6

16 1 0
                                    

✓ Do not agree when he says he will court you.







Ang ganda ng araw! Napaka-sarap talaga sa pakiramdam kapag napaka-haba ng tulog mo! Ang saya saya gumising! Buti nalang wala akong trabaho ngayon. Sa bahay lang dahil weekend. Pakasaya!




"Catherine, gising kana?" Rinig kong sabi ni Mi sa tapat ng kwarto ko.


"Opo!" Sigaw ko.



"Okay, bumaba kana at maguumagahan na." Paalala niya.




Bumangon naman ako sa kama at tumakbo papasok ng cr. Pagkatapos kong mag-ayos sa sarili ay bumaba na ako at sumabay na kina Mi at Di sa pagkain.



"Mamaya Cath, pupunta tayo sa bahay ng ninang Angela mo." Paalala ni Mi.



"Bakit po?" Takang tanong ko at mukang nagulat sila dahil sa tanong ko.



"Ano kaba Catherine, birthday ngayon ni Vince." Sagot ni Di kaya nabulunan ako.



"Ano po?!" Gulat na tanong ko.



Birthday niya ngayon? Luh? Bakit----- ahhh kaya pala nagyayaya siya ngayong weekend. Okay. Pero hindi ko alam yun ah.




"Birthday niya ngayon, Cath." Sabi ni Mi.



Binilisan ko ang pagkain at ng matapos ako ay tumayo na ako sa hapag.



"Mi, Di, bibili lang ako ng regalo kay Vince. Hindi ko kasi alam na birthday niya ngayon hehe," paalam ko.



"Ikaw talagang bata ka oh oh, sige na." Pagpayag nila kaya tumakbo na ako paakyat..




Naligo at nagayos ako pero bago pa ako umalis ay tinawagan ko muna si Marco para samahan ako at pumayag naman siya kaya may kasama na ako.



"Cath, nandito si Marco. Hanap ka." Sigaw ni Mi kaya bumaba na ako. Nakita ko si Marco sa sala at napatayo pa siya ng makitang bumaba na ako.



"Ano? tara na?" Yaya ko.



Nang makalabas kami tsaka niya akong tinanong kung bakit kami pupuntang mall.



"Birthday kasi ni Vince ngayon, wala akong regalo kaya ako nagpasama sayo." Sagot ko kaya nanahimik naman siya.



Hindi ko nalang siya pinansin at sumakay na ako sa kotse niya pero bago pa man ako sumakay ay nakita ko ata si Vince sa veranda ng bahay nila pero baka guni guni ko lamang iyon.



Pagkarating namin ng mall ay hinigit ko na si Marco ko sa man's collection dahil rin wala akong alam sa mga panglalaki ay isinama ko na rin si Marco para hindi na ako mahirapan. Pumasok kami doon at naghanap ng pwedeng iregalo. Pinakita ko kay Marco ang belt na napili ko at pinatingin sa kanya kung pwede.




"Hindi naman ata mahilig si Vince sa belt, Cathy." Puna niya kaya napanguso ako.



Naghanap ako at nakita ko naman ang cup na puti kaya pinakita ko sa kanya.




Tips: How to Ignore the Feelings of Love?Where stories live. Discover now