✓ Refuse when you are invited to eat out or watch a movie.
"Hoy, bakit parang pagod na pagod ka?"
Napatunghay naman ako sa nagsalita sa gilid ko at nakita ko don si Steph ang kaibigan ko.
"Nagsulat ako kagabi." Inaantok na sabi ko.
"Nagsulat? Bakit? Anong sinusulat mo?" Takang tanong niya.
"Kung pano maiwasan ang pakiramdam ng pagmamahal." Wala sa sariling sagot ko sa tanong niya.
Napatayo naman ako sa upuan nang bigla nalang siyang dumuwal.
"Syete! Anong nangyayare sayo?" Gulat na tanong ko.
Pinunasan naman ang muka niya tsaka gulat na gulat na tumingin sakin.
"Girl, totoo ba yang sinasabi mo?" Natatakot na tanong niya pa.
"Ang alin?"
"Yung sinusulat mo kamo?"
"Oo, tunay yun."
Napatayo naman siya at nagtatatalon kaya tinulak ko siya para bumalik sa katinuan.
"Bakit ka ba ganyan ha?" Inis na asik ko.
"Ano kaba, natutuwa lang ako sayo kasi hindi kana tanga." sagot niya kaya nanlaki ang mga mata ko. Ano daw? Tanga?
"Ano? Tanga? Gago----"
"Miss Blanco, may naghahanap po sa inyo?" Putol sakin ng isang intern kaya sinamaan ko nalang ng tingin si Steph.
Pumunta naman akong lobby dahil nandon daw ang naghahanap sakin sabi nung intern na babae. Kasunod ko naman si Steph na panay bunganga dito sa likod ko pero hindi ko siya pinapansin dahil sa sinabihan niya akong tanga.
Pagkarating ko ng lobby, pumunta ako sa main desk at tinanong kung sino yung naghahanap sakin.
"Ayun po, Miss." Turo niya kaya tiningnan ko ito.
Nakita ko ang isang nakatalikod na lalaki na nakatayo sa di kalayuan sa pwesto ko. Kumunot pa ang noo ko dahil hindi ko ito masyadong makilala not until lumingon siya sa gawi ko. Dun ako nagulat nang makita ko siya. Bakit siya nandito?
"What are you doing here, Vince?" Gulat na tanong ko.
Diba! Siya nga.
"Hi, Catherine. Naalala ko lang na sinabi mo sakin na dito ka nagwo-work so, dumaan ako." Nakangiting sagot niya.
Lumiit naman ang mata ko nang makita ko ang ayos niya. Naka-polo na long sleeve na puti na nakabukas ang dalawang butones sa taas at may salamin pa na nakasabit dito, black jeans at white shoes. Halatang pormado ah.
"Ehem!"
Napatingin naman kaming dalawa ni Vince sa likuran ng umubo si Steph at nung makita niyang nakatingin kami sa kanya ay ngumiti siya at kumaway. Umirap naman ako.
YOU ARE READING
Tips: How to Ignore the Feelings of Love?
Short StoryAlexa Catherine Blanco, an author who published a book titled "Tips: How to Ignore the Feelings of Love." A girl poured out her heartache and shared her experiences of enduring countless pains in the realm of love. The girl, who had encountered hear...