Dedicated to Crisel Conel, my avid reader, salamat sa walang sawang pagbabasa ng mga stories ko. Keep safe always.
Kabanata 7
ForgotA MONTHS AGO
Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon, siguro dahil sa unang pagkakataon ay nabisita ko ang puntod ni Sybelle. Ang luwag pala talaga sa pakiramdam kapag natutunan mo ng palayain at bitawan ang mabibigat na alaala sa puso mo.
I can't say that I forgot her already, because that will never happen, she will always be here in my heart, darating ang panahon na makakalimutan ko na ang lahat, pero hindi makakalimutan ng puso ko ang alaala niya, kahit pa magmahal ako ng iba.
Napangiti ako nang kuminang ang tinitingala kong pinakamaliwanag na bituin sa langit, nakahiga kaming magkakaibigan ngayon sa malawak na parang, sa likod ng Urquidez main house, nagkaroon kasi kami ng salo-salo kanina, pagkatapos naming bisitahin si Sybelle sa puntod niya, hindi namin nakasama sa salo-salo si Nathalia dahil nakapangako na siya ng dinner with her family, hindi ko rin siya pinilit kasi nauunawaan ko rin naman na nilulubos lang ni Nat ang mga araw na kasama ang pamilya niya, because after this vacation ay mapapalayo na naman siya sa mga ito.
Habang namamangha kaming lahat na nakatingin sa bituin ay naalala kong bigla na bukas ang birthday ni Amadeus. "Uy," siniko ko siya. "Ano nga pala ang plano mo bukas?" tanong ko pa sa kanya.
Kumunot ang noo niya. "Bakit ano bang mayroon bukas?" maang nito."Psh, kunwari pang di alam, madadagdagan na ang edad ka na, tol,"
"Aba, mas alam mo pa ang birthday ko, huh? Idol mo talaga ako, no?" nakangising sabi naman ni Amadeus.
"Mahal kasi kita," malambing kong sabi at saka niyakap ko si Amadeus at tinandayan ito, pero dahil lalaki kami, may halong sakitan ang lambingan, in the end nauuwi kami sa wrestling, sa balian ng katawan.
"Ah--aray! Ayoko na! I give up!" sumusukong tinapik-tapik ko ang damuhan habang sinasakal ako ng malaking braso ni Amadeus at nakadapa na ako sa lapag.
"Mas malaki ang katawan mo sa akin, Sev, pero napakahina mo," pagyayabang ni Amadeus habang iniistretch ang braso niya.
"Tarantado, pinagbigyan lang kita, malakas 'to, men,"
I took off my shirt and proudly flexed my muscles.
"Magbihis ka nga! Wala kaming pake sa muscles mo, mas maganda ang abs ko sa iyo," ani Red na hinagis sa akin ang hinubad kong t-shirt.
"Ilang taon ka na nga ulit, Amadeus? Bente singko?" pabirong tanong ni Redentor.
"Uy, ungas! Bente pa lang ako! Isang taon lang ang tanda ko sa inyo!"
Nagtawanan kaming lahat.
"Baka kumain lang kami sa labas bukas, inom na lang tayo, pero wag sa bahay,"
"Sa La belleza na lang," suhestyon ni Redentor.
Nag thumbs up si Amadeus, at sumang ayon din kami ni Stefano at Thamar.
BINABASA MO ANG
Between The Stars: The Love That I've Found (Pan De Azucar Series #1 Book 2)
Ficción GeneralBOOK 2 STARTED OCT 25, 2020