Kabanata 9

962 67 40
                                    

Dedicated to Avril Shaine/ @Shineee0429 ang isa sa understanding reader ko, na patiently waiting lang sa update. Thank you and keep safe.

**********

Kabanata 9
Treat

I went to the SSG office after class to talk with Vincent about Ivory, and luckily si Vincent lamang ang nakita ko sa loob ng office, naabutan ko siyang may isinusulat sa white board na mukhang schedule nilang mga officer.

"What has brought you here, my dearest cousin?" nanunuyang tanong ang ibinungad niya sa akin pagpasok ko.

Huminto siya sa pagsusulat at dahan-dahang humarap sa akin, habang tinatakpan ang ginamit na marker, at saka nilaro-laro niya iyon sa kanyang mga kamay.

"There's something important we need to talk," I said in a cautious tone.

Hanggat maaari ay gusto kong matapos ang pag-uusap namin ni Vincent ng may pagkakaunawaan, ayokong mauwi sa diskusyon o alitan ang paglapit ko sa kanya.

Vincent's brows furrowed in uncertainty, after hearing my words. "Important? What is it?" he asked but he seems uninterested.

Bumuntong-hininga ako at naglakad patungo sa mahabang mesa na sumasakop sa di kalakihang opisinang kinaroroonan ko, may walong puting monoblock chair ang nakapalibot sa mesa, tatlo sa kanan at kaliwa, isa naman sa magkabilang dulo nito, sumatutal ay may walong upuan ang nakapalibot dito.

I cleared my throat before I speak. "There was this woman I met," panimula ko.

Vincent turned his back on me, naglakad siya patungo sa isang mesa sa gilid kung saan nakapatong ang computer at patong-patong na mga papel, naka-goma ang ilan, at ang iba ay nasa folder. 

"She lost her memory, and she looks exactly like Sybelle," I continued.

Napansin ko ang pagtigil ni Vincent sa kanyang ginagawa.

"I beg your pardon?" aniya at saka muli ay hinarap niya ako.

"There's a possibility that this girl is Sybelle," dugtong ko pa.

Vincent shook his head and laughed in disbelief.

"Ano bang kalokohan ang sinasabi mo?" tumaas ang boses niya sa akin at mariin niya akong tinitigan. "Alam nating lahat na matagal ng patay si Sybelle,"

"Hindi kalokohan ang sinasabi ko, kahit ako ay hindi rin makapaniwala, pero malakas ang kutob ko na buhay siya,"

Vincent smirked. "A hunch?" 

"I'll prove this hunch, if it's the only reason to believe that Sybelle is alive."

Sumandal si Vincent sa edge ng mesa at humalukipkip. "How?" tipid niyang tanong sa akin.

Suminghap ako at nagsimulang magkwento tungkol kay Ivory. Vincent was just listening quietly, walang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha niya.

"Iyong tatay tatayan niya, si Teresito Gonzales, he must be Tiago, hindi ba at hanggang ngayon ay hindi pa nahuhuli ang lalaking iyon?"

Between The Stars: The Love That I've Found (Pan De Azucar Series #1 Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon