2

23 1 0
                                    

✓ Stay silent when the man talks to you.



Umagang umaga nagdesisyon akong mag-jogging dahil naisip kong hindi na ako masyadong nage-exercise. Nagsuot lang ako ng gray long sleeve and blue leggings, may dala din akong earpods para makinig ako ng music.


Nagsimula na akong mag-jogging sa buong village at alam ko namang mapapagod ako dahil masyadong malaki ang village na to. Habang nagja-jogging ako, bigla nalang may tumabi sa tabi ko at nakita ko si Vince kaya napatigil ako. Tinanggal ko ang earpods ko at takang tiningnan siya.




"Nagja-jogging ka rin?" Takang tanong ko kaya natawa siya.



Nagulat naman ng biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ito sa pagod, nakakasigurado ako. Taena! Sa ngiti lang to! Catherine!




"Yep. Wala ako dito kung hindi." Pilosopong sagot niya kaya inirapan ko siya at sinuot na ang earpods ko tsaka nagpatuloy sa pagtakbo.





Hindi ko naman siya pinansin habang natakbo ako kasi hindi ko alam ang nararamdaman ko. Tandaan mo Catherine, nasaktan kana. Nasaktan kana ng mga lalaki! Lahat na ng sakit naranasan mo kaya tumigil ka sa kahibangan mo!


Ranas na ranas na lahat Catherine! Wag nang dagdagan!


Ranas na ranas ng masaktan dahil hindi naman talaga minahal.

Ranas na ranas ng pagpustuhan ng mga lalaki.

Ranas na ranas ng paibigin tapos iiwan din.

Ranas na ranas ng maiiwan ng walang paalam.

Ranas na ranas ng maiiwan dahil hindi binigay ang lahat.

Ranas na ranas ng maging rebound.

Ranas na ranas ng maloko at ipagsabay.






Tama na! Kota na eh!






"Hey! Are you okay? Why are you crying?" Tanong sakin ni Vince kaya napatigil ako sa pagtakbo at pinunasan ang luha ko. Hindi ko alam na lumuluha na pala ako. Tangina naman kasi eh!




"Why are you crying, Catherine?" Nagalalang tanong niya kaya tiningnan ko siya.



"Wala. May naalala lang ako." Sagot ko at naupo sa gilid ng kalsada kaya naupo din siya.




"Ex?" Maingat na tanong niya.



"Hmm.. Exes." Pagtatama ko kaya natawa siya.



"Wag mo nang isipin yun, may mga bagay hindi na dapat iniisip kasi kung iisipin mo ulit, lalo ka lang masasaktan." Puna niya.


Napalunok naman ako sa sinabi niya.



"Ang mga Ex dapat hindi na iniisip kasi halata namang hindi ka din nila iniisip. Don't fool yourself." Dagdag niya.



"Naisip ko lang yung mga nangyare sakin noon." Bwelta ko.



Kumunot naman ang noo niya. "Wag mo ng balikan ang mga katangahan mong ginawa noon dahil pilit ka nitong ibababa kung ano ka na ngayon."



Tips: How to Ignore the Feelings of Love?Where stories live. Discover now