Prologue

2.6K 116 89
                                    

Prologue


"It's your last year, Sev. Cheer up, man. Babae lang iyan. There are plenty of fish in the sea." ani Stefano na ramdam kong nakaupo sa gilid ng kama ko.

Kanina niya pa ako inaayang mag jogging, pero wala ako sa mood. Gusto kong matulog lang buong araw. Nararamdaman ko rin na hindi maganda ang panahon ngayon. Kanina ko pa kasi naririnig na kumukulog at hindi ko nararamdaman ang sikat ng araw, na kadalasan ay tumatama sa mukha ko ang sinag dahil nasa tapat lang ng kama ko ang bintana, na hindi namin pinagkakaabalahang lagyan ng kurtina ni Stefano.

"Ikaw na lang. Baka maabutan lang tayo ng ulan." tanggi ko.

"Hindi iyan uulan." hinawakan ako nito sa balikat at saka niyugyog. "Tara na!"

I shake off my shoulder to rid off his hand and buried my face on my pillow. Stefano is seriously pissing me off.

"Bangon na!"

Ngayon lang ako kinulit ng ganito ng mokong na 'to. Noong highschool kami, takot sa akin ito kapag nabulyawan ko na, eh. Ngayon kahit sipain ko yata ito ay hindi ito titigil. Determinado ang mokong na mapasama ako sa kanilang mag jogging.

"Fuck, Stef. Leave me alone!"

Narinig ko ang tawa nito nang hilain niya ang kumot ko. I felt the cold air from the air conditioner, that grasped on my exposed naked body. Nanayo ang mga balahibo ko sa ginaw. Boxer shorts lang kasi ang suot ko.

Napadaing ako sa inis at saka nag-angat ng ulo ko, sinuklay ko ng mga daliri ko ang buhok kong tumakip sa mukha ko at nag-angat ng tingin sa kaibigan kong nakatayo na at nakangisi, habang hawak ang kumot ko.

"Hinihintay tayo nila Red, magbihis ka na. Lalabas na ako, hintayin ka namin, huh?"

Mariin kong tinignan si Stefano. "Sinabi ko bang sasama ako?" I said while yawning. Inaantok pa talaga ako.

Stefano, smirked. "Sasama ka."

It's not a question, it's more of a command.

"Dammit!"

Sumusukong bumangon ako sa kama ko ng walang kagana-gana. Binuksan ko ang wooden cabinet na pinaghahatian namin ni Stefano. At naghanap ng maisusuot ko.

Isang linggo na nang magsimula ang pasukan. Napakaaga kong nagigising sa araw-araw para pumasok at ngayong wala akong klase. Supposedly, balak kong matulog lang ng matulog. But Stefano ruined my plan dahil alas-sais pasado palang ay ginigising na ako ng mokong.

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto rito sa kwarto namin habang naghahanap ako ng maisusuot, at nang lumingon ako sa likod ko ay nakalabas na ng pinto si Stefano.

I sighed. Hindi ako makapaniwalang napapayag ako ng isang iyon.

Gray sweat shorts at army green drop armhole tank top ang napili kong isuot. Nagsuot din ako ng puting medyas at saka ko isinuot ang itim kong nike rubber shoes na madalas kong ginagamit.

Pagkatapos kong nakapagbihis ay pumasok ako sa maliit na banyo nitong dorm room namin ni Stefano.

Maliit dahil sink at toilet bowl lang ang narito. Nakaseparate kasi ang shower room na hindi naman kalayuan dito.

Binasa ko ang buhok ko habang naghihilamos at saka isinuklay kong muli ang mga daliri ko sa buhok ko at nang mag-angat ng tingin ay tinitigan ko ang reflection ko sa salamin.

Huling taon ko na nga sa kolehiyo ay nakipag break pa sa akin ang girlfriend ko. That was one week ago.

"What a very nice start of my last year in college." I mockingly said to myself while smiling broadly and staring myself in the mirror.

Between The Stars: The Love That I've Found (Pan De Azucar Series #1 Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon