✓ Do not let it hold your hand or take advantage of you."Bakit mo naisipang magbake? Hindi ka naman nagbi-bake ah?"
Napatigil tuloy ako sa pagbabate ng egg dahil sa tanong ni Vince. Tiningnan ko siya ng masama kaya nagtaas siya ng kamay na parang sumusuko na.
"Okay. Hindi na nga ako magsasalita." Suko niya.
"Mabuti pa nga. Halika dito, ikaw nag mag-massage ng flour oh." Utos ko sa kanya kaya tumayo siya sa breakfast table at kinuha ang apron sa gilid ng ref.
Nandito kami sa bahay namin at niyaya ko siyang mag-bake. Napanood ko kasi sa internet kagabi kung pano mag-bake ng cupcake kaya sinubukan ko ngayon. Tutal busy naman ang magulang ko sa taas dahil sa home work nila. Hindi homework na assignment kundi yung sa bahay sila nagta-trabaho. Ganern.
Sinusunod naman ni Vince yung utos ko kaya masyado akong napadali sa gagawin. Pagkatapos kong magbate ng itlog ay sinunod ko na ang procedure sa internet tsaka nagpatuloy sa pagbi-bake.
Nung una, hindi ko pa makuha kung pano ba talaga nagagwa ang cupcake kaya nagbubunuan kami ni Vince sa paggawa.
Nitong mga nakaraang araw, siya nalang lagi ang kasama ko. Kapag lalabas or bibili sa mall, siya ang kasama ko. Kapag may mga pa-ano ang mga magulang namin, siya lagi ang kausap ko. Minsan nga napagkakamalan kaming mag-jowa kaya ako na ang tumatanggi kasi hindi naman talaga kami. Minsan lagi din kami nagbubunganga sa isa't isa kasi minsan yung mga gusto ko, ayaw niya kaya para kaming aso't pusa pero kapag napagod na siya, sua na ang nagpapaubaya. Diba? Hindi niya ako mapapasuko no! Asa siya.
"Hindi kasi ganyan, Catherine." Puna na naman niya.
"Ganito ang napanood ko sa youtube, Vince. Wag kang ano dyan." Bwelta ko.
"Tamo, mali naman ang ginawa mo." Puna na naman niya at lumapit sakin at hinawakan ang kamay ko para maturo ang tamang ganon. Kaya bago pa ako madala sa ginawa niya ay pinaipod ko na siya.
"Dun kana, alam kona." Pigil ko sa kanya kaya tinanggal niya na ang pagkakahawak niya at umalis na rin sa tabi ko.
Nakahinga naman ako ng maluwag pagkaalis niya at pilit na hindi pinapakita ang kaba sa muka ko kahit sobra na ang tibok ng puso ko.
Ginawa ko ulit ang pinanood ko sa youtube kaso pinuna na naman ako ni Vince kaya sinamaan ko na siya ng tingin kaya tumahimik na. Nagpatuloy lang kami sa paggawa kahit halos mabasag na lahat ng mga nandito sa kusina namin dahil sa lakas ng bunganga ko kapag sinisita niya ako.
"Oh, mali na naman ikaw." Puna na naman niya.
"Kanina kapa, naiinis na ako." Pigil na inis ko.
"Hindi kasi ganyan, Catherine." Sabi niya pa.
"Ganyan yun!" Bwelta ko at sinabuyan siya ng harina sa muka kaya umubo ubo pa siya tsaka ko naman siya tinawanan.
Tumigil lang ako sa pagtawa ng makita ko ang ngisi sa muka niya kaya nanlaki ang mata ko ng maisip ko ang kalokohan niya kaya bago pa niya ako sabuyan ay tumakbo na ako kaya hinahabol niya ako ng saboy ng harina kaya sinasabuyan ko din siya.
YOU ARE READING
Tips: How to Ignore the Feelings of Love?
Short StoryAlexa Catherine Blanco, an author who published a book titled "Tips: How to Ignore the Feelings of Love." A girl poured out her heartache and shared her experiences of enduring countless pains in the realm of love. The girl, who had encountered hear...