10

18 0 0
                                    

✓ DON'T TRUST HIM.



Ang boring! Wala akong magawa ngayong weeked kundi humiga at manatili lang sa bahay. Hindi naman ako makalabas kasi naulan dahil may bagyo daw. Anong gagawin ko dito? Magpaikot ikot, ganon?


"Mi!"

"Bakit?!" Rinig kong sagot ni Mi sa baba.


"Nasan si Di?" Sigaw ko ulit.


"Ano? Bumaba ka nga dyan! Sigaw ka ng sigaw!"


Kow. Katamad ka nga eh pero dahil wala nga si Di ay bumaba na ako.

"Nasaan nga po si Di?" Tanong ko tsaka umupo sa sofa.

"Nasa market, nabili ng ulam."

"Bakiy hindi ako sinama?!" Sigaw ko kaya nabato ako ni Mi ng papel.

"Wag kang sumigaw, magkalapit lang tayo." Sita niya.

Napacross arm naman ako at ngumuso. Bakit nga ba ako hindi sinama? Napaka-boring eh.


"Mi, ano pwedeng iluto?" Tanong ko ng makaramdam ako ng gutom.


"Wala. Nabili pa ang ama mo, magintay ka." Puna niya.


Napangiwi naman ako tsaka nanood ng TV. Nagustuhan ko naman ang palabas dahil nasimulan ko ito at nawiwili ako kaya nagtagal ako sa sala ng ilang oras kahit nakadating ang daddy. Pagkatapos ng palabas, dumeretso ako sa kusina kung saan nagluluto ang daddy.

"Di, ano yan?" Tanong ko sa niluluto niya.

"Kaldereta."

"Baboy o manok?"

"Manok."

"Di, sarapan niyo ha." Sigaw ko tsaka umakyat sa taas.


Naligo ako at naglinis ng kwarto kaya medyo natagalan pa ako dahil nagsisisigaw na si Mommy na kumain na daw kami. Kumain naman ako kasabay nila at puro sila kwentuhan ng tungkol sa trabaho nila kaya nao-op ako. Binilisan ko nalang ang pagkain tsaka bumalik na sa kwarto ko. Naupo ako sa veranda kahit medyo naambon at habang nakaupo ako, nakita kong may van na dumating sa tapat ng bahay nina Vince.

Speaking of Vince, kahapon magkausap pa kami hanggang gabi pero nagtataka ako dahil hindi siya nagrereply sa mga text ko. Siguro tulog ang abnormal na yun.


Tumigil ang van sa tapat nila at lumabas doon sina Ninong, Ninang, Val at huli si, Vince. Naaninagan ko pa ang dalang mga maleta ni Ninong at  Vince kaya nakaramdam ako ng kaba. Sa hindi ko malamang dahilan ay tinawagan ko si Vince at sinagot naman niya ito.



"Where are you?" Agad na tanong ko. Hindi naman siya nagsalita at tumingin pa kina Ninang at Ninong bago sumagot.


"Sa bahay lang." Liar.


"Uh, aalis ka ba ngayon?" Pilit kong hindi pinaparinig ang hikbi ko dahil sa nakikita ko ngayon.



"Hindi." Another liar.



Tips: How to Ignore the Feelings of Love?Where stories live. Discover now