Kabanata 1

1.2K 75 47
                                    

Kabanata 1
Sakit sa ulo

Since the day I saw that girl who looks exactly like Sybelle, I can't get her out of my mind anymore,  she keeps bugging me.

Tatlong araw na ang nakakalipas at tatlong araw na rin akong nagbabakasakaling makita siyang muli, sa tuwing vacant time ay parati akong tumatambay dito sa tapat ng Weston Hall, ang ladies dormitory na matatagpuan dito sa loob ng campus, tahimik lamang akong nakasandal sa puno, nakahalukipkip at sinusundan ng tingin ang mga papasok at palabas na estudyante, sa dormitory. Ito kasi ang hinahanap ng babaeng kahawig ni Sybelle, noong magtanong siya sa akin. Kung minsan naman ay sa harap ako ng Henry Luce III library naghihintay, doon kasi siya nanggaling noong una ko siyang makita.

I have to talk to her, gusto kong malaman kung may koneksyon ba sila ni Sybelle, may bahagi nga rin ng isipan ko ang umaasang buhay pa si Sybelle, kahit na alam kong imposible ng mangyari iyon.

Mag aapat na taon na rin ang nakalipas, pero narito pa rin ang kirot ng nakaraan, nang bawian ng buhay si Sybelle.

Ilang buwan din na pakiramdam ko ay parang wala ng saysay ang buhay ko, gabi-gabing napapanaginipan ko si Sybelle na humihingi ng tulong, sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala niya, pero sa tulong ng pamilya at mga kaibigan ko, lalong-lalo na ni Nathalia, natutunan kong palayain si Sybelle sa puso ko, at tinanggap ko na sa kabilang buhay na lamang kami muling magkakatagpo.

Ngayong gumagawa na ako ng panibagong alaala ng hindi kasama si Sybelle, isang babae naman ang biglang darating, na kamukhang-kamukha niya, at hindi lang nito basta kamukha ni Sybelle, taglay rin nito ang boses niya na nang marinig ko ay pakiramdam ko, nagising niya ang damdaming akala ko'y matagal na ring naglaho, kasabay ng pagkawa ni Sybelle.


"Severino?"

Hinanap ko ang may ari ng pamilyar na boses ng tumawag sa akin, at natagpuan ko si Vincent, kasama niya si Edwin, na isa rin officer, nagtatanong ang tingin ng mga ito sa akin at parehong may hawak na libro ang mga ito.

Magtatatlong taon na yatang SSG president si Vincent, simula ng tumungtong siya sa kolehiyo ay pinasok niya agad ang ganoong responsibility  siguro dahil sanay na siya, bukod sa maraming estudyanteng kilala si Vincent, gustong-gusto ng mga ito ang kanyang leadership, buo ang tiwala ng marami sa kanya, kaya siya ang parati nilang ibinoboto every election, walang makatalo sa tiwalang ibinibigay sa kanya ng lahat, kahit pa nainvolve noon ang pinsan ko kay Dahlia Belisario na nagkaroon ng malaking issue rito sa eskwelahan.

"May hinihintay lang," tipid kong sagot kay Vincent.

His cold gray eyes dart on me for a seconds at saka siya muling naglakad.

"Una na kami, pre." paalam naman ni Edwin sa akin, tumango lang ako at saka muling itinuon ang atensyon ko sa tapat ng weston hall, may mangilan-ngilang lumalabas ng dormitory, pero laging wala sa mga iyon ang hinahanap ko.

Ano ba kasi ang pangalan ng babaeng iyon? Hindi naman gaanong malaki itong CPU, pero bakit hindi ko siya makita?

Marahas akong napabuntung hininga.

"Hi, Sev!" bati ng ilang babaeng nakakakilala sa akin, hilaw naman akong ngumingiti sa kanila wag lang akong masabihang masungit at isnabero.

Sa totoo lang ay nahihiya na nga ako, kasi ilang araw ko na rin ginagawa ito, marahil ay may ilang estudyante na rin ang nakakapansin na lagi akong naririto.

Napangiwi ako at nariin kong ipinikit ang mga mata ko nang marinig ko ang bell, tinignan ko ang oras sa wrist watch ko.

"Damn! May klase pa ako,"

Between The Stars: The Love That I've Found (Pan De Azucar Series #1 Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon