5

20 0 0
                                    

✓ Do not answer or reply when he texted or call you.







Bakit ba ako nasama dito? Hindi naman dapat ako nandito, diba?



"Nakabusangot ka?"


"Bakit nga ba ulit ako nandito, Steph?"



"Kanina mo pa yan tinatanong, nakakainis ang paulit ulit Catherine." Inis na bulyaw niya.



Hindi dapat ako sumama sa outing nato ng opisina eh. Bakit na ako pumayag? Ang boring, wala kaming magawa. Puro sila inom at ang nakakainis ay hindi ako nagiinom.


"Dapat pala hindi na ako sumama, Steph." Nakangusong asik ko kaya nakatanggap ako ng batok sa kanya.


"Wala ng bawian yan, gaga ka." Sagot niya.


"Malamang! Nandito na ako eh!" Sigaw ko tsaka hinatak ang buhok niya. Itong baklang to, sabunutan daw ba ako?!



Inirapan ko nalang siya at lumabas ako ng hotel na tinutuluyan namin. Naglakad lakad ako sa buong resort pero napatigil ako nang may magtext sakin.




From: Unknown

Hi Catherine, how are you? Vince here.







Ha? Ano? Si Vince? Pano niya nalaman ang phone number ko?






To: Vince

How did you know my number?







Nagkibit balikat ako at paglalakad na sana ulit kaso nagtext ulit siya.






From: Vince

Haha. Kay Dray. Hiningi ko.









Hiningi? Kay Dray? Why?





Nagtext ulit siya.





From: Vince

How are you? Nageenjoy ka ba?




Hindi.





To: Vince.

Oo, enjoy naman masyado.






Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa napunta ako sa isang restaurant at naupo sa table sa labas.





From: Vince.


Yan. Kailangan mo yan ngayon, ang mag-enjoy para iwas stress.









Natawa naman ako sa text niya kaya nababa ko ang phone ko. Rereplayan ko sana siya kaso may nakita akong tao na sobrang tagal ko ng hindi nakikita.



Bakit siya nandito? May kasama ba siya? Nagbabakasyon ba ulit siya? Anong ginagawa mo dito, Joaquin?


Nakita ko si Joaquin sa hindi kalayuan sa table ko. Nakashade siya habang naniningin sa menu. Si Joaquin ang ex kong ginawa akong rebound. Six months lang ang tinagal ng relationship namin dahil mukang mahal pa niya ang ex niya at college naging kami.



Tips: How to Ignore the Feelings of Love?Where stories live. Discover now