roon. Is she cold? Naka-tight tank top kasi siya na medyo bitin ang tela, baby blue ang kulay no'n, bahagyang sumisilip ang ibabang bahagi ng kanyang likod, and her whole arms was exposed, while the cold night wind keeps blowing.

Unfortunately, I have nothing to offer that can keep her warm. Napakawalang kwenta mo talaga, Severino! My mind scolding me again.

"Sev, can you keep me a secret?"

Napalingon ako kay Ivory nang basagin niya ang katahimikan sa pagitan namin, ngunit ang mga mata niya'y nanatiling nakatanaw sa malayo.

"S-Sure!" alanganin kong sagot.

Noon lamang niya ako nilingon, and I met her eyes, tinignan niya ako na para bang naninigurado siya sa sagot ko, before she looks away again.

"You know what, I was having a second thought before I decided to study here, hindi kasi buo ang loob ko na makakaya kong mag-isa, na wala ang tatay, o kaya ay ang mommy ko. I was really scared, but then it's all my plan, that's why I'm here. Kahit na hindi naman ako ganoon ka-friendly, marami akong nakakapalagayan ng loob, pero sa lahat ng iyon, hindi ko alam kung sino ang pagkakatiwalaan ko, kung kanino ako magbabahagi ng kwento ko, ng pinagdaraanan ko. I really want to share everything, to someone that can understand me, and maybe could help me as well," she paused for a few seconds and let out a deep breath.

I can feel that there's something hard and heavy that she wanted to spill out, and I'm just curiously waiting for her to speak up.

"The first time I met you, you really caught my attention," aniya nang muli niya akong nilingon.

I smirked when I remembered that day. "Yeah, you almost break my bones."

Tumawa siya sa sinabi ko. "Akala ko kasi isa kang mapanamantalang manyak na babaero,"

Tumawa rin ako at napailing. "You're such a judgemental,"

"Ikaw naman kasi, bigla kang nangyayakap, kung may nakita kang kamukha ng kakilala mo, alamin mo muna kung sila nga talaga iyon at hindi kamukha lang, mapapahamak ka talaga sa maling akala mo,"

Nahihiyang kinamot ko ang ulo ko. "Para kasi kayong binagbiyak na bunga ni Sybelle, kung may hindi man kayo pagkakatulad sa physical appearance, it's only your bangs, your make up and your fashion, iyon lang,"

"What actually made you caught my attention is when you have mistaken me for someone else ," muli siyang tumingin sa malayo. "Naisip ko na...is there a possibility na may dalawang taong hindi naman magkadugo ang magkamukhang magkamukha? Because based on your reaction when you saw me, you are totally surprised,"

Between The Stars: The Love That I've Found (Pan De Azucar Series #1 Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon