1

117 2 0
                                    


  ✓ The answer to the man should be short when he asks you a question.

"Catherine, bumango ka na dyan! Bakit ba late kana natulog na bata ka?"

Napabalikwas naman ako ng bangon nang marinig ko ang boses ng Mommy ko. Pano hindi ako mali-late ng tulog eh nagsulat pa ako? Hay nako.

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ko ay bumaba na ako at nakita ko si Daddy at Mommy na hindi na magkandaugaga sa pagluluto sa kusina.

"Anong meron, Di?" Tanong ko kay Daddy kaya napatingin sila sakin.

Tinuro naman ako ni Mommy. "Ikaw, dalhin mo na to sa labas at hinihintay na ito ng Tita Merdick mo." Utos ni Mommy.

"Ano nga pong meron?" Ulit ko.

"Cathy, dadating na kasi yung bagong lipat sa tabi natin na kaibigan din namin ng Mommy mo kaya naghanda kami ng salo salo sa labas ng mga Tita at Tito mo." Sagot ni Daddy kaya nagulat ako.

Bagong lipat? Meron na?

Dito kasi sa village namin, ang mga nakatira ay yung squad nina Mommy at Daddy. Kumbaga, lahat ng nakatira dito ay kaibigan ni Mommy at Daddy gaya nina Tita Merdick at asawa nitong si Tito Jonas at anak nito si Marco at Mariel. Sina Tito Renz at Tita Klara, anak naman nila si Ranz at Klaire. Sina Tita Ariela at Tito Zero, anak naman nila sina Kuya Piel, Damien at Cyrus. Sina Tito Bryan at Tita Belle din, anak naman nila ay si Dray lang at kami lang din pamilya ni Mommy. Hindi ko alam na may isa pa pala silang kaibigan. Ang dami nila sa totoo lang.

"Catherine, ano? Bilisan mo na, naghihintay na sila." Bulabog sakin ni Mommy.

Nakanguso ko pang kinuha yung ulam sa lamesa at nagpapapadyak na umalis sa kusina. Sa tanda ko ng to, ganito pa din ako magmaktol. Tapos na ng college lahat, ah ah Catherine.

Paglabas ko, halos nandon na lahat. Sina Tito Jonas at Tito Renz nasa ihawan, sina Tito Zero at Tito Bryan naman nagbubuhat ng mga chair at tables. Yung mga asawa naman nila na sina Tita Merdick at Tita Ariela ay nagaayos ng hapagkainan, samantalang sina Tita Klara at Tita Belle naman ay magluluto pa ata dahil wala pa sila doon eh. Ang nandon naman na anak ay sina Kuya Piel, Marco at Dray lang. Sa lahat kasi ng mga anak nila ay sina Kuya Piel, Marco at Dray lang yung natulong kapag ganito. Si Klaire at Mariel naman ay puro paganda pero mabait sila kase ka-close ko sila. Si Ranz naman ang laging wala kasi nagbubulakbol siya lagi. Si Damien naman ay puro laro lang ng video games at si Cyrus naman ay puro naka-head phone lang.

"Catherine, nandyan ka pala." Puna ni Tita Merdick kaya ngumiti ako sa kanila.

"Tita, pinabibigay ni Mi," sabi ko at inabot ang dala ko. Kinuha naman to ni Tita Ariela sakin.

"Nasan na nga pala sina Caren at Alex?" Patutukoy ni Tita Merdick sa mga magulang ko na kadadating lang.

"Nandito na kami, ito na pala yung ulam oh." Sabat ni Mi.

Umalis ako doon dahil naguusap na sila tungkol sa lilipat doon. Pupunta sana ako sa bahay kaso tinawag ako ni Marco.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya sakin.

"Babalik sa bahay, kukunin ko phone ko." Sagot ko kaya tumango siya. Pagkakuha ko ng phone ko ay bumalik na ako sa labas at naupo sa mahabang upuan. Habang nagsi-cellphone ako, biglang may dumating na naka-kotse sa harap namin kaya nagsitayuan yung iba pero ako nakaupo parin kundi lang ako pinatayo ni Mommy ay hindi talaga ako tatayo.

"Angela! Vincent!" Sigaw ng mga magulang namin nang makababa ang dalawang matanda sa kotse. Nagyakapan silang lahat kaya umirap ako at umupo.

"Kamusta na? It's been a while." Rinig kong tanong ni Tito Zero.

"Okay lang, nga pala ito ang anak ko sina Vince at Val." Rinig ko namang sabi ng dumating.

Pagpi-picture sana ako kaso bigla nalang akong hinigit ni Mi.

"Ano ba, Mi." Sita ko dahil hinarap niya ako sa bagong dating at don ko nakita ang pamilya. Gwapo yung matandang lalaki at maganda naman yung asawa nila. Yung anak na babae naman ay mukang high school student at huli kong nakita yung lalaking parang kasing edaran ko. Gaya ko, nakatingin din siya sakin kaya umirap na ako.

"Angela, ito si Catherine yung inaanak mo." Magiliw na pakilala ni Mi sakin dun sa ninang ko pala.

Nagulat naman yung ninang ko at nilapitan ako tsaka hinawakan ang magkabilang braso ko.

"Ikaw na ba ito, Catherine?" Hindi makapaniwalang tanong nung ninang ko kaya nahihiya akong tumango at nabigla ako nung yakapin niya ako ng mahigpit.

"Napakalaki mo, iha." Sabi niya sakin at humiwalay sa yakap dahil tumingin dun sa lalaking anak.

"Vince, natatandaan mo ba si Catherine? Yung kababata mo noon?" Nakangiting tanong nung ninang ko dahilan para magulat ako. Ano daw?

"I don't remember anything, I'm sorry." Walang ganang sabi nung Vince.

Matagal pa silang nagusap dahil nagpakilanlan pa sila ng mga anak. Habang nakain naman kami ay wala akong kibo dahil hindi ko naman kilala ang katabi kong ito, si Vince. Napatingin naman ako sa phone ko ng mag-text si Steph.

"How old are you?" Tanong niya sakin kaya tiningnan ko siya tsaka nagiwas ng tingin. Anong meronnsa kanya?

"21." tipid na sagot ko.

"Same. Tapos kana ng college, right?" Asik niya pa.

"Hmmm.." tango ko.

"Nagta-trabaho ka?" Tanong niya pa. Napataas naman ako ng kilay dahil sa mga tanong niya then biglang nag-sink sa isip ko yung sinulat ko kaya bigla akong napangisi.

"Yep. Author sa isang publishing company." Simpleng sagot ko.

"Nice. Ilan na nasulat mo?"

"8 books."

"Nice. Tuloy mo lang yan."

"Thanks."

"Tss. Ang tipid." Rinig ko namang bulong niya dahilan para palihim akong napangisi.

Hindi na ako magpapauto no. Kotang kota ko na yan, Vince. Hindi mo na ako maloloko.


✓ 1. The answer to the man should be short when he asks you a question.


"By the way, I'm Vince Nicollo Javier." Habol niya pa.

Ngumiti nalang ako ng pilit.


"I'm Catherine, Vince."

Tips: How to Ignore the Feelings of Love?Where stories live. Discover now